Operation Twenty One

10 3 3
                                    

Operation Twenty One

-*- Alex -*-

Nang makita ko yung frame na yon ay naka-ramdam ako ng konsensya.

Agad kong ibinalik sa dating pwesto yung frame at lumabas ako sa office ni Blue.

Naramdaman ko yung konting kirot sa bandang leeg ko.

Sino ba kasing nag-sabi na mag-madali ako? And why am I like this?

Binagalan ko na lang yung lakad ko dahil bitbit ko din kasi yung dextrose stand.

Nakaka-inis maging pasyente.

Nang marating ko yung room ko ay nandun si Nurse Irene.

"Alex? Saan ka pumunta?" takhang tanong niya at nilapitan ako para alalayan.

Ewan ko ba kung bakit ang bait sakin ng nurse na 'to samantalang wala na kong ibang ginawa kundi tarayan siya.

Ngumiti ako ng pilit. "Nagpa-hangin lang ako sandali. Na-iirita kasi ako sa kapag naka-kulong ako sa room na 'to."

Natawa siya ng bahagya. "Natural lang na makulong ka sa room na 'to, Alex. Hindi ka doktor ngayon, for now pasyente ka muna so sundin mo na lang yung payo ng doktor mo." bakas sa tono niya ang pagiging concern.

Is this for real? Ganito ba ang epekto sa kanila ni Blue?

"Well, I know that. But I need to go somewhere, will you allow me?" tanong ko.

Kumunot ang noo niya at tinaasan ako ng kilay. "Saan naman?"

"Don't worry, babalik ako pagka-tapos." halos magmaka-awa na ko.

"Hindi pwede, Alex. Sinabi ni Blue na bantayan ka kaya hindi ka pwedeng pumunta kahit saan." sabi niya pa at akmang lalabas na siya sa room ko pero nag-salita pa ko.

"Pupuntahan ko siya. Pupuntahan ko si Jerro. Will you allow me?" sabi ko pa.

Napa-tigil siya ng ilang segundo dahil sa sinabi ko.

"Bakit pa, Alex? Para saan pa?" hindi siya sarkastiko pero punong puno iyon ng pagdu-duda.

Gusto ko siyang makita for the last time. And I want to say sorry to Blue.

Tinitigan niya ko at para bang sinusuri niya ang pakay ko hanggang sa nag-buntong hininga na lang siya.

"Mukha namang seryoso ka at mukhang importante yan. Sige na, puntahan mo na siya. And baka kailangan niya ng masasandalan, Alex." pag-payag niya at lumabas na sa room ko.

Kinuha ko yung damit na dinala ni Vince kaninang umaga dito sa room ko at nag-bihis.

Basta ko na lang tinanggal yung naka-tusok na dextrose sa kamay ko.

Nadaanan ko yung nurse station at hindi na ko nag-paalam kay Nurse Sitti at agad na lang akong lumabas ng ospital.

Sumakay ako sa taxi at nag-pahatid sa bahay nila Jerro. Pero sabi nung driver nila ay kaka-alis lang ng pamilya nila kasama si Blue at nag-punta na sila sa Erial Gardens.

Nag-insist ying driver nila na ihatid ako don at hindi na ko tumanggi dahil napa-pagod na din ako. Medyo sumasakit na din yung ulo ko.

"Ma'am, nagka-ayos na po ba kayong apat?" tanong ni Manong.

"We're fine." pagsi-sinungaling ko.

Nanahimik na lang ako hanggang sa maka-rating kami sa Erial Gardens.

"Ma'am nandito na po tayo. Hindi po ba kayo lalapit kay Ma'am Blue?" tanong pa ni Manong.

Parang nag-sisisi na nga ko na pumunta pa ko dito but who cares? I really want to see him for the last time. Atleast.

~*•*~

Their Story: Operation Save YourselfWhere stories live. Discover now