Operation Nine

8 3 3
                                    

Operation Nine

-*- Rion -*-

Napa-ngiti ako.

"Miss me? Really?" Tanong ko habang inaayos ko yung pagkain na binili ko.

"Yes, so much." Bulong niya sa likod ko.

Nawala yung ngiti sa labi ko nang ma-alala ko si Jerro.

"Do you miss him, too?" Agad na tanong ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot pero naramdaman ko ang pag-tango niya.

"Let's eat, Rion. Gutom na ko." Inalis na niya ang pagkaka-yakap niya sakin at inurong ko ang isang upuan pa-atras para maka-upo siya.

"Thank you." nginitian niya ko nang maka-upo na ko sa tapat niya.

Tahimik lang siyang kumain. Ganyan talaga siya kapag pagod. Kahit na gusto ko siyang kulitin ay hindi ko magawa baka kasi ma-stress siya sakin. But I won't let it slide this time.

"Bakit hindi mo siya tawagan?" Tanong ko habang abala sa pagkain.

Narinig ko yung pag-buntong hininga niya. "Tinawagan ko siya." Tipid na sagot niya at bakas ang lungkot sa tono niya.

"Then?" Dagdag ko pa.

At hindi na niya ko sinagot. That means yun na din yung sagot sa tanong ko.

What a jerk? Nagawa niya pa sa kapatid ko yon?

"Gusto mong tawagan ko siya?" Kahit labag sa loob ko na gawin yon ay gagawin ko para kay Blue.

Pero umiling siya.

Hindi na lang ulit ako nag-salita at tinuon na lang ang pansin sa pagkain.

Maya-maya ay may tumunog na parang buzzer dun sa office na katapat ng office ni Blue.

Nakita ko yung lalaki sa kabilang office and kaka-labas niya lang sa office niya nang biglang nakita ko na lang si Blue na lumabas sa office niya at natigilan yung lalaki.

Tumayo ako at lumabas sa office ni Blue. Katapat ko ngayon yung lalaki.

"Vince." Sabi ko nang mabasa ko yung pangalan niya sa puting gown na suot niya. Hindi na ko magpapa-kilala sa kaniya dahil alam kong kilala na niya ko.

Makita ko pa lang siya ay halos bumalik lahat ng alala dati.

Napa-ngisi ako. "Do you like her?" Tanong ko at halatang nagulat siya.

"What do you mean?" Kunot noong tanong niya pabalik.

"My sister. Do you like her?" Tinagilid ko yung ulo ko para maasar siya.

"What the hell are you talking about?" Bakas sa boses niya na ayaw niyang sagutin ang tanong ko kaya't nagmamaang-maangan siya.

"Hindi mo na kailangan sagutin yung tanong ko." Tinalikuran ko siya at napa-ngiti na lang ako. "Alam ko na yung sagot kahit tignan pa lang kita. At wag mo nang tangkain na tumanggi, lolokohin mo lang sarili mo." Natawa ko.

Pumasok ako sa office ni Blue para kumuha ng face mask at diretso kong lumabas at nag-tungo sa nurse station. At si Nurse Mandy agad ang nakita ko.

"Where is she?" Patukoy ko kay Blue.

"OR no. 4." Sagot niya.

Agad naman akong nag-tungo kung saan man yon.

Kasama niya sa loob ng OR si Nurse Irene at ibang pang doktor.

"Trabaho yan ni Vince kung hindi ako nag-kakamali. Why do you keep on doing his job? What's with you, Blue?" Bulong ko sa sarili ko.

Hindi ko alam kung bakit? Pero isa lang ang nakikita kong dahilan.

You're still hoping, Blue.

~*•*~




Their Story: Operation Save YourselfWhere stories live. Discover now