Operation Twenty Five

9 3 2
                                    

Operation Twenty Five

-*- Vince -*-

Kakarating ko lang sa ospital. Kukunin ko na lang yung mga natirang gamit sa opisina ko.

I can't believe na ganito kabilis mawawala yung pinag-hirapan kong trabaho.

Pumasok ako sa loob at si Nurse Mandy agad ang bumungad sakin.

Iniwasan ko siya at sa ibang direksyon bumaling. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng hiya. Ano pa kaya kung si Blue na yung kaharap ko?

"Vince!" Tawag niya.

Nang lingunin ko siya ay papalapit na siya sa gawi ko.

Naka-tingin siya sakin kaya ay nag-iwas ako ng tingin.

Na-aalala ko yung araw na umiyak siya sa harap ko. Nakita ko kung gano nila pahalagahan si Blue pero ako? Wala, puro lang walang kwenta yung mga pinag-gagawa ko.

"S-sorry.." na-uutal na sabi ko.

Narinig ko ang pag-tawa niya ng bahagya kaya ay napa-lingon ako.

Hindi na ko mag-tatakha sa ganyang reaksyon nila kapag binabanggit ko ang salitang yon.

Wala naman kasi sa mukha ko na ako yung tipo ng tao na magso-sorry. Nasanay na sila don at kahit ako din.

"Sakin mo ba dapat sabihin yan?" Nakakalokong tanong niya. Hindi yon sarkastiko. Nginitian niya ko at tinapik ako sa balikat. "Kausapin mo siya, bago siya umalis. Baka kasi matagalan bago siya bumalik."

Aalis siya? Saan naman siya pupunta? Dahil ba sakin?

"K-kailan siya aalis?" Nahihiyang tanong ko

Bakit siya aalis?

"After a month." Nasa tono niya ang pang-aasar. "Una na ko, Doc Vince." Tumawa pa siya bago siya tuluyang maka-layo.

Dumiretso ako sa dati kong opisina.

Habang liniligpit ko ang iba kong mga gamit ay hindi ko maiwasang mapa-sulyap sa kabilang office.

Wala siya sa opisina niya. Malamang ay nasa OR siya.

Pagka-tapos kong ilagay sa dalawang box lahat ng mga gamit ko ay nagpa-kawala ako ng malalim na hininga.

"Kailangan mo ng tulong?" Biglang pasok ni Rion.

Hindi ko siya sinagot at basta na lang niya kinuha yung isang box.
Hindi na ko umangal. May gusto din kasi akong itanong sa kaniya.

Nang marating namin ang parking lot ay doon lang ako nag-lakas loob na mag-tanong.

"Kamusta siya?" Hindi ako naka-tingin sa kaniya pero alam kong naka-ngiti na siya.

"She's fine, as always. Ginagawa niyang busy yung sarili niya and I hate it." Bakas sa tono niya ang pag-aalala sa kapatid niya.

Basta pag-dating kay Blue ay lagi siyang ganyan. Alam ng lahat na mahal na mahal niya yung kapatid niya.

"Lagi kang nandito?" Tanong ko pa.

"Kailangan ko siyang bantayan, ayokong pinapagod niya yung sarili niya." Aniya.

Tinulungan niya kong ipasok sa likod ng kotse yung mga box.

"Alam mo na ba yung tungkol sa pag-alis niya?" Tanong niya sakin.

Sinara ko muna yung likod ng kotse bago ko siya sinagot.

"Na-banggit sakin ni Nurse Mandy kanina. Why?" Sumandal ako sa kotse.

Isang ngiti nanaman ang kumawala sa kaniya.

Naging habit na niya yan sa t'wing may itatanong ako na tungkol kay Blue. He's always like that.

"Wala ka bang gagawin?" Hindi nawala ang ngiti niya.

Anong gusto niya? Guluhin ko yung buhay ng kapatid niya?

Napa-ngiti na lang din ako. Tinapik ko siya sa balikat para mag-paaalam na aalis na ko.

"Pag-iisipan ko." Kaswal na sabi ko at sumakay na sa kotse ko.

Ano namang gagawin ko?

~*•*~









Their Story: Operation Save YourselfWhere stories live. Discover now