Operation Sixteen

16 3 12
                                    

Operation Sixteen

-*- Alex -*-

Guess what? Almost 10 hours na kaming nasa bar.

Kahit gustuhin ko umalis ay hindi ko naman magawa. Hindi ko kayang iwan na lang basta si Vince baka kung ano kasing gawin niya.

Lalapit siya sa pwesto ko para humingi ng maiinom then babalik siya sa dance floor para sumayaw.

At ngayon ay naaninag ko siya na palapit sakin.

"One more, Alex." Naka-ngiting aniya.

Kung titignan mo siya ay mukha siya baliw ngayon. Ayoko siyang pigilan kasi kapag hindi niya ginawa yan ay made-depress lang siya.

Tinitigan ko siya ng masama pero hindi naman umubra.

Inirapan ko siya. "Stop drinking, Vince. Just dance there and don't drink, sobra na yung naiinom mo."

Ngumiti siya ng maloko at linapit niya ng bahagya yung mukha niya sakin.

"Alam ko pa yung nangyayari sa paligid ko. So don't try to stop me, Alex." seryosong aniya at bumaling sa bartender.

Hindi na ko pumalag, kaya naman niyang i-handle yung sarili niya.

Bumaling siya ulit sa gawi ko.

"Just enjoy, Alex." Sabi niya pa.

Enjoy what? Bored na nga ko dito but since hindi ko siya maiwanan ay tinitiis ko na lang.

Mas gugustuhin ko pa nga na nasa ospital ako, atleast don may ginagawa ako kaysa nandito lang sa bar wasting my money.

Nginitian ko na lang siya.

"Whatever, Vince. Enjoy your face. Ikaw lang naman yung nag-eenjoy." Sarkastikong sabi ko at inirapan ko siya ulit.

"Why don't you invite your friends?" Mapang-asar na saad niya.

"Well, I don't have one. Wag mo kong simulan, Vince." Inis na sabi ko at wala akong nagawa kundi irapan ulit siya.

"You have me here, Alex. Especially that color human, and Jerro too." natatawang sabi niya pa.

Color human, patukoy niya kay Blue.

"I don't care. I have myself and I think that's enough for me, kaya ko namang mabuhay kahit mag-isa lang ako. Independent akong tao, Vince." Ako naman ngayon ang napa-ngiti ng nakaka-loko.

I don't know but masaya ako kapag mag-isa lang ako. Pakiramdam ko nagagawa ko lahat ng gusto ko. And kapag naman may kasama ako or kaibigan or what, nasasakal ako. Kasi feeling ko responsibilidad ko siya o sila.

Kaya minsan ay mas pinipili kong mapag-isa. Sapat na siguro yung presence ni Vince para malibang ako kahit papano.

"Kahit na ilang beses mo pang itanggi na kaibigan mo din sila, I know that you're hoping na maging maayos tayo. Naramdaman ko din yan." Ginulo niya yung buhok ako at ngumiti nanaman bago niya ko iniwan sa pwesto ko.

Akala ko pa naman kapag doktor ka, wala ka ng iisipin kundi yung pasyente mo lang but in my case parang masyadong marami yung naiisip ko.

Gaya ngayon, iniisip ko kung anong ginagawa ng color human na yon ngayon sa ospital. Masyado kasi siyang masipag.

I admit, sarcastic ako sa kaniya but deep inside I care for her pero konti lang.

Natigil ako sa pag-iisip ng kung ano nang mag-vibrate yung phone ni Vince.

Tumingin muna ako sa dance floor para hanapin kung nasaan siya pero hindi ko siya mahagilap.

Kinuha ko yung phone niya at sinagot ko na lang.

["Vince! Ang ingay naman dyan!"] Narinig ko ang tawa niya. ["Loko ka, hindi mo man lang ako sinabihan na magba-bar ka!"]

This is new, may contact pa din silang dalawa.

How nice, best friend goals.

~*•*~

Their Story: Operation Save YourselfWhere stories live. Discover now