Chapter 51

189K 5.5K 1.5K
                                    

Her POV

On man's view, girls are hard to understand. At para naman sa isang babae, mahirap din na intindihin ang isang lalake. Katulad ni Greg, hirap na hirap akong intindihin siya. Naguguluhan ako sa ugali niya at mga ikinikilos. Iyong tipo na gusto ko ng isipan na ayos na kami, na mahalaga pa rin ako sa kaniya but I am too afraid.

I am too afraid to assume and be hurt at the end. Kaya isang malaking katanungan para sa 'kin si Greg. Gustong-gusto ko malaman ang lahat ng iniisip niya. Gusto ko siyang tanungin, gusto kong pag-usapan namin ang nangyari isang taon na ang nakalipas. Pero takot din akong marinig ang kung ano man ang sasabihin niya at sakit lamang ang maidudulot sa 'kin. I'm like a fragile glass that's once he let me go totally, I'll break.

Kaya nga nag-iipon na ako ng lakas ng loob. Dahil hindi pwede na ganito na lang palagi. Ganito ako na nakikiramdam at nakikisabay na lang. And when I already have my strength, I will ask him about all the things inside my mind at bahala na kung masaktan ako at mawasak. Para sa kaniya, kaya ko isugal lahat. Lalo na ngayon na halos wala ng natira sa 'kin.

I excitedly exited from the cafeteria. Matapos kong mag-breakfast ay tutungo na agad ako sa kaniya. Mabuti na lang at naalala ko na itinalaga niya akong esclave niya year ago. And I'm taking advantage on it obviously. Masama siguro pero it's the only way that I know, para mapalapit sa kaniya.

Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Adela. Sandali akong natigilan at nakaramdam ng kirot sa dibdib habang tinitignan siya. She's beautiful and she's with Greg all the time I'm gone. Hindi malabo na may nararamdaman na si Greg sa kaniya. Hindi ko rin alam kung sila ba or what's their relationship. Masyadong magulo ang lahat at ganoon din ako.

Huminga ako nang malalim at pinagpatuloy ang paglalakad. Nagkasalubong ang mga mata namin. I thought she will ignore me. Ngunit bago pa man ako makalagpas ay mariin niya akong hinawakan sa braso. Napatingin ako sa kaniya at sumalubong sa 'kin ang matatalim niyang titig.

"I want to be friends with you. Sinabi ko na iyon Eirian, but look what are you doing! You keep on bugging Greg!" She hissed. I blinked twice saka inalis ang kapit niya sa akin. Nang bitiwan niya ako ay hinawi niya ang kaniyang buhok at pinagkrus ang mga braso.

"I am his esclave that's why I am always around him. And something happened from the past that I want to make up with him," mahinahon kong saad at tumitig sa kaniya. She smirked devilishly at humakbang pa nang mas palapit sa akin. Tumitig siya sa mga mata ko.

"Ah, iyong pag-iwan mo sa kaniya? No need Eirian, he already moved on. At teka, erase that. Bakit siya mag-momove on, e wala lang naman sa kaniya ang nangyari noon."

Tumiim-bagang ako at tumuwid ng tayo.

"Really? How can you say that? Wala ka noong nangyari 'yon," pilit kong pinatatag ang boses. She rolled her eyes.

"I am not there when that happened but I am THERE when you're not. Think about it, Eirian."

Huminga ako nang malalim," Wala lang sa kaniya 'yon? How can you say so? I can still remember the pain on his eyes that time that I badly want to erase. Kung hindi lang nangyari iyon, hindi ako aalis."

Umiling siya, "It's good that it happened. And you're really still young. You don't know the difference between pretentions and real," aniya. Pakiramdam ko ay kumulo ang dugo ko lalo na sa una niyang sinabi. How dare she is to say that it is good that it happened? Kailan pa naging mabuti na mawalan ng isang ama at makaranas ng paghihirap? I know she didn't know it, but still, it makes me mad.

"So if you're really matino, leave my boyfriend alone. Yes, he's my boyfriend. He's mine and I am his. At ikaw, you're just a pest trying to destroy us." Tinaasan niya ako ng kilay at muling ngumisi, "how sad you didn't experience being his girlfriend. Simabi niya na hindi naman naging kayo and it's just a mere game. You don't know how it feels to be touched by him, kissed and worshipped. Tsk, tsk." Then she left.

Angst Academy: His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon