Operation Thirty Four
-*- Blue -*-
Mag-kasama kami ni Tin ngayon sa rooftop ng ospital. Giniginaw na ko, medyo malamig din kasi dito.
"Mukhang problemado ka? May gumugulo ba sayo?" Panimula ni Tin.
Hindi na ko magugulat kung mahulaan niya man kung may problema ko. She's a psycologist. Kaya niyang basahin yung ekspresyon ng mga taong nasa paligid niya.
"Family ba yan? Friend? O baka naman about yan sa love?" Tinaasan niya ko ng kilay at talagang mukha siyang interesado na malaman yung iniisip ko.
"None of the above.." tumawa ko ng bahagya.
Ngumiti siya at saglit na tumitig sakin.
"Alam mo madalas kaming mag-away ng asawa ko " sabi niya out of blue. "Muntik pa nga na hindi kami ikasal dahil sa kaartehan ko, pero sa huli kinasal pa rin kami. And kung ano mang away yung meron kami, sinisiguro namin na maaayos namin yon bago matapos yung araw." Kwento niya pa at bakas sa mukha niya yung saya.
Nakaramdam ako ng inggit. Hindi ko nararamdaman yung pakiramdam niya pero nakikita ko kung gano siya kasaya.
Siguro kung si Jerro yung pinili ko sa simula pa lang, ganito siguro kami kasaya.
"Ikaw, Blue? Wala ka bang asawa or boyfriend?" Naka-ngiting tanong niya pa.
Hindi agad ako sumagot instead tinaas ko yung kanang kamay ko para makita niya yung singsing na binigay sakin ni Jerro. "He died before our wedding." Napa-yuko ako dahil nag-babadya nanaman ang mga luha kong gustong kumawala. "He died because of someone I used to love.."
Naramdaman ko ang yakap niya.
Ang sakit pa rin.
"Alam mo, Blue..minsan nakakatawang isipin na doktor tayo pero kapag nasasaktan tayo, hindi natin alam yung tamang gamot na dapat ireseta sa sarili natin para gumaling. Kasi wala naman talagang gamot na pwedeng mag-pagaling sa pusong nasàsaktan." Lumapat ang palad niya sa pisngi ko para punasan ang luha ko.
"Pero may dalawang paraan para makawala ka sa sakit na nararamdaman mo." Huminga siya ng malalim. "You need to forgive that someone kahit sobra ka niyang nasaktan--you need to forgive kasi kailangan. Blue. Kasi kung hindi, you will never find happiness."
Tama si Alex. Kinukulong ko yung sarili ko dun sa 'kasi nasaktan ako'. Ayokong makinig. Kasi wala namang rason para makinig. Kasi wala naman ng rason para maniwala lalo na kung nasaktan ka na.
"And Blue, you need to let go. Kung alam mong hindi makakatulong sayo yung hatred na nararamdaman mo, let go." Hinawakan niya ang kamay ko at naramdaman ko ang pagka-sinsero niya sa lahat ng binitawan niyang salita. "Do it for yourself, Blue."
Pareho kaming natigilan nang may humikab sa likod namin. "Tapos na ba kayo sa drama niyo?"
Si Russ, yung kapatid ni Tin.
Agad kong pinunasan yung pisngi ko at inayos yung sarili ko.
"Kanina ka pa dyan, Russ?" Tanong ni Tin at tinaasan niya ng kilay yung kapatid niya.
Binulsa niya yung pareho niyang kamay dun sa bulsa ng puting gown niya. "Medyo kaka-rating ko lang din. Sisigaw sana ko na may emergency kaso...ayan naabutan ko kayo na nagda-drama."
Inaya na ko ni Tin na pumunta sa emergency hall. Nauna siyang mag-lakad.
Pinagmasdan ko si Tin. Kung tutusin maswerte siya kasi walang bumitaw sa kanilang dalawa at talagang umabot sila sa punto na 'to. Nakaka-inggit.
"Pero minsan... kailangan mo lang talaga makalimot, Blue." Biglang sabi ni Russ. Tumingin siya sa gawi ko. "Pero kung hindi mo talaga magawang makalimot, isa lang ang ibig sabihin non...." tumalikod na siya at sinundan na si Tin papunta sa emergency hall.
Is that even possible? Makalimot ng sapilitan just to make yourself happy? Isn't that unfair? Lolokohin ko lang yung sarili ko.
~*~
![](https://img.wattpad.com/cover/98475507-288-k604183.jpg)
YOU ARE READING
Their Story: Operation Save Yourself
HumorI will try this new story. Pinag-isipan ko po ito ng maigi. Kung may kapareho man po na pangalan, scene or whatsoever ay hindi po sinasadya at nagkataon lang. Tignan na lang po natin sa plot twist, dyan naman nagkakatalo ang bawat story. Pero ako na...