Operation Six
-*- Vince -*-
Bumukas ang glass door ng office ko at hindi ako nag-abalang sulyapan kung sino ang pumasok.
Pake ba niya? Busy ako.
"Himala ata at may ginagawa ka ngayon?" Malambing ngunit sarkastiko nanaman ang tono niya.
"May kailangan ka ba, Nurse Mandy?" Tanong ko habang nasa data pa rin ang tingin ko.
"Himala rin ata na hindi mo tinigil yang ginagawa mo." Dagdag niya pa na kina-kunot ng noo ko.
Ngunit hindi pa rin ako tumitigil sa ginagawa ko.
Hindi alam ko kung anong nakain ko at ang sipag ko nitong nga nakaraang araw. Halos hindi ako nag-break para lang matapos ang ginagawa ko. Pero sinisiguro ko naman na may oras ako para kay Alex.
"Kung may kailangan ka ay sabihin mo na." Nasa papel pa rin ang tingin ko.
"Mukhang busy ka, Doc Vince. Si Doc Blue na lang ang--" sabi niya at sa hindi ko malamang dahilan ay binitawan ko ang papel na hawak ko at tinuon ang tingin kay Nurse Mandy.
"Ano bang gagawin?" Agad na natong ko.
Ngumiti siya sakin. Ngayon lang nangyari 'to, kadalasan kasi ay sinusungitan ako ng kahit na sino dito sa ospital na 'to.
"Pumunta ko dito para sana sabihing may pasyente na parating ngayon at gusto ko sanang ikaw na ang gumamot doon. Ayokong mapagod si Doc Blue dahil ilang araw na rin siyang hindi umuuwi para lang masiguro na okay ang lahat ng pasyente. Na-aawa ako sa kaniya." Bakas sa tono niya na kino-konsensya niya ko.
Ano namang pakialam ko? Hindi ba't ginusto niya na siya ang gumawa lahat ng trabaho?
"Pero kung may ginagawa ka ay okay lang, baka naabala pa kita. Ibang doktor na lang ang lalap--" hindi ko pinatapos ang sinasabi niya at tumayo ako para ayusin ang gown na suot ko.
"Ako na ang gagawa. Assist me." Sabi ko na ikinagulat naming pareho.
What happened? Masyado kong...hays nevermind.
Nginitian niya ko at alam kong totoo yon. "Salamat." Aniya at naunang lumabas ng office ko at sinundan ko siya.
Nang malapit na kami sa entrada ng emergency hall ay na-aninag ko na ang pasyente na nakahiga sa hospital bed na kasalukuyang tinutulak ng mga nurse.
Nang maka-lapit kami ni Nurse Mandy sa pasyente ay agad kong tinanong ang isang nurse.
"Anong nangyari?" Mahinahong tanong ko.
"Bumangga yung sasakyang minamaneho niya at naipit siya ng ilang oras. Nawalan lang siya ng malay but he's conscious." Hingal na sabi nung nurse.
Tumango ako at akmang hahawak na ko sa dulo ng hospital bed para sana tumulong sa pag-tulak kaya lang ay may dalawang kamay na ang naka-lapat doon.
"Let me, please.." aniya at napa-tingin ako sa kaniya.
Pinanood ko siyang tumulong sa pag-tulak ng hospital bed.
Nagka-tinginan kami ni Nurse Mandy at binigyan niya lang ako ng isang ngiti na hindi ko alam ang ibig sabihin. At nagulat ako nang may tumulong luha sa mata niya na agad naman niyang pinunasan.
"Sabi ko sa kaniya ay mag-pahinga siya at wag na lumabas sa opisina niya. Pero matigas ang ulo niya. Sorry, Doc Vince at naabala kita." Paliwanag niya.
Bakit pakiramdam ko ay napaka-walang kwenta ko?
~*•*~
A/N: hindi ko comfort zone yung genre ng story na 'to pero hindi ko alam kung bakit sobrang komportable ako sa ginagawa ko haha achievement nanaman 'to para sakin.
Enjoy guys!
YOU ARE READING
Their Story: Operation Save Yourself
HumorI will try this new story. Pinag-isipan ko po ito ng maigi. Kung may kapareho man po na pangalan, scene or whatsoever ay hindi po sinasadya at nagkataon lang. Tignan na lang po natin sa plot twist, dyan naman nagkakatalo ang bawat story. Pero ako na...