Operation Fourteen

10 3 0
                                    

Operation Fourteen

-*- Alex -*-

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Vince at dinala niya ko dito sa bar.

Kanina ko pa siya pinapanood na uminom.

Nitong mga nakaraan ay napansin kong hindi siya mapakali. At nung isang araw ay hindi ko siya maka-usap then isang beses pa ay tinawag niya kong Blue.

Nakakainis talaga siya.

At ngayon kung ano ano nang sinasabi ni Vince dito. Nahihiya na nga ako dahil kanina pa siya nag-sasalita.

Kung iniisip niyong hindi ako tinatablahan ng hiya, well mali kayo. Tao pa rin naman ako kaya nakaka-ramdam pa rin ako.

But I admit the fact na makapal talaga yung mukha ko.

"Loko yung kaibigan mo, Alex! Ipa-mukha ba naman sakin na wala akong kwenta!" Naka-ngiting sabi niya.

Right from the start, Vince. At simula nung sinira mo yung tiwala niya wala ka ng kwenta sa paningin niya.

Hindi pa ko lasing at wala akong balak mag-lasing. Mahirap na, baka hindi kami maka-uwi ng buhay kung pareho kaming lasing ni Vince.

Nakaka-tatlong shot pa lang ako pero si Vince apat na bote na yung na-uubos niya.

Ngayon lang nangyari 'to. Ngayon lang siya uminom ng ganito. And mukhang hindi lang basta trip niyang uminom ngayon.

Halata namang may pino-problema siya.

"Loko din yung mapapangasawa niya! Si Jerro!" Yumuko siya at tumawa ng bahagya. "Hayop din yung isang yon!"

Why, Vince? Are you hurt? Or may ginawa si Jerro na hindi mo gusto?

Sa dalawang yan lang naman ako mami-mili kapag nagiging ganyan si Vince.

It's either nasasaktan siya or naiinis siya kay Jerro.

Sa tagal ko ba namang kasama yang si Vince. Kilala ko na siya.

And I can say that he's hurt.

"Kausapin mo yung hayop na yon, nasisiraan na ata ng bait!" Halos pa-bulong na sabi niya pa.

Natawa ko. Si Jerro? Baka naman ikaw yon, Vince. Mas mukha ka pangang sira kaysa sa kaniya.

"Sabihan mo siya. Kung ano mang balak niya, wag na niyang ituloy! Kasi pare-pareho lang tayong ma-aapektuhan sa gusto niyang mangyari! Kaya, Alex. Talk to that man.." bakas sa tono niya na nakiki-usap siya.

Naramdaman ko ang pag-kunot ng noo ko.

Ano ba talagang nangyari, Vince? Bakit parang masyado kang apektado sa kung ano. Nag-kita ba kayo? May sinabi ba siya sayo? If yes, then ano yon at ganyan ka na lang ka-apektado?

"Alex.." banggit niya sa pangalan ko.

Nag-buntong hininga ko saka inubos yung pang-apat na baso.

"What?" Walang gana kong sagot.

"Seryoso ako, kausapin mo si Jerro.." sabi niya ng hindi tumitingin sakin.

Bakit ko naman gagawin yon? Kung hindi ako nag-kakamali, you're asking me to do that for Blue.

Itatanong ko palang sana kung bakit kailangan ko pang kausapin si Jerro nang biglang tumayo si Vince.

"Where are you going?" Tanong ko.

Where are you going? Tsk, Dora ba 'to?

Hindi niya ko sinagot at dumiretso siya sa dancefloor.

Yeah, I forgot. Nasa bar nga pala kami kaya pwede niyang gawin ang kahit anong gusto niya.

Ang weird mo, Vince.

~*•*~

A/N: dahil sa chapter na to nagustuhan ko yung character ni Alex haha xd btw, baka dagdagan ko pa yung chapters kasi nabibitin ako sa 20 haha ang artiii lol tignan na lang natin kung hanggang anong chapter magagawa ko.
Yie thank you!

Their Story: Operation Save YourselfWhere stories live. Discover now