Operation Thirteen

6 3 1
                                    

Operation Thirteen

-*- Blue -*-

Kinakabahan ako. 3 days na lang. Mamaya ay susunduin ako ni Rion ng breaktime. Ngayon yung schedule ko para sa pag-sukat ng gown.

Ngayon lang ako mag-susukat. Masyado kasing busy pero ngayon free ako dahil nag-volounteer si Dr. Manu na siya yung papalit sa full time shift ko.

I am thankful na iilan sa mga ka-trabaho ko ay concern sakin, except lang kay Alex and that punk.

Silang dalawa lang naman yung walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid nila. At kahit sa buhay ng ibang tao ay wala din silang pakialam.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko si Rion.

["Goodmorning, Blue"] bungad niya nang sagutin niya ang tawag.

"Papunta ka na?" Excited na tanong ko.

["Yup! Hintayin mo na lang ako dyan sa office mo. Bye."] Sabi niya at binabaan niya na ko.

Tatayo pa lang ako para sana mag-ayos kaya lang ay tumunog naman ulit yung phone ko.

"Montelagra, speaking." Naka-ngiting sabi ko.

["Blue, it's me Liya."] Sabi niya sa kabilang linya.

She's Liya, pinsan ni Jerro. Siya yung designer na kinuha ni Jerro para sa gown ko.

"Hi, Li! Pupunta na kami ni Rion sa boutique mo mamaya." Paalala ko sa kaniya.

["Oh, about that. Pina-cancel ni Jerro yung schedule mo for today. Why, Blue? May problema ba?"]

Nagulat ako don. Bakit niya pina-cancel? Hindi niya man lang ako sinabihan.

"Kailan niya pina-cancel?" Takhang tanong ko.

["Bago kita tawagan."]

Ngayon lang? Bakit?

"I'll talk to him. Sige thank you, Li." Agad kong binaba yung tawag at di-nial ko naman ang number ni Jerro.

Naka-ilang ring na pero hindi niya naman sinasagot.

Don't do this to me, Jerro.

Please, answer your phone.

Naka-hinga ko ng maluwag nang marinig ko ang boses niya.

Thank God.

"Bakit mo pina-cancel yung schedule ko?" Mahinahong tanong ko.

["I'm sorry, Blue."] Malamig ang tono niya kaya ay mas kinabahan ako.

"Sorry for what? Jerro, umayos ka. Anong nangyayari sayo?" Nanginginig na yung boses ko.

No. Please don't.

["You know how much I love you. But I don't know how much you love me."]

"Stop this, Jerro! Hindi nakakatuwa. Alam mong mahal kita, please don't say that." Hindi ko magawang kumalma.

["I'm really sorry, Blue."]

"Jerro, please!" Halos pa-bulong na sabi ko.

["Let's meet at Monroe Resto. 10 pm."]

Hindi na ko naka-sagot dahil agad niya ring binaba yung tawag.

Tinignan ko ang oras. 1 pm palang.

Sakto namang dumating si Rion.

"Tumawag si Liya, bakit?" Sasagutin ko na dapat siya nang bigla naman siyang nag-salita ulit. "Nevermind. Where's Vince?"

"Bakit mo naman hinahanap yung isang yon?" sumimangot ako. "He's not here. Pareho sila ni Alex. Hindi sila pumasok." Sabi ko na lang.

Humiga siya dun sa sofa at tinakpan niya yung mukha niya ng unan.

Nag-buntong hininga ko at tumawag sa nurse station.

"Nurse Irene, paki-sabi kay Dr. Manu na ako ng bahala sa shift ko. Thank you." Sabi ko at binaba ko agad ang telepono.

What's with you, Jerro?

~*•*~

Their Story: Operation Save YourselfWhere stories live. Discover now