Chapter 1

325K 9K 642
                                    

Author's Note: Though I am fixing this, please note that I didn't change anything on the flow of the story. Kahit 'yong narration ko, hindi ko binago. So kung ano ang mababasa niyo rito, ganiyan ako magsulat no'ng bata pa ako hahaha. Para sa mga magre-read, baka umasa kasi kayo na malaki ang pagbabago. Inayos ko lang ang mga napansin na grammtical error and in case na may hindi na naman ako napansin, please tell me and point it out. Inayos ko lang ang iilang detalye na hindi consistent. To the new readers, please don't expect too much! Thank you!

Also, if you are looking for a great story plot, hindi niyo po 'yon makikita rito. This is just a light story that has some plot hole. You may find this cliché and cringy hahaha.

Her POV

It's just another day. Another day, which is the start of the school year. Kinakabahan ako dahil alam kong hindi ko na mga kaklase ang iilan na matatalik kong kaibigan noong Junior High. I will be a Senior Highschool student this day.

Pagtigil ng tricycle ay mabilis akong bumaba at nag-abot ng sampung piso sa driver. Napatingin ako sa may mataas na gate ng BU, Best University. New start, pero mas kinakabahan pa ako dahil pakiramdam ko mas magiging malala ang pag-aaral ko rito. Noong junior high pa kasi ako, lagi akong target ng mga bully. Mga babae lang naman. Lizzy told me na insecure lamang ang mga iyon. Hindi ko naman sila pinapatulan dahil naisip ko na baka may problema sila at ako ang naisip nilang pagbuhusan nito. I know that's stupid, pero ayoko rin na lumaki pa ang gulo. Plus the fact that I'm just a scholar on that school. Halos bratinella ang mga naroon. Mayayaman pa. Kaya magkamali lamang ay baka mapatalsik na ako. Kailangan ko tuloy magtiis.

At sana ngayon, hindi ganoon ang mangyari. Sana mas mature ang mga narito. I sighed before getting my I.D on the bag. Two weeks bago ang pasukan ay pinbalik kami rito para makuha ang I.D.

Naglakad ako papunta sa may scanner at itinapat ito. I waited for few seconds for my verification but it a big red X plastered on the screen. Kumunot ang noo ko at muling itinapat ang I.D. I did it multiple times pero hindi pa rin i-na-accept. What's happening?

"Ano ba 'yan? Ang tagal naman!"

"Baka naman kasi hindi ka talaga dito, Miss?"

"Ugh, can you please make it faster?"

Napatingin ako sa likod at doon ko lang napansin na marami na ang naghihintay sa akin na matapos. Uminit ang pisngi ko dahil sa hiya at inulit ang pag-scan.

But the big X appeared again. Nakakita ako ng guard kaya umalis na ako sa pila at nilapitan ito.

"Sir," marahan na tawag ko. Tumingin ito sa akin at kumunot ang noo.

"Bakit?" Tanong niya. Ipinakita ko ang aking ID.

"Nage-error po kasi. Ayaw tanggapin," saad ko.

Tumingin siya sa gawi ng machine at nakita namin ang tuloy-tuloy na pagpasok ng mga estudyante. So, akin lang ang may problema?

"Baka hindi ka naman enrolled dito, Miss?" Pinasadahan pa niya ako ng tingin at napangiwi nang makita ang luma kong sapatos.

"Sir, alam kong mamahalin dito at 'di ko afford pero nakapasa ako sa scholarship exam. At paano po ako nakakakuha nitong I.D kung hindi ako enrolled? May original badge po 'yan at mukha ko po ang nakalagay," mahinahon kong saad.

Itinuro ko pa ang picture ko roon. Napapahiyang tumango siya at luminga sa paligid. Tinawag niya ang isa sa mga opisyal ng school na kadarating lang.

"Good morning Ma'am. May problema po kasi, hindi makapasok ang batang ito. Ayaw tanggapin ng scanner," saad niya sa babae.

Kinuha nito ang I.D ko at pinagmasdan saka tumingin sa akin. Maya-maya ay tumango siya at bahagyang ngumiti.

"Come with me, Miss Lopez."

Pinadaan kami sa gate kung saan pinapapasok ang mga parte at staffs ng University. Napahawak ako nang mahigpit sa strap ng bag ko habang naglalakad. Ang ganda ng paaralang ito. Totoo nga ang mga sabi-sabi. Kaya I really pursued na makapasok dito. Dahil maganda rin daw ang pagtuturo at kapag nakatapos ka na, sila ang hahanap ng trabaho para sa'yo kung nahihirapan ka. That's a big offer and help. Lalo na para sa katulad ko.

Napayuko ako nang makita ang kakaibang tingin sa akin ng mga estudyante. Sigurado ako dahil sa attire ko. Simpleng blouse at faded jeans lang naman kasi ang suot ko. Kumpara naman sa mga suot nilang branded na dress, sapatos, bag, at mga accessories. Next week pa raw kasi ang releasing ng mga uniforms. Kaya naka-civilian lamang kami. May ilan pang umirap at hindi ko alam kung para saan 'yon.

Palihim na lamang akong napa-iling. Hindi ko maintindihan ang ugali ng iba. Ganoon sila sa mga nakabababa sa kanila, parang mas itinutulak pa nila pababa. Kahit walang ginagawa.

Tumigil kami sa harap ng isang office. May malaking plate sa may taas kung saan nakalagay ang salitang 'Principal's Office'. Kinabahan ako ngunit pilit na itinago iyon.

Kumatok nang tatlong beses ang babae bago kami nakarinig ng tinig.

"Come in," saad nito. Tinulak niya ang pintuan upang makapasok kami.

Bumungad sa akin ang napaka-organisadong kwarto. Malinis at elegante ang bawat sulok. May shelf, mini-chandelier, naka-dikit ang ilang certificates sa pader, dalawang sofa saka center table, at mahogany table kung nasaan ang mga papeles na. May isang babae roon na may salamin sa mata. Tumigil ito sa ginagawa bago tumingin sa amin.

"Good morning Dr. Atienza," saad ng kasama ko.

"Good morning Mrs. Morgen. Who's the beautiful lady beside you?" she enthusiastically said. I almost blushed on her compliment.

Tumikhim si Mrs. Morgen bago ako iminuwestra.

"I think she's the one they're requesting."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Tila may gusto siyang iparating.

"Really?" seryosong tanong ng principal at sumulyap sa akin.

"Natanggalan na siya ng access dito sa school, the scanner denied her I.D. And her name says it all," sagot nito.

Kinakabahan ako sa mga sinasabi nila, bakit parang nag-uusap sila sa bagay na ukol sa akin tapos wala akong kaalam-alam?

"What's your name, lady?" nakangiting tanong ni Dr. Atienza.

"Eirian Agape Lopez," marahan na sagot ko. Ngumiti ito lalo saka tumango-tango.

"Well... you're not going to this university anymore," aniya.

Kumunot ang noo ko at nag-init agad ang sulok ng aking mata. I'm weak and emotional kapag pag-aaral na ang pinag-uusapan. Because this is the best thing na mag-aangat sa amin sa kahirapan. Malaki ang tulong ng edukasyon sa akin. And this is one of my hopes to success.

"Po? Bakit po? Napasa ko naman po ang exam. May nagawa po ba ako?" halos umalpas ang luha ko at lalong nalungkot nang maisip na mahirap na kong makahanap ng ibang school.

Tapos na ang enrollment at sigurado akong mahirap na makahanap ng paaralan na nag-offer ng scholarship. At kung gano'n, there's a big possibility na hindi na ako makapag-aral.

Sa curriculum pa naman ngayon, it doesn't matter kung completer ka ng junior high. You must continue studying hanggang senior high para makahanap nang maayos na trabaho.

"Oh no, don't cry Lady Agape. We have the best offer for you. Accept this," maingat niyang inabot sa akin ang isang envelope na kulay beige at may mga kulay gintong design sa paligid.

Binuksan ko ito at kinuha ang malutong na itim na papel. Hinaplos ko ang kulay gintong badge nito bago ito binuklat. I gasped when I saw what is inside. Kulay ginto ang bawat letra.

Dear Miss Lopez,

Our Academy is generously offering you a big opportunity to enter our school. I hope you knew about our Academy. We are offering you a full-scholarship from Senior High until you finish your desire course for college. Your expenses, needs, and everything will be free from our school. So what do you think? We will wait for you. I hope you will accept our offer. Have a good day!

Sincerely yours,
Headmaster of Angst Academy

*****

Supladdict<3

Angst Academy: His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon