Operatio Twenty Three
-*- Vince -*-
Kaka-gising ko lang. Dahan dahan akong umupo. Medyo sumasakit yung ulo ko sa t'wing gagalaw ako.
"Vince.." Si Alex. Gising na pala siya nung isang araw tapos nalaman ko pa na lumabas siya ng ospital nang hindi nagpa-paalam.
"Kamusta? Ayos na ba pakiramdam mo?" tanong ko sa kaniya. Medyo nag-tatampo pa ko sa kaniya.
"I'm fine." tipid na sagot niya at may inabot sakin na makapal na papeles.
"Para saan 'to?" takhang tanong ko.
"See for yourself." malamig na aniya at lumabas na lang bigla sa room ko.
Binuklat ko yung unang page ng papel at naka-saad doon na tinanggal na ko sa ospital na 'to at kahit saang kumpanya ay hindi na ko pwedeng maka-pasok.
"Ano 'to?" inis kong binalik sa dating ayos yung mga papeles.
Tumayo ako at tinanggal ko yung dextrose sa kamay ko. Hindi na ko nag-wheel chair tutal kaya ko naman nang mag-lakad.
Dumaan ako sa nurse station para mag-tanong.
"Excuse me. Where's Mr. Riones?" tanong ko kay Nurse Mandy.
"Lahat sila ay nasa board meeting. Kung gusto mong mag-punta doon pumunta ka na lang since ikaw lang naman ata ang doktor na wala don." sabi niya nang hindi man lang ako sinulyapan at sobrang abala niya sa ginagawa niya.
Umalis na ko don at dumiretso kung saan isinasagawa ang board meeting.
Pumasok ako sa loob at napa-tingin silang lahat sakin.
Si Blue ang naka-tayo sa unahan at siya lang ata ang hindi nag-abalang tumingin sakin.
"Thank you. You may go." sabi ni Blue sa mga doctor na nasa loob ng meeting hall.
Inantay kong maka-labas lahat ng doktor maliban kay Blue.
Alam ko namang siya ang may pakana na tanggalin ako sa trabaho.
"What do you want, Vince?" tanong niya na nasa papeles ang tingin.
Linapitan ko siya at kinuha yung papeles na hawak niya.
Kapareho yon ng papeles na binigay sakin ni Alex.
"What now, Blue?" sarkastikong tanong ko. "Ano bang ginawa ko para gawin mo 'to?!" tinapat ko sa mukha niya ang mga papel na yon.
"Kung iniisip mong ako ang may gustong paalisin ka sa ospital na 'to, you're wrong. Ang Director mismo ang nag-bigay sakin niyang file na yan and he asked me about that." Kinuha niya sa kamay ko ang mga papeles at tumingin sakin. "Siya yung nag-desisyon na alisin ka sa pwesto. Not me. At kahit mawalan ka pa ng trabaho ay hindi mo na mababalik yung buhay na nawala nang dahil sayo!" binato niya ang mga papel at kasabay non ang pag-tulo ng luha sa mata niya.
Nawala na lang siya sa harap ko na parang bula.
"Don't blame her, Vince. It is your fault." boses ni Alex mula sa likod kaya at humarap ako sa direksyon niya. "Jerro's gone. Wag mo nang dagdagan yung problema niya."
Jerro's gone?
Sumakit ang ulo ko nang may ma-alala ko.
Ikaw na ang bahala kay Blue.
You know how much I love her, so please don't hurt her.Don't leave her, again. Just stay with her. Like what you used to do. Ibabalik ko na si Blue sayo.
Ma-iintindihan ka naman ni Alex, so don't hesitate.
I trust you, Vince
~*•*~
A/N: kaya pa haha xd bitin pa rin pala kapag hanggang 20 lang. Try ko na lang kung hanggang saan yung abutin.
haha thank you!
YOU ARE READING
Their Story: Operation Save Yourself
HumorI will try this new story. Pinag-isipan ko po ito ng maigi. Kung may kapareho man po na pangalan, scene or whatsoever ay hindi po sinasadya at nagkataon lang. Tignan na lang po natin sa plot twist, dyan naman nagkakatalo ang bawat story. Pero ako na...