Her POV
Kinakabahan akong nagising ng araw na iyon. Nilihis ko ang kumot na nakatakip sa aking katawan bago tumayo at tinungo ang glass wall. Bahagya kong tinulak ang kurtina upang mapagmasdan ang tanawin sa labas. I slightly opened the small window and gasped for fresh air.
It's already Monday. At ito ang unang araw ng pasukan. Excited ako ngunit nangunguna ang kaba sa aking dibdib. But I need to relax myself. Nandito ako para sa mga pangarap ko. Para makapag-aral ng mabuti at magkaroon ng magandang kinabukasan.
I sighed and turned my back at nagsimula ng mag-asikaso. Matapos makaligo ay sinuot ko ang uniform na naka-lagay sa walk-in closet. Kulay puti ang blouse nito at kulay dark gray naman ang ang skirt na umabot sa taas ng tuhod. Ganoon rin ang kulay ng necktie. Sa may bandang dibdib ng blouse ay may logo ng akademya na papasukan ko. Meron ring itim na coat na kasama ngunit hindi ko na lang muna isinuot. Tinupi ko na lamang at ipinatong sa braso ko in case na recquired itong suotin.
Parang masyado naman kasing mainit kung ipatong ko pa 'to. Itim rin ang coat at may logo rin sa ibabaw ng maliit na bulsa sa tapat ng dibdib at gawa ito sa kulay ginto na sinulid. I wore my black shoes na may two inches na makapal na heels. Kasama na rin 'to sa set ng uniform. Actually, meron doon na sapatos na pointed ang heels kaso ayoko naman noon dahil baka matapilok pa ako kumpara naman sa suot ko na mas kumportable 'siguro'.
Dinampot ko ang shoulder bag pati na rin ang card na binigay sa akin ng headmaster. Napakatahimik ng lugar na kinaroroonan ko at hindi ako sanay. Hindi ko pa rin mapigilan na umiyak sa bawat gabi dahil sa pangungulila kila Tita. Naho-home sick pa rin siguro ako. I heaved a sigh bago lumabas ng dorm ko at tinungo ang elevator. Nagmasid ako sa paligid at nakahinga nang maluwag ng wala naman ibang tao.
Iniiwasan ko na may makasalamuha lalo na sa floor na kinaroroonan ng dorm ko. Nakakatakot ang grupo ng mga babaeng nagngangalang Ezperanza at Xiela. At hindi ko gugustuhin na makasabay pa sila muli. They are so intimidating and their aura emits authority and power. Kahit hindi ko alam kung ano ang background nila, mas mabuti na iwasan ko na lamang sila. At isa pa ang lalaki na naencounter ko sa cafeteria noong nakaraang aura. Shiver run on my spine upon the thought. He's so scary!
Naglakad ako patungo sa cafeteria to grab some breakfast. Pinili ko na lamang ang pancake at gatas na nasa karton. I glanced on my wrist watch. It's already 7:55 at ayun sa pinadala sa aking sulat mula sa council, 8:00 ang simula ng opening program para sa orientation at annual activity.
Nagtakha nga ako kung ano ang annual activity na iyon. I'm curious about it, unang araw pa lamang ay may aktibidad na and it's every year na tila kultura na nila 'to. Minadali ko ang pagkain at umalis na doon matapos kumain.
Tinungo ko ang isang malaki at malawak na building. May dalawang naka-itim na suit ang nakabantay sa dalawang pinto nito at inaabot ng mga estudyanteng pumapasok ang katulad sa sulat na natanggap ko. I breathed hard and walked fastly towards them at inabot rin ang akin. Bahagya silang yumuko bago tinulak nang bahagya ang pinto na sapat upang makapasok ako.
Humakbang ako at nilibot ang tingin. Malawak rin sa loob. Tila arena ito at paikot ang mga upuan na may ilang row pataas. Sa gitna naman nito ay ang malawak na stage kung saan may mga naroon na mga ilang staff ng akademya ayon na rin sa uniporme nila. May eleganteng upuan rin sa gitna at doon nakaupo ang headmaster. Huminga ako nang malalim habang pinagmamasdan siya. Napaka-lakas talaga ng aura niya at may kakaiba sa kaniya. Maganda rin ang tikas ng kaniyang katawan at kagalang-galang ang hitsura. Kapag tumitig ka sa kaniya ay manginginig ang tuhod mo at wala sa sariling mapapayuko.
I sighed and take few steps para sa hagdan at humanap ng upuan. Pinili ko ang wala masyadong mga katabi. I glance on my wristwatch again and there's only 1 minute and few seconds left at alas otso na.
BINABASA MO ANG
Angst Academy: His Queen
ActionHighest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except her financial status that can't even beat the lowest rank of the school, her innocence doesn't suit...