Operation Thirty One

8 3 4
                                    

Operation Thirty One

-*- Rion -*-

"Hindi na ba kita mapipigilan, Blue?" Tanong ko sa kaniya habang pinapanood ko yung ibang tao na papunta sa eroplanong sasakyan nila.

Hindi siya sumagot at gaya ko ay pinapanood niya rin yung ibang mga tao.

"Bakit kasi tinanggap mo yung offer?" Sinabi ko yon para konsensyahin siya.

"Rion, hindi naman ako pupunta sa U.S para mag-bakasyon. Nag-offer sakin si Mr. Riones ng free training at yun yung pakay ko sa U.S. for short ako yung--" di ko na aiya pinatapos mag-salita.

Naiintindihan ko naman kung bakit siya aalis. Sadyang ayoko lang talaga na umalis siya.

"I know, Blue. It's just that hindi ko mapigilang mapa-isip.." nag-buntong hininga ko saka ngumuso. "I don't know if you're just doing this para makalayo ka kay Vince.."

Natawa siya sa sinabi ko at sinabayan niya pa yon ng mahinang palo sa braso ko.

"Kahit pa sabihin natin na ginagawa ko 'to para makalayo, wala pa rin namang sense kasi after a year babalik din ako dito--makikita ko ulit siya.." pinisil niya yung pisngi ko. "I hate it when you're saying such things.."

Hinimas ko yung pisngi ko dahil medyo masakit yung pagka-pisil niya.

"I hate it too, when you're doing such things." Tinulak ko siya ng bahagya para mag-lakad na siya. "Tawagan mo ko agad pag-nandun ka na. Take care, Blue. I'll miss you." Sumenyas pa ko na umalis na siya pero nag-lakad siya palapit sakin saka ako yinakap.

"I'll miss you, too."

Nag-paalam na siya sakin at nag-bilin pa ng ilang bagay. Like, dalawin ko sila Nurse Mandy para kamustahin. She even told me na pag may free time ako ay kamustahin ko yung mga pasyente niya.

Tumalikod na ko at doon ko nakita si Vince. Ngumisi ako. "You're late."

"You know what? Kung hindi mo binitawan yung kamay niya that time, hindi mangyayari lahat ng 'to." Dagdag ko pa. Tinapik ko siya sa balikat at nauna ng mag-lakad palabas ng airport.

I saw Alex outside. Lumapit ako sa kaniya. Hindi ko naman siya pwedeng hindi pansinin. Kaibigan pa rin naman siya ng kapatid ko."Naka-alis na siya."

"Alam ko. I was there the whole time." Paliwanag niya. "Si Vince?"

"As always, he's stupid. Dumating siya kung kailang naka-alis na si Blue." Pareho kaming natawa sa sinabi ko.

"Una na ko, pupuntahan ko pa sila Nurse Mandy--" hindi ko natapos yung linya ko nang mag-salita naman si Alex.

"Speaking of..ayan sila oh.." may tinuro siya sa likod ko kaya lumingon ako.

Kakababa lang ni Nurse Mandy sa itim na kotse. Kasunod niya si Nurse Irene at isang lalaki.

"Doc!" Sigaw ni Alex at nakuha niya ang atensyon nilang tatlo. Kumaway yung lalaki pabalik. At si Nurse Mandy naman ay naka-kunot ang noo na bumaling sa gawi ko

Lumapit silang tatlo sa pwesto namin ni Alex.

"Rion, this is Dr. Manu." Pinakilala sakin ni Alex yung lalaki. "..and Doc, kapatid nga pala ni Blue." Patukoy namna sakin ni Alex

"Rion!" Bakas sa tono ni Nurse Mandy na naiinis siya. "Ikaw bata ka! Bakit hindi mo sinabi na ngayon yung alis ng ate mo?" Naka-simangot niyang sabi.

"She told me not to tell you." Sabi ko at natawa nanaman si Alex.

"She's Blue after all." Sabi ni Alex at nag-paalam na aalis na siya.

Ilang minuto pa ay umalis na din sila Nurse Mandy.

No color human for a year.

I miss her already.

~*~

Their Story: Operation Save YourselfWhere stories live. Discover now