Operation Twenty Two
-*- Blue -*-
Kakatapos lang ng libing. Nandito pa din ako sa tapat niya.
Nagpa-iwan ako. Ayoko munang umalis dito.
Paki-ramdam ko sobrang laki ng nawala sakin.
I'm so sorry, honey. It's my fault, again.
Ang laking kawalan ni Jerro sa buhay ko.
Hindi ko din alam kung bakit mas inuna ko yung iba kaysa sa kaniya.
I want to blame someone but I can't. Kahit naman manisi pa ko ay wala ng mababago. Nangyari na kasi.
Hindi na mapapalitan ng kahit ano yung buhay niya. Hindi na siya babalik kahit ano pang gawin nila.
Wala na. Hindi na babalik si Jerro.
Ni hindi ko nga rin alam kung pano ko nakayanang harapin siya.
Hindi ko alam kung bakit wala akong maramdaman na kahit ano sa kaniya.
Hindi ko alam kung bakit parang wala lang.
Yung parang natural lang na mag-kita kami at walang nangyari.
Naramdaman ko ang patak ng luha ko.
It hurts.
Lumuhod ako at hinawakan ko yung lapida niya.
"I'm really sorry, Jerro." at sa pagkakataong yon ay hindi ko na napigilang humagulgol.
Para kong sasabog sa sobrang sakit.
Hindi ko kayang i-handle, kasi sobra yung epekto sakin.
Bakit siya pa?
Hindi ko alam pero kusa na lang pumasok sa isip ko ang tanong na yon.
Sa lahat ng tao bakit si Jerro pa?
"Jerro. Why does it have to be you? Ang sakit kasi.." bulong ko.
I can feel the pain in my chest. Ang hirap huminga. Ramdam ko yung sakit sa buong sistema ko.
"Jerro, you left without saying a word. Ni hindi ko alam yung dahilan mo kung bakit.." paki-ramdam ko ay pati ang mag-salita ay hindi ko na magawa.
Yun pa ang mas masakit sa parte ko. Hindi ko man lang naayos yung problema namin. Hindi ko man lang siya naka-usap ng maayos.
At kahit kailan ay hindi ko inakala na mangyayari ang ganito.
"I'm sorry, Jerro." halos ipatong ko na ang mukha ko sa lapida niya.
Ang sakit isipin na dito na ko pupunta para lang maka-usap ka.
Hindi ko na maririnig yung boses mo.Hindi na din kita makikita. Ang sakit, Jerro.
"Tumayo ka dyan, Blue." aniya. Pamilyar ang boses niya. "Hindi niya gugustuhing makita kang ganyan. Pinapahirapan mo lang sarili mo."
"Alex, si Jerro 'to. Panong hindi ako magiging ganito? Tell me?" sabi ko nang hindi tumitingin sa kaniya. Umayos ako ng upo at pinunasan ko ang luha sa pisngi ko.
"Just please, stop acting like that. Nasasaktan din ako, Blue." naramdaman kong yinakap niya ko.
Yeah. Nasasaktan ka? Bakit?
"Are you hurt just because nakaka-ramdam ka ng guilt? Naa-awa ka sakin? Ano, Alex?" ani ko at inalis ko ang pagkaka-yakap niya.
"No!" parang natatakot na sagot niya.
"You're just guilty, Alex. Believe me." panagdi-diinan ko pa.
"Siguro nga Blue, guilt lang 'to pero alam ko sa sarili ko na hindi!" tumayo siya sa harap ko at ako naman ay dahan dahan akong tumayo na para bang wala akong buhay.
"Then why are you like that? You looked very sorry to what happened." nginitian ko siya. "I don't need your sorry. Kahit na bitawan mo pa ang salitang yan ay hindi na maibabalik kung anong meron dati."
Totoo naman diba? Hindi sa pinapa-iral ko yung pride. Pride? I don't have that. It's just that ang hirap tanggapin ng katotohanan.
Time heals? Imposible.
~*•*~
A/N: pasensya na lang sa wrong grammars tao lang naman po ako nagkakamali xd
YOU ARE READING
Their Story: Operation Save Yourself
HumorI will try this new story. Pinag-isipan ko po ito ng maigi. Kung may kapareho man po na pangalan, scene or whatsoever ay hindi po sinasadya at nagkataon lang. Tignan na lang po natin sa plot twist, dyan naman nagkakatalo ang bawat story. Pero ako na...