Chapter 50

192K 5.3K 1.7K
                                    

Her POV

Simula nang mabasa ko 'yon, hindi na ako mapalagay. Maraming bagay ang pumapasok sa utak ko. And I'm pushing the thought inside my mind that it's just a prank. Marami-marami rin ang maloloko sa academy. I'm not sure but I think marami rin ang galit sa 'kin. I don't know the reason why and that's possible reason para takutin nila ako nang ganito.

Ngunit kahit pilit ko 'yon na iniisip at tinutulak sa kukote ko, hindi ko rin magawang ipasawalang bahala ang posibilidad na totoo 'yon. And what if it's really true? Meaning Greg's life is in danger. And why the heck the sender let me know it, right? Not that I don't want to know that and I don't care about Greg. Mabuti nga at nalaman ko 'yon. Pero ginugulo pa rin ang isipan ko ng bagay na 'yon. Bakit pinaalam sa 'kin? Ano ang motibo no'ng gumawa noon?

And I can't help but to be afraid for Greg. May nagbabanta sa buhay niya at kahit anong oras, minuto, o segundo, maaari na sumugod ang kalaban para isakatuparan ang balak niya. Pumikit ako nang mariin at huminga ng malalim. Like what the sender told, I'll watch him well.

"Kahapon ka pa tuliro, ah?" Pansin ni Clarence. Tumigil ako sa pagnguya at sinulyapan siya. I tried to smile and shook my head.

"Hindi naman. May iniisip lang ako," saad ko. Tumingin na rin sa akin si Sunshine na katabi ni Clarence. Sinulyapan siya ni Clar at pinunasan ang munting dungis sa gilid ng kaniyang labi. They smiled at each other before looking back at me.

Pakiramdam ko ay tinusok ang puso ko. Masaya ako para sa kanila pero hindi ko mapigilang mainggit. Mabuti pa sila okay lang. Magkasama at walang pumipigil sa kanila. Kami ni Greg, hindi pa kami nakapagsimula ng maayos noon, marami ng sagabal. I am afraid that we are not meant to be. Kasi sa tuwing nagkakalapit kami, may nangyayari para paghiwalayin na naman kami. It's like a child holding the magnets and playing with them. Ipagdidikit at kapag nagkalapit na ay paghihiwalayin muli dahil nasisiyahan siya maramdaman ang pagpalag ng dalawang bagay na 'yon.

At sa pagkakataon na 'to, natatakot ako na ako na lamang ang lalaban para sa aming dalawa. But whatever will happen, I'll make sure that I will be a ground. Kahit gaano siya kataas lumipad at lumayo sa akin, sa huli sa akin pa rin ang bagsak niya. Ugh, the heck. My mind is like an obsessed madman.

"Ano na naman 'yon?" Sunshine asked. Bumuntong-hininga ako at umiwas ng tingin. Hindi ko masabi sa kanila ang problema ko. Natatakot din ako na maulit ang dati.

Pinagkakatiwalaan ko silang dalawa pero hindi na rin mawala sa akin ang pag-iisip na kahit anong oras ay may isa sa kanila na magagawa akong saktan at basagin. Anyone of them can betray me, even myself. That's why it's hard.

"Hmm, sila Hendrix at Hendrei nga pala?" Pag-iwas ko.

"Oh, ang kambal? Nandito lang sa academy 'yon. But I'm sure they are very busy because they are trying hard to accelerate. 'Di ba napunta tayo dati sa rule-breaker's class at dahil doon nahuli kami ng isang taon. And in their case, gusto nila tumungtong sa dapat na talaga nilang year," Clarence answered. Napatango ako at inalala ang dalawa.

They must be really eager that's why they are busy. Gusto ko silang makita. Kapag may pagkakataon at makita sila, I'll approach them.

Natigil ako sa pagkain nang makita ang pagpasok ng Plus Élévee sa cafeteria. Like the usual, their presense are dominating the whole place. Hinanap agad ng mata ko si Greg pero hindi ko siya nakita. At kahit si Adela. Is it possible that they are with each other?

Yesterday, Greg seems a little bit cold to her. Meron ba silang LQ? I sighed at mabilis na tinapos ang pagkain. Mukhang nabigla sila Clarence kaya nginitian ko sila.

"I'm going," I mouthed at mabilis na umalis ng cafeteria. Hindi ko na pinansin pa ang bagong dating na grupo.

Hinahanap ko si Greg sa buong paligid. Mabuti na lang at inaasikaso pa ang classes ko kaya free pa ako sa susunod pang mga araw. Pero napagtanto ko rin na Lyndon is right. Masyadong alanganin ang pagdating namin dito. Dapat sa new school year kami nag-transfer pero hindi ko na kasi kaya pa na maghintay. Pwede naman na sa next school year na lang ako pumasok basta mag-stay ako rito. I just really want to see Greg everyday.

Angst Academy: His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon