Chapter 13

228K 7.3K 2.2K
                                    

Her POV

Kinabukasan nagising ako nang lukot ang mukha. Ang sakit ng buong katawan ko. 'Yung mga tuhod ko, hita ko, pakiramdam ko nanginginig pa rin. Nangangalay sa sobrang pagod.

Napasapo ako sa noo. Hindi maganda ng pakiramdam ko. Parang lalagnatin ako. Naalala ko ang nangyari kahapon. The field was so big and wide. Tapos limang ikot na jogging ang gagawin namin. Then after that, pinag push-up pa kami.

Pangalawang round pa lang ng jog pagod na pagod na ako. Akala ko nga aatakehin ako ng hika. While my girl classmates, they look tired also but not as much as I am. 'Yung mga boys naman parang easy-easy lang. The twins, naglalaro pa habang nagjog. Yung iba naman seryoso lang and Lyndon, he looks so bored while doing it.

Samantalang ako, ikatlong round pa lang halos humalik na ako sa lupa. Nagkadapa-dapa pa ako. I'm really clumsy! Hindi rin ako sporty type of girl. Takot nga ako sa basketball at volleyball. Madalas noon sa p.e namin, lagi akong naa-out nang maaga. Madalas nadadala sa clinic dahil natatamaan ng bola.

And the push-up yesterday, akala ko mamamatay na ako. Katulad talaga sa boys na push-up. Hindi ko alam kung tinuturuan ba kami ng prof namin o pinaparusahan. Well, we are really under punishment because we broke some rules. Pagkatapos noon ay bumalik na kami sa room. Wala na ring sumunod pang professor.

Tumayo ako mula sa kama at nag-unat. Napangiwi ako dahil sa sakit ng mga buto ko. Napa-iling ako at nagsimula ng mag-asikaso para sa pagpasok. Kinakabahan tuloy ako kung ano na naman ang kakaharapin kung paghihirap. Makaka-survive ba ako nito?

Pagdating ko sa cafeteria ay umorder ako ng gatas at sandwich. Naghanap ako ng pwesto and fortunately nakita ko si Elene kaya tumabi ako sa kaniya.

"Oh, hi Eirian! You look so pale.." She uttered and examined my face. I smile

"Good morning Elene. Masama nga ang pakiramdam ko," mahina kong saad.

Kumunot ang noo niya, "Dahil siguro kahapon, 'no? Naku, hindi ka sanay. Dapat lang masanay ka na kasi gano'n lagi ang prof na yun. Walang kwenta. Dapat nga pinag-stretching niya muna tayo bago pinatakbo. Ako kasi— kami sanay na."

Napatango ako at kumagat sa sandwich.

Wala pa akong panlasa. Parang wala akong gana kumain. Hindi ko tuloy ma-appreciate 'yung tuna spread na paborito ko.

Inilapag ko iyon at kinuha ang straw. Tinusok ko ang karton ng gatas saka sumipsip. Mabigat ang talukap ng mata ko. Mabagal rin ang bawat kilos ko.

The bell rang at naglakad na kami patungo sa classroom namin. Hindi ako makasabay sa mga sinasabi ni Elene. Ganiyan siya, tila hindi nawawalan ng kwento. Maraming mga bagay na laging binabahagi kaya hindi naman siya boring kasama. Kaso nga lang, wala talaga ako sa mood ngayon.

Pagpasok namin ay usual na maingay ang classroom. Natigil ako nang sumalubong sa akin ang kambal. Nagkamot ang isa samantalang nakangiti naman ang isa pa. Kinuha ng may pink na buhok ang bag ko samantalang ang isa ay giniya ako patungo sa aking upuan.

Humalakhak si Elene ngunit 'di ko na pinansin. I flinched when I felt the red-haired touch my neck and forehead with the back of his hand. Kumunot ang noo niya.

"Are you okay? You look sick?" Tumingin rin sa akin ang isa at kumunot ang noo. Hinawakan ng may pink na buhok ang aking balikat at pilit na pinaupo.

"I... I am okay," sagot ko at pilit na ngumiti. They let out a sigh. Umupo lang sila sa tabi ko. Tahimik lamang kami. Maya't maya ang pagbuntong-hininga nila hanggang sa pumunta sila sa harap ko.

"Are you bored?" They asked.

"Uh, o-okay lang naman." Sagot ko.

"I'm Hendrix, by the way," saad ng pula ang buhok. Napatango akong muli.

Angst Academy: His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon