Operation Eighteen

11 3 2
                                    

Operation Eighteen

-*- Alex -*-

Pag-dilat ko ay naramdaman ko agad ang pagka-hilo.

"Ma'am, naririnig niyo po ba ko?" Tanong ng kung sino. Hindi ko maaninag yung mukha niya dahil nanlalabo din ang mata ko.

Luminga ako sa kaliwa ko at naramdaman ko ang sakit sa leeg ko.

"Where's Vince?" Hirap akong mag-salita.

"Ma'am, wag na po kayong gumalaw masyado. Baka mas lalo pong madagdagan yung sakit na nararamdaman niyo." Paliwanag niya pa kung sino man siya.

I don't need his advice. Where's Vince?

"Where is he? Answer me? Is he alive? What?" Naramdaman ko ang dahan dahang pag-tulo ng pulang likido sa gilid ng mata ko.

"Maayos siya pero matagal din siyang naipit kaya ay nauna na siyang dinala sa ospital dahil kinakapos siya sa hininga." Paliwanag niya pa.

Ilang minuto din ang lumipas at inilabas ako sa kotse. Dahan dahan akong nilapag sa stretcher. Nilagyan nila yung leeg ko ng cervical collar.

Naramdaman ko ang pag-galaw ng stretcher kasabay non ay narinig ko ang tunog ng ambulansya at sirena ng mga police mobil.

"Alex, anong nangyari?" Tanong ng isang pamilyar na boses. Si Mandy.

Hindi ko siya nasagot nang makita ko yung isang lalaki na nilabas sa kotse na nabangga namin. Duguan siya at parang hindi na gumagalaw.

Naramdaman ko ang pag-tulo ng luha sa mata ko.

I'm so sorry.

~*~

-*- Blue -*-

Isang oras bago mag 10, dumating ako sa Monroe.

"Goodevening, Ma'am. Ms. Blue Montelagra?" Tanong ng waiter na naka-abang sa glass door.

Tumango ako dahil wala akong ganang mag-salita.

"Sa garden area po ang reservation ni Sir Jerro. This way po, Ma'am." Naka-ngiting aniya at inilahad ako papunta sa garden area.

Lumapat sa balat ko ang malamig na hangin.

"Dito na po ba kayo mag-hihintay?" Tanong niya pa.

"Yes. I'm fine here." Sagot ko at nilibot ko ang paningin ko sa buong garden. Ang fresh ng paligid, nakaka-relax.

"May 1 hour pa po before 10. Baka po malamigan kayo."

Napa-ngiti ako. "I'm fine here." Kaswal na sagot ko.

Besides, kailangan ko din ng oras para makapag-isip mg maayos.

Iniwan ako nung waiter at nag-lakad lang muna ako palibot sa garden.

I wonder kung anong ginagawa ni Rion sa office ko. And bakit niya hinahanap yung Vince na yon.

Speaking of, pareho silang wala ni Alex. And guess what. Ako nanaman ang umako sa mga trabahong iniwan nila.

Nag-buntong hininga ko.

To be honest, hindi naman sila ganyan dati.

Well, sakin na din nang-galing. Iba ang dati sa ngayon.

Nag-hintay ako hanggang sa pumatak ang oras sa ika-10 ng gabi.

Medyo nilalamig na ko.

Pinuntahan ako nung waiter na nag-assist sakin kanina.

"Ma'am, it's already time. Ayaw niyo po ba munang pumasok sa loob?" Tanong niya ulit.

Sinilip ko sa phone ko ang oras.

10:17 pm.

17 minutes na siyang late.

"I'll wait here, besides baka traffic lang kaya wala pa siya." Kalmadong ani ko kahit na maraming tanong ang tumatakbo sa isip ko.

Natigil kami sa usapan nang pumasok ang isa pang waiter.

"We're very sorry, Ms. Montelagra. Mr. Jerro.." hindi niya natapos yung sasabihin niya nang may tumawag sa phone ko.

"What?" Bungad ko kay Rion.

["Go here, now! Si Jerro.."] hindi ko na siya pinatapos at agad ko siyang binabaan.

Diretso ang pag-alis ko sa Monroe.

Why? What's with, Jerro?

~*•*~

Their Story: Operation Save YourselfWhere stories live. Discover now