Operation Eleven
-*- Vince -*-
Kaka-dating ko lang sa ospital at kung minamalas ka nga naman ay naka-salubong ko pa si Blue.
Papunta ko sa office ko at siya naman ay kakalabas lang sa office niya.
"Ang aga mo naman ata ngayon?" Biglang tanong niya at talagang nagulat ako.
Hindi ko alam kung pano ko magre-react kaya imbis na sagutin siya ay mabilis akong pumasok sa loob ng office ko.
What was that, Vince? Na-baliw ka na din ba? Nahawa ka na kay Rion?
Tsk! Lintek na Rion kasi yon! Kung ano ano kasing tinatanong sakin! Nakakainis!
Bago ko tuluyang maka-alis sa kinatatayuan ko ay nag-salita pa ulit si Rion.
"Tungkol nga pala dun sa tanong ko kanina. Let me rephrase it." Aniya kaya humarap ako sa gawi niya at hinintay ang sasabihin niya.
Ngisi ang unang ipinakita niya. "Do you...still like her?"
At dahil walang kwenta yung tanong niya ay hindi ko siya sinagot at iniwan ko siya don.
"Goodmorning, Vince!" Bati ni Alex na kakapasok lang sa office ko. "Ang aga mo ngayon ah?" Nginitian niya ko.
"A-ah, advance kasi yung relo ko kaya akala ko late na ko." Palusot ko. Ni hindi ko nga alam kung bakit nandito ako. Hindi dapat ako papasok ngayon kaya lang ewan ko ba kung bakit dito ako pumunta.
"By the way, 3 weeks na lang pala at wedding na ni Blue. Here.." may linapag siyang puting envelope sa table ko.
Kumunot ang noo ko. Ano naman yan?
Kinuha ko yon at binuksan.
Invitation card para sa kasal ni Blue.
"Pupunta ba tayo?" Hindi ko alam pero bigla na lang akong nainis sa tanong niya.
Mabilis kong binalik sa loob ng envelope yung invitation card.
"Kung gusto mong pumunta then go." Sabi ko na lang.
"Kung hindi ka pupunta, hindi na din ako pupunta." Ngumiti ulit siya at linukot niya yung envelope. "About our wedding. Ayoko munang ikasal." Dagdag niya pa at lumabas siya ng office ko.
Tinitigan ko yung lukot na envelope.
Huminga ko ng malalim at tinuon na lang ang pansin sa mga status ng pasyente.
Sa buong magdamag ay hindi ako lumabas ng office ko.
Hindi ko na rin pinuntahan yung mga pasyente na dapat kong puntahan dahil alam kong sa oras na lumabas ako sa opisina ko ay ipapa-mukha lang sakin ni Blue na wala akong silbi.
Kakatapos ko lang i-review ang lahat ng status ng pasyente.
Tumayo na ako at inayos ko na ang lahat ng gamit ko. Akmang lalabas na ko ng office ko nang nag-vibrate ang phone ko.
Singot ko yung tawag.
Napa-ngisi ako bago ako nag-salita. "Hindi ko akalaing tatawagan mo ko." Sarkastikong sabi ko. Wala naman siyang dahilan para tawagan ako.
["Hindi ko rin naman akalaing sasagutin mo yung tawag ko."] Narinig ko ang mahina niyang tawa.
"Bakit ka tumawag? Ipapa-mukha mo din ba sakin na ikaka--" hindi ko natapos yung linya ko nang dumaan si Blue sa harap ng office ko at pumasok siya sa loob ng opisina niya.
["No. Let's meet, Vince."] Nag-iba ang tono niya.
Meet for what? Bakit hindi na lang niya sabihin ngayon?
~*•*~
![](https://img.wattpad.com/cover/98475507-288-k604183.jpg)
YOU ARE READING
Their Story: Operation Save Yourself
HumorI will try this new story. Pinag-isipan ko po ito ng maigi. Kung may kapareho man po na pangalan, scene or whatsoever ay hindi po sinasadya at nagkataon lang. Tignan na lang po natin sa plot twist, dyan naman nagkakatalo ang bawat story. Pero ako na...