Her POV
Napatunganga ako sa kawalan dahil sa ginawa nila. Ramdam ko ang yakap ng may pink na buhok sa akin sa likod. Samantalang ang nasa harap ay hawak ang kamay ko at nasa balikat ko ang kaniyang mukha. Nanigas lamang ako at hindi makagalaw.
Should I push them away? Pero natatakot ako na baka isang mali ko lang na galaw at 'di nila magustuhan ay saktan na nila ako.
Nagitla ako nang pabagsak na bumukas ang pinto. Nakita ko kahit na naka-upo sa sahig ang bagong dating. Napa-awang ang labi ko nang makita siya. Siya iyon! Ang lalaking na-encounter ko sa cafeteria. Ang lalaking nabuhusan ko ng soup at nagbanta sa akin.
Huli na ang plano kong pag-iwas ng tingin. Nagkasalubong ang aming mata. Natigil siya sa paglalakad at kunot noo na nakatitig sa akin. Hawak hawak niya ang puno ng kaniyang bagpack at balewalang bitbit ito sa kaniyang balikat. His lips twitched into smirk ngunit ang mga mata niya ay nananatiling malamig.
Napalunok ako nang malalim. Pilit kong iniwas ang tingin sa kaniya at bumaling sa kawalan. Narinig ko ang mga yabag niya at lagabog ng upuan. Gumalaw ang kambal sa akin.
"You're not breathing.." bulong ng isa mula sa likod ko. At doon ko napagtanto na halos hindi na ako huminga dahil sa kaba. I inhaled and filled my lungs with air.
"Better," bulong naman ng isa na nasa harap ko. Natauhan ako at bahagyang gumalaw. I felt awkward.
"U-uh..okay na ba yung mga sugat niyo?" tanong ko at bahagyang lumayo.
Tuluyan na silang bumitaw sa akin. Napasandal ako sa pader at tumitig sa kanila. Bahagya silang nagdikit at nangalumbaba na tumingin sa akin. Sabay silang tumango.
"Yeah, thanks." Sagot ng isa. Napakurap-kurap ako at pilit na ngumiti.
"Ahh.. s-sige. Balik na ako sa desk ko," sagot ko. Mabilis akong tumayo at halos tumakbo papunta sa pwesto ko. Narinig ko pa ang mahinang bulungan nila ngunit hindi ko naintindihan.
Tuwid akong umupo at tumitig na lamang sa whiteboard na nasa harap. Kinagat ko ang labi at pasimpleng sumulyap sa likod. Nakita ko siya na naka-earphone at tuwid na naka-upo. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang kumilos siya.
Tumahimk na ang classroom. Halos makarinig na ako ng mga kulisap sa sobrang tahimik. Ganon siguro ang epekto ng nakaka-intimida niyang dating. Ano kaya ang pangalan niya?
At ibig sabihin ay kaklase ko siya? Sa nangyari sa cafeteria noon, malamang ay marami na siyang nagawang kalupitan kaya napunta siya rito. Sana naman ay nakalimutan na niya ako. Ang sabi pa naman niya, kapag nagkita kami muli....
Napalunok ako at sumulyap muli. Nanigas ako nang magsalubong ang mga mata namin. Umiwas ako ng tingin at kumuha ng notebook mula sa bag ko, pati na rin ng ballpen.
Binuklat ko ang bandang dulo na bahagi ng notebook at nagsulat ng kung ano-ano. Para iwas boredom. Sumulyap ako sa wrist watch and I realized that thirty minutes already passed ngunit wala pa ring teacher. Sumulyap ako sa may pinto at tumingin kung may paparating ngunit wala.
Baka naman may meeting ang mga teachers kaya wala pa...
Yumuko na lang ako muli at nagsimulang gumuhit. Naalala ko ang nangyari kagabi. Kahit napaka-imposible makatakas dahil na rin sa mataas na pader ng akademya pinilit ko pa rin.
At ngayon ito ang kabayaran noon. Kahit ganon, hindi pa rin ako nanghihinayang. Atleast I tried, kesa naman hindi ko sinubukan at habang panahon na pananatili ko rito ay puro pag-iisip ng posibilidad na nangyari kung sumubok. Wala namang nawala, well napunta ako sa klase na ganito. But no regrets...
Talagang mahapdi lang ang mga sugat ko. Hindi ko pa rin naman natatanggap na dito na ako mag-aaral. Sa paaralan na mas wala akong laban. Alam kong magiging mahirap at honestly hindi ko rin alam kung anong gagawin ko sa mga sitwasyon na nangyayari sa akin. Anong gagawin ko kung mangyari ang mga kinatatakutan ko?
BINABASA MO ANG
Angst Academy: His Queen
ActionHighest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except her financial status that can't even beat the lowest rank of the school, her innocence doesn't suit...