Operation Twenty Eight

18 3 1
                                    

Operation Twenty Eight

-*- Blue -*-

"Where's my daughter? Is she here?"

She said with a worried voice. I can see her here outside the room gawa ng naka-awang na pinto. Vince and Alex too.

"Blue, umuwi n--" hindi natapos ni Rion ang sasabihin niya nang pareho naming narinig ang boses ni Vince sa loob.

"Yes, she's here." Mahinang ani Vince. Naka-yuko siya na parang bata na pinapag-sabihan ng nanay niya.

Kahit hindi ko sulyapan ang kapatid ko batid ko na hindi siya mapalagay sa kung nasaan kami at tila may alam siya sa usapan sa loob.

My mom cleared her throat. He tapped Vince's shoulder and looked very pleased with his answer.

"Thank you, Vince. Alam kong mahal mo ang anak ko at alam kong alam mo na hindi ako sang-ayon sa relasyon niyo." She said.

Pumatak ang mga luha ko. Kahit na alam kong hindi niya gusto si Vince para sakin, hindi ko pa din maiwasang masaktan. Hindi niya magawang maging masaya para sakin.

Nakita ko ang pag-takas ng luha sa mata ni Vince.

Why, Vince? Wala ka bang planong tumutol? Wala ka bang planong lumabas sa kwartong yan at hilahin ako palayo dito?

"Blue, tara na bago ka pa nila makita." Bulong ni Rion at muling inabot ang kamay ko.

"No. I want to hear him." Patukoy ko kay Vince.

Nag-hintay ako ng sagot mula kay Vince but he didn't say anything. Nakita ko na lang na umalis sa pwesto si Mama at lumabas kung saan.

"Vince! Nag-iisip ka pa ba?! Do you even know where you are? Dinala mo si Blue dito kahit alam mong hindi dapat!" Napa-singhap si Alex at hindi maka-paniwala sa nagawa ng taong nasa harap niya.

"Napag-usapan na natin 'to. Sinabi mo kay Jerro na hinding hindi mo dadalhin si Blue dito sa araw na 'to then what?! Maganda sana kung ikaw lang yung nandito. Kaso hindi! Pati si Blue sinama mo!" Nanatiling naka-yuko si Vince dahil sa mga sinabi ni Alex.

"Ano? Wala ka man lang bang sasabihin? Vince, ipa-pakilala ni Tita si Blue as Jerro's fiance! Hindi mo ba na-iintindihan yon?! Mawawala siya sayo dahil dyan sa mga ginagawa mo!" Nasapo ni Alex ang kaniyang noo at hindi mapakali sa isang pwesto.

Hindi ko na tinapos ang usapan nila at nag-tungo pabalik sa kung nasaan ang mga bisita.

"Blue!" Tawag ni Rion.

"We'll stay here." Mahinang sabi ko. Wala na din siyang nagawa.

Lumipas ang ilang minuto at nag-simula na ang program. Lumapit si Vince sa kung nasaan kami ng kapatid ko.

Hindi ko binalingan si Vince at sa halip ay nasa harap lang ang atensyon ko.

Naramdaman ko ang pag-lapit niya ngunit hindi ako bumigay sa presensya niya.

"You may take your seats." Panimula ng secretary ni Tito.

Binati niya ang mga bisita at nag-pasalamat sa pag-dalo ngayong gabi.

Pagka-tapos ng ilang papuri sa pamilya ni Jerro ay sinimulan niya ng pa-unlakan si Tito sa flat-form na nag-sisilbing maliit na entablado. Kasama ni Tito ang kaniyang asawa. Si Jerro naman ay naiwan sa pwesto nila.

Ilang pag-bati at pasasalamat ang inilahad ni Tito. Panay naman ang palakpak ng mga panauhin na tila ba manghang mangha sa taong naka-tayo sa harapan nila.

"As the time goes by hindi maiiwasang tumanda ang isang tao." He said with a smile. Nag-tawanan ang mga panauhin. "At dahil tumatanda na rin ako ay dumarami na rin ang nararamdaman ng aking katawan." He smiled again.

Kamukha niya si Jerro. Walang duda na nag-mana ang anak niya sa tatay niya. Pinag-sisigawan ng lahi nila na mataas ang estado ng pamilya nila ngunit maikakaila na punong puno sila ng kabutihan.

"Bago ko iwanan ang kumpanya ay gusto kong ipa-kilala sa inyong lahat ang papalit sa aking pwesto." Nag-palakpakan ang lahat. "Ang aking nag-iisang anak. Jerroldine Sazon."

Ginawaran ng masigabong palakpakan si Jerro habang patungo sa entablado.

"Goodevening to all. Thank you for supporting our family especially our company. I hope that we can build a strong connections through companies that we're handling. And succeed our plans in other aspects. Magki-kita kita rin ho tayo sa loob ng board meeting." Nag-tawanan ang ibang panauhin dahil sa huling linya na binitawan niya.

Ibinalik niya ang mikropono sa secretary ni Tito at nilisan ang entablado.

"Welcome to business world, Mr. Sazon." Masayang ani ng secretary. "And now, if you have a date nor partner please proceed at the center. Dahil mahilig si Mr. President sa mga slow dance, we'd like to invite you to dance with us. Anyone can join!" Aniya pa.

Nauna sa gitna si Tito together with his wife. Sumunod naman ay sina Mama at Papa. And Jerro, he's with Alex. Si Rion naman ay nag-punta sa isang tabi.

Tumayo si Vince sa harap ko. Naka-ngiti siya na para bang walang mangyayari pagka-tapos nito. Nag-lahad siya ng kamay at tinitigan ko iyon.

"Okay lang kung ayaw mong suma--" hindi niya natapos ang linya niya nang abutin ko ang kamay niya.

Hindi na siya nag-salita at dinala ako sa gitna.

~*•*~

Their Story: Operation Save YourselfWhere stories live. Discover now