Chapter 34

203K 7K 1.7K
                                    

Her POV

"Done," saad ko. Hindi siya umimik kaya nag-angat ako ng tingin. Our eyes met and I realized na kanina pa pala siya nakatingin sa akin. Uminit ang pisngi ko na pilit kong itinago at alanganin na ngumiti.

"I'm happy na kaunti lang ang galos mo. Ang galing mo siguro makipaglaban," saad ko. Hindi pa rin siya umimik at nakatitig lamang sa akin.

Nabura ang ngiti ko at tinignan siya pabalik. Nakatingin siya sa akin na parang kami lang dalawa ang narito. It's like he's analyzing something or examining me with his perfect dark eyes. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko ay natutunaw ako.

"A-ayos ka lang ba, Greg?" I asked again. But still no answer.

"Kuya Greg, bakit hindi ka nagsasalita?" Ulit ko. Napakurap siya at kumunot ang noo.

"What? You called me kuya?" Halata ang inis sa boses niya. Humagikhik ako at tumango.

"I just tried baka sakali na pansinin mo na ako at magsalita. And see, effective." I smiled sweetly. Nawala ang kunot ng kaniyang noo at huminga nang malalim. He gently pinched my nose na agad kong tinapik. My face crumpled.

"Greg nga," maktol ko. He grinned and pinched my nose again. Umatras ako but he stopped me. Pinulupot niya ang dalawang braso sa bewang ko at hinila palapit sa kaniya. We are both in indian-sit, facing each other.

"Greg.." I murmured. Matiim siyang tumitig sa akin at hindi pa rin ako pinapakawalan. I put my palm against his hard chest and tried to push him but he's firm.

"Huwag ka lumayo sa akin. Because everytime you'll try, I always chase you kitten. You must stay on the place where you belong." Tahimik akong suminghap ng hangin at nakatitig lamang sa kaniya. His eyes were intense while staring at me intently. 'Yong klase ng tingin na hindi mo kaya na lumingon sa iba at mananatili lamang na nakatitig sa kaniya.

"And you know where do you belong?" He asked with a low husky voice. I blinked twice and gulped hard. Binasa ko ang labi at tumitig sa kaniya.

"Dito sa Earth. Kasi tao ako 'di ba?" I said. Siya naman ang napakurap at umawang ang labi habang nakatingin sa akin. Maya-maya ay bumitaw siya sa pagkapulupot at tinakpan ang mukha ng kaniyang palad. He leaned forward at sumandal sa balikat ko.

Umaalog ang kaniyang balikat at pumula ang kaniyang tenga. I frowned at pilit na inalis ang kamay niya.

"Uy, anong nangyayari sa'yo?" I asked. Tinanggal niya ang palad at sumalubong sa akin ang pulang-pula niyang mukha. He bit his lips to stop from laughing. So tinatawanan niya ako?

"Damn, baby. You're so adorable. I'm trying to— what did Elixir called it? Banat? Pick-up line? Yeah, I'm trying to do that and your innocence is disturbing. You must answer me 'where?', kitten." Napamaang ako habang nakatitig sa kaniya. Namumula pa rin ang kaniyang pisngi, pati tenga at leeg dahil sa pagtawa.

Ang cute naman. Walang tunog 'yong tawa niya kanina.

"Ahm, sorry. So kung sinagot ko na 'where?' ano isasagot mo? Tsaka marunong ka pala ng pick-up line?" Tanong ko sa kaniya.

"Nah, Elixir told me to try that. But I failed so I'll tape his mouth later again. Well to answer your question, let's try it again." I pouted. But he insisted so he asked me again.

"Saan?" Tanong ko. He licked his lips and bit it playfully.

"In my arms." Matagal siyang nakatitig sa akin at ako naman ay nakatitig lang rin sa kaniya. Bumagsak ang balikat niya at kumamot sa ulo.

"Hindi ka kinilig?" He asked. Ngumuso ako at napakamot.

"Kailangan ba kiligin? Ay wait lang. Ayan, kinilig na ako," sagot ko. He frowned, later on he pinched my cheeks.

Angst Academy: His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon