Operation Ten
-*- Vince -*-
Nang umalis yung kapatid ni Blue ay bumalik na lang ulit ako sa office ko. Wala naman na kong gagawin tutal si Blue naman na yung pumunta dun sa OR.
Ibang klase talaga yung babaeng yon. Harap harapan ba namang ipa-mukha sakin na wala akong kwenta. Nakakainis!
Lahat na lang siya yung gumagawa! Look, I'm trying my best para naman mapatunayan na may silbi ako pero sa t'wing may gagawin talaga ako ay laging humaharang si Blue.
Dahil lang sa wala siyang tiwala sakin?
I don't get it. Hindi ko nga alam kung panong wala siyang tiwala sakin. Wala naman akong ginagawa pa--
Napa-buntong hininga na lang ako nang maalala ko yon. Ngayon alam ko na kung bakit ganon.
Pinag-patuloy ko na ang ginagawa ko kanina nang may pumasok sa office ko.
Akala ko umalis na 'tong isang 'to?
"May kailangan ka pa ba?" tanong ko na lang kahit hindi maganda yung kutob ko sa kaniya.
Hindi niya pinansin ang tanong ko instead nilibot niya ang office ko at pinag-masdan ang mga gamit dito. Nakita kong ngumisi siya. Problema niya? Baliw ba siya?
"Ganto pala ang itsura ng office mo. Ngayon lang ako naka-pasok dito and I can say organize ang mga gamit mo, pero yung may-ari ng office hindi." sabi niya. Hindi ko alam kung anong gusto niyang iparating pero isa lang ang nakikita ko sa lalaking 'to. Pareho sila ni Blue.
Akala ko tapos na siyang mag-salita pero hindi pa pala. "By the way, kamusta kayo nung kaibigan mo?"
Kumunot ang noo ko. ano nanaman bang gusto niyang malaman?
"Sinong kaibigan?" kunwaring tanong ko.
At sa pangalawang pag-kakataon ay ngumis nanaman siya. "Alam mo kung sinong tinutukoy ko. Si Jerro."
Hindi ko alam kung bakit parang naging interesado ako sa sinasabi ng isang 'to. "Hindi pa kami nag-uusap at wala akong balak." sagot ko na lang.
"Can we talk?" sabi niya pa. Hindi ba siya na-uubusan ng tanong?
"Hindi pa ba tayo nag-uusap sa lagay na 'to?" sarkastikong sabi ko. Medyo naiinis na rin kasi ako. May gagawin pa kasi ako.
"What I mean is yung seryosong usapan. Hindi yung walang kwenta lang." seryoso niyang sabi.
Anong tingin niya sakin? Walang kwenta?
~*~
Nandito kami ngayon sa Dunkin' Donut sa tapat lang ng ospital. Ewan ko ba kung bakit ako pamayag sa isang 'to.
"So, what now?" tanong ko ng wala sa kaniya ang tingin.
"Gusto kong malaman kung bakit hindi mo tinupad yung sinabi mo sa kaniya." diretsong sabi niya at walang kahirap hirap na lumabas sa bibig niya yon.
"Para san pa? Besides, nandyan naman na si Jerro. Wala akong laban. Alam mo yan, Rion." Nginitian ko siya ng mapait.
"Panong walang laban? Ni hindi mo nga sinubukan." Mapang-asar na aniya.
Walang duda, kapatid talaga siya ni Blue. Pareho silang madaming alam. Naiinis ako.
Hindi na ko naka-sagot. Tama naman siya sa sinabi niya. Umatras ako ng basta, at hindi ko man lang sinubukan kahit isang beses.
Kasi natakot ako.
Tumalikod na ko sa kaniya dahil mukha namang tapos na siyang mag-salita.
~*•*~
A/N: hoho! Balak ko talagang 10 chapters lang 'to pero mukhang kailangan kong i-extend sa 15 or 20 para hindi bitin. So, ayun feel free to ask kung naguguluhan kayo(just in case lang naman).
YOU ARE READING
Their Story: Operation Save Yourself
HumorI will try this new story. Pinag-isipan ko po ito ng maigi. Kung may kapareho man po na pangalan, scene or whatsoever ay hindi po sinasadya at nagkataon lang. Tignan na lang po natin sa plot twist, dyan naman nagkakatalo ang bawat story. Pero ako na...