Operation Eight
-*- Rion -*-
Hindi nanaman siya umuwi for almost 3 weeks. I swear, that Blue is crazy.
Masyado talagang masipag yang kapatid ko. And to be exact 3 weeks na din ata silang hindi nag-uusap ni Jerro.
That guy, hindi ko siya gusto para sa kapatid ko. Wala naman akong magagawa, nakita ko naman na mahal niya si Blue. And so Blue too.
Papunta ko ngayon sa ospital kung saan siya nagta-trabaho. Dumaan muna ko sa isang grocery store at bumili ng pagkain.
Sinubukan kong tawagan si Blue pero hindi niya sinasagot.
Dumating ako sa ospital at agad kong nakita si Nurse Irene.
"Ikaw bata ka, bakit ka nanaman nandito? Papagalitan talaga ko ni Blue dahil sayo." Malambing na sabi niya.
Tinawanan ko siya. "Hindi marunong magalit si Blue. Sige una na ko."
Narinig ko ang buntong hininga niya. "Sige na. Hindi ka naman na bata. Alam ko naman na mahal na mahal mo yang kapatid mo."
Napa-ngiti ako dahil sa sinabi niya. Well that true. I love Blue so much as my sister.
Dumaan ako sa nurse station at nakita ko doon si Nurse Mandy.
May ginagawa siya. Halos lahat ata ng mga empleyado dito ay kumikilos. Samantalang nung mga nakaraan ay iilan lang ang gumagawa ng trabaho nila.
"Nurse Mandy, where's Blue?" Naka-ngiting tanong ko.
Hindi siya tumingin sakin at naka-focus lang siya sa ginagawa niya pero sumagot siya.
"Sa office. Nako! Rion, pag-sabihan mo yung kapatid mo, hindi siya sumusunod sakin." Aniya.
They love my sister. Makikita mo talaga kung sino yung mga taong concern.
Agad akong pumunta sa office niya and there she is, naka-upo sa table niya at mukhang may ginagawa siya.
Hindi na ko kumatok at dumiretso ako sa loob.
Napa-angat yung tingin niya at saktong nag-tama ang mata namin.
Nginitian ko siya at umupo sa upuan na katapat ng desk niya.
"Sinabihan na kita na wag pumunta dito diba? Bakit ang tigas ng ulo mo?" Mahinahong sabi niya at pagkatapos ay nag-pout pa siya.
"I want to see you. Besides, I miss you already. Remember? 3 weeks akong mag-isa sa bahay." Sarkastikong sabi ko para ma-konsensya naman siya.
"Kung sinasabi mo yan para konsensyahin ako...well, it's working." Nag-pout nanaman siya. Pa-cute talaga siya kahit kailan.
Tumayo ako at nag-tungo sa may dining area ng office niya. "Come here, Blue! Let's eat!" Yaya ko sa kaniya.
"Oh! Rion!" Aniya nang maka-lapit siya sakin. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na 'Ate' at hindi Blue ang tawag mo sakin?" And now she's more sarcastic than me.
Mag-kapatid talaga kami.
"Ilang beses ko na rin bang sinabi na a.yo.ko. I like Blue more than Ate, that's why.." paliwanag ko at sana ay maniwala siya.
"So you don't consider me as your older sister, huh?" Naningkit ang mata niya at natawa ako dahil don.
"No. I just want to call you Blue and that's cute." Natatawang sabi ko pa. Nag-salubong ang kilay niya at akala ko ay pipingutin niya ko kaya ay napa-pikit ako.
Hinintay kong lumapat ang kamay niya sa tenga ko pero naramdaman ko na lang na yinakap niya ko mula sa likod.
"I miss you too, Rion." Sabi niya habang nakayakap sakin. Hindi ko nakikita yung mukha niya but I can feel that she's not fine.
Ano bang gagawin ko para sa kaniya?
~*•*~
A/N: wag niyo lagyan ng malisya ha? Magkapatid sila kaya chill haha
Thankyou! Enjoy po!
![](https://img.wattpad.com/cover/98475507-288-k604183.jpg)
YOU ARE READING
Their Story: Operation Save Yourself
HumorI will try this new story. Pinag-isipan ko po ito ng maigi. Kung may kapareho man po na pangalan, scene or whatsoever ay hindi po sinasadya at nagkataon lang. Tignan na lang po natin sa plot twist, dyan naman nagkakatalo ang bawat story. Pero ako na...