Operation Thirty Two

9 3 5
                                    

Operation Thirty Two

-*- Blue -*-

Pangalawang araw ko na dito sa U.S. Naka-check in ako sa Hotel. Sagot naman daw kasi ni Mr. Riones lahat ng mga gastusin ko dito sa U.S.

Hindi ko pa napupuntahan yung ospital kung saan ako naka-assign. Hahanapin ko pa yung Dr. Velasco na sinasabi ni Mr. Riones, siya daw kasi yung magiging guide ko. Ni hindi ko pa nga natatawagan si Rion.

"Uhm, excuse me." Napa-lingon ako dun sa nag-salita. "Filipino, right?" Naka-ngiting aniya Sa tono niya ay mukhang Pilipino rin siya.

Tumango naman ako at mas lalong lumawak ang ngiti niya. "I'm Kristin. Tin for short and you are?" Kasabay non ay nag-lahad siya ng kamay.

"Blue, Blue Montelagra." Inabot ko ang kamay niya at ngumiti pabalik.

"Bago ka lang  sa Hotel na 'to. Pinadala ka siguro ni God dito para may maka-usap ako..." sabi niya. "Ang hirap kasing kausapin ng ibang guest sa hotel na 'to. Mahirap mag-kwento sa iba sa kanila lalo na kapag hindi naman sila maka-relate sa sinasabi ko."

Naiintindihan ko yung gusto niyang iparating. Minsan talaga pipiliin mo ying makaka-usap mo. Yung tipong naiintindihan ka at kayang sabayan yung kwento mo. Di katulad dito sa states na hindi naman talaga sila nakaka-relate  sa mga kwentong pinoy.

"Wala ka bang kasama?" Sabay na tanong namin. Nagka-tinginan pa kami at sabay na natawa.

"I'm with my husband and my brother, but they're not staying here sa hotel. Ikaw?" Nauna siyang sumagot.

"Actually, I'm here for a 1 year training sa ospital."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. "Oh wait! Doktor ka? Oh wait! Kilala mo si Manu for sure." Biglang tanong niya pa.

Tumango na lang ako bilang sagot. May kinuha siyang folder at binuklat niya yon. "This!" May inabot siya sakin na papeles at yun yung profile ko. "Kaya pala pamilyar ka. Dr. Montelagra." Kinindatan niya ko at tumawa ng bahagya. "In fact Manu is my cousin, siya yung nag-recommend kay Mr. Riones na mag-offer sayo ng training."
Llp
"By any chance, are you Dr. Velasco?" Tanong ko.

Sana siya na yung hinahanap ko para mapadali na lang yung training ko.

"Yes, but that was before nung hindi pa ko kasal. I'm Dr. Lopez now. And yung Dr. Velasco na sinasabi mo, he's my brother." Naka-ngiti pa ring aniya.

Atleast hindi na ko mahihirapan na hanapin yung doktor na yon.

Inaya ako ni Tin na sumabay sa kaniya papunta don sa ospital.

Asawa niya yung may-ari nung ospital. And pinasadya yung ospital na yon para sa mga Filipino workers na nandito sa U.S.

"We're here, Dr. Montelagra."

Nauna kong bumaba sa kotse. Pinagmasdan ko yung ospital. Mas malaki yon kumpara sa ospital na pinagta-trabahuhan ko sa pilipinas.

Sa ospital na 'to, walang Vince sa paligid.

I wish I could start something new here.

Nag-patawag si Tin ng isang Nurse para ihatid ako sa office ni Dr. Velasco.

"Ma'am, alam niyo po ba bihira lang po na may tumanggap ng offer para mag-training dito." Sabi nung nurse.

"Then kung may offer pa kayo na training next year, pupunta ulit ako. And if you want, mag-sasama llko ng ibang doktor para naman may maka-usap kayo." Sincere na sabi ko na ikinatuwa nung nurse.

Dumaan kami sa isang hallway at may naka-salubong kami na mga nurse na may tulak tulak na hospital bed.

Sinundan ko sila hanggang maka-rating sa OR. "Ma'am, san po kayo pupunta?" Narinig kong sabi nung nurse.

"Sa OR." Sagot ko at patuloy na sisnundan yung mga nurse.

Hinarang ako ng isang nurse. "Ma'am hindi po kayo allowed sa area na 'to."

Hindi ko siya sinagot sa halip ay pinakita ko sa kaniya yung lisensya ko.

"Alam ko ginagawa ko, so please let me do the operation." Hindi na sila umangal at hinayaan akong pumasok sa OR.

Nang humarap ako sa pasyenteng naka-ratay ay halos bumalik sakin lahat ng alaala.

Si Jerro.Wala akong ginawa. Pinabayaan ko siya.

~*~

Their Story: Operation Save YourselfWhere stories live. Discover now