Operation Twelve

10 3 2
                                    

Operation Twelve

-*- Blue -*-

Medyo nakaka-ramdam na ko ng pressure. 2 weeks na lang bago yung wedding namin. Hindi pa rin kami nag-uusap ni Jerro.

Tinatawagan ko siya pero hindi naman niya sinasagot. Naiiyak ako.

"Blue, hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ni Mandy na kaka-pasok lang sa opisina ko.

Nginitian ko siya. "Magpa-pahinga lang ako saglit. Uuwi ako mamaya, sinabi ko kasi kay Rion na uuwi ako. Baka kasi mag-tampo siya kapag di ko siya sinunod." Natatawang sabi ko.

"Kakaiba din yang kapatid mo, Blue. Parang siya pa yung mas matanda kaysa sayo. Overprotective siya sayo." Naka-ngiting sabi ni Mandy.

"Pareho lang kami, pero mas strikto siya at kung minsan pa nga ay siya yung nasusunod saming dalawa." Ngumuso ako pagka-tapos kong sabihin yon.

"Hindi ka ba susunduin ni Jerro?" Pag-iiba niya ng usapan.

"I hope na sunduin niya ko. Pero mukhang imposible." Naramdaman ko na lang na tumulo na ang luha ko.

"Hindi pa rin kayo nag-uusap?" Tanong niya pa kaya tumango ako at mas lalo pa kong nakaramdam ng frustration.

"Blue, 2 weeks na lang ikakasal na kayo. Ayusin niyo yang gulo niyo." Ramdam ko ang concern sa tono niya. Yinakap niya ko. "Mag-pahinga ka muna. Ipapa-sundo na lang kita kay Rion."

Hindi na ko umangal. Naramdaman ko na rin kasi yung pagod.

Why does it have to be like this? Okay naman dati. How come na naging ganito kami?

Ilang minuto kaming nag-hintay ni Mandy na dumating si Rion.

"What happened?" Bungad niya kay Mandy nang pumasok siya sa opisina ko.

"Stressed." Simpleng sagot ni Mandy.

Nag-buntong hininga si Rion saka siya tumingin sakin. May halong inis sa mata niya.

Pinikit ko ang mata ko dahil alam ko namang sesermonan niya ko.

Hinihintay ko siyang mag-salita pero wala siyang sinabi kaya ay minulat ko na ang mata ko at tumingin sa kaniya.

"Let's go." Mahinahong aniya.

Dahan-dahan akong tumayo at tinanggal ko yung puting gown ko.

Binitbit ni Rion yung bag ko. Basta na lang niya hinablot at nauna na siyang mag-lakad.

Natawa na lang si Mandy sa inasta ni Rion.

"Kulang na lang ikulong ka ng kapatid mo sa bahay niyo para lang makapag-pahinga ka." Tumawa siya. "Pano kaya kung i-suggest ko sa kaniya yon? Para naman di ka na umangal." Asar niya sakin kaya ay sinundot ko siya sa tagiliran.

Alam ko namang seryoso si Mandy sa sinasabi niya. Kapag hindi ko sila sinunod malamang sasabihin niya talaga yon kay Rion. At dahil mahal ako ng kapatid ko ay susundin niya si Mandy.

Hinatid ako ni Mandy sa parking lot. "Bye! Sabay na kami ni Nurse Irene. Ingat kayo. Rion, bantayan mo yang kapatid mo." Sabi niya pa bago kami umalis.

Nang maka-uwi naman kami ay walang kibo si Rion. Kapag ganyan siya ay naiinis siya.

Bago siya pumasok sa kwarto niya ay hinila ko yung laylayan ng T-shirt niya at yinakap ko siya.

"Sorry. Wag ka na mainis, please." Pa-awa effect pa ko.

"Hindi ako naiinis sayo. Kay Jerro." Seryosong sabi niya bago ako yinakap.

I know. You don't want him for me.

~*•*~

Their Story: Operation Save YourselfWhere stories live. Discover now