Operation Three
-*- Blue -*-
Magdamag kong ni-review ang lahat ng status ng mga pasyente. Halos wala pa kong tulog. Hindi ko rin natawagan si Jerro. Hindi niya rin naman ako tinawagan.
Napa-buntong hininga na lang ako. Tinignan ko ang oras sa sa relo ko. It's already 8 in the morning.
Tatayo pa lang sana ko nang biglang may pumasok sa office ko.
"Bakit hindi ka umuwi kagabi?" Kalmadong tanong niya pero bakas ang pagka-strikto.
Bakas din sa mukha na kapatid ko siya dahil pinag-sisigawan ng mukha niya na kamukha ko siya.
Napa-tingin naman ako kay Mandy na kasunod na pumasok. "Sorry, Blue. Nag-pumilit pumasok eh." Tinanguan ko siya at bumaling sa lalaking 'to."Sinabi ko sayong wag kang papasok sa ospital na 'to diba?" Lumapit ako sa kaniya at akmang pipungutin ko siya pero pinigilan niya agad ako.
"Hindi na ko bata, Blue. Hindi naman ako mahahawa sa mga sakit na yan and please tigilan mo yang pamimingot mo. 18 na ko oh!" Inis na sabi niya at inismiran ako.
Siguro kung hindi ko 'to kapatid ay kanina ko pa siya tinurukan ng pampatulog.
"Ate. Not Blue. Hoy Rion mas matanda ako sayo, umayos ka." Malambing na sabi ko at piningot ko siya.
Mabilis niyang hinawi ang kamay ko. "Ayoko ng Ate. Mas maganda kasi kapag Blue lang." Umupo siya sa sofa na nandito sa office ko.
Sumenyas si Mandy na lalabas na at tumango na lang ako.
Umupo ako sa tabi ni Rion.
"Why are you here?" Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at pumikit.
"Hindi ka kasi umuwi, nag-alala ko." Inakbay niya yung balikat niya sakin. "Hindi ka nanaman ba natulog?" Tumango ako habang naka-pikit.
"Wag ka na maingay, I want to sleep." Tamad na sabi ko.
"Tell me, nag-away nanaman ba kayo dahil dyan?" Seryosong tanong niya.
Napa-mulat ako at kinabahan sa tanong niya.
Nag-buntong hininga ko at umayos ng upo.
"Yes." Sagot ko.
Pinisil niya ang pisngi ko at nag-salubong ang kilay niya. "Malapit na kayong ikasal then what? Nag-away pa kayo." Napa-nguso ako sa sinabi niya.
"Bakit ba kasi ikaw pa ang gumawa niyan? Trabaho yan nung Vince na yon." Masama na ang tingin niya kaya napa-yuko ako.
"Hindi ko alam. I just want to do it pero hindi ko alam yung dahilan." Naguguluhang sabi ko.
Narinig ko ang buntong hininga niya kaya ay napa-tingin ako sa gawi niya.
"You need to rest. Baka magka-sakit ka." Hinawakan niya yung ulo ko at sinandal niya yon sa balikat niya. "You sleep. I'll stay here."
Hinampas ko siya ng mahina sa balikat. "May pasok ka ngayon, hindi ka pwedeng mag-absent."
"Nah, I don't care. You are more important than that. Hindi kita pwedeng pabayaan." Sabi niya.
"Mas matanda ako kaya ikaw ang hindi dapat pabayaan." Asar ko naman.
"Mas matangkad naman ako sayo." Natatawang aniya at natawa na kang din ako.
"For you infirmation, walang connect ang height dito basta mas matanda ako." Depensa ko.
"Shut up, Blue. Just sleep." Natatawang sabi niya.
At dahil masunurin akong Ate ay natulog na lang ako.
~*•*~
A/N: gaya ng sabi ko susulitin ko na ang pag-aupdate HAHA
YOU ARE READING
Their Story: Operation Save Yourself
HumorI will try this new story. Pinag-isipan ko po ito ng maigi. Kung may kapareho man po na pangalan, scene or whatsoever ay hindi po sinasadya at nagkataon lang. Tignan na lang po natin sa plot twist, dyan naman nagkakatalo ang bawat story. Pero ako na...