Chapter 56

170K 5K 2.3K
                                    

Her POV

Malabo na sa akin ang mga sunod pang nangyari. Basta't ang alam ko na lang ay nakaupo na ako sa loob ng limo habang siya ay nakahiga sa may kandungan ko. My tears won't stop from falling down. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa dibdib ko habang nakatingin sa kaniya na agaw-buhay. Ilang beses na rin siyang umubo at sa bawat pag-ubo ay may kasamang dugo na lumalabas mula sa kaniyang bibig.

"Hold on please..." I murmured. Sumulyap ako sa labas upang tignan kung malapit na ba kami. Kung pwede lamang na paliparin na ang sasakyan na 'to.

Lahat ay tahimik sa loob ng sasakyan. Elene is crying silently habang ang iba pa ay namumula na ang mga mata. Lulan ng isa pang kotse na nakasunod ay si Adela. When she realized that it's not me but him, she began to cry hysterically. Hanggang sa tahimik siyang umiyak at wala sa sarili na sumama sa mga dumating na tao mula sa academy.

Napatingin ako sa kaniya nang hinuli niya ang aking kamay at mahigpit na hinawakan. Tears are falling from his eyes down to the sides of his face. Lalong nanikip ang dibdib ko nang halikan niya iyon nang dahan-dahan.

"I love you so much. Meeting you is one of the best thing that happened to me and dying because of you is the best among the rest," he said slowly. Hirap na hirap siya. Lalo akong napahikbi at umiling nang umiling.

"No you will not die. Please, hold on. Malapit na tayo, e." My voice were shaking. Hirap na hirap akong huminga sa sakit na nararamdaman. Hindi ko na kaya na may mawala na naman sa 'king mahalagang tao lalo na, na ako ang dahilan.

"No, this is better. I-it's better to die than living while seeing you happy and loving another man," bahagya siyang gumalaw at tinignan ang pwesto niya. "Sorry Dieu, but I really love her. I'm sorry if it's a betrayal against you, loving the woman that you love. And Eirian, please let me go. It will be better to end here."

Humagulhol si Elene. Si Xicarus ay naiyak na nang tuluyan. Hinigpitan ko ang hawak sa kaniyang kamay at umiling. Naalala ko ang lahat ng mga pangyayari sa buhay ko na kasama siya. Hindi iyon karamihan but I'll treasure all of them.

"No, Last. Kaya mo pa 'di ba? Kaya mo pa, laban pa please. Hindi ko kaya kapag nawala ka pa."

Ang pamilyar na sakit ay pumainlang sa puso at sistema ko. It hurts and feels like this. Losing someone permanently. Alam kong sa pagkakataon na 'to ay talo kami lalo na at siya na mismo ang sumusuko. Pero hindi ko na kaya, hindi ko kaya na mawala siya. He's one of those people who always protects me.

Iyong panahon na sinugod ang akademya, isa siya sa naroon, who kept me safe. Ilang beses niya akong pinagtanggol na hindi ko man lang napansin. I feel so hurt and guilty because somehow I took him for granted, unconsciously.

"Tangina Last, malapit na tayo. Manahimik ka riyan. Dieu, nasaan ang tape. Takpan mo ang bibig niya," parang bata na kinusot ni Elixir ang mga mata na puno na ng luha.

Greg's eyes met mine. His eyes are already bloodshot. Nangingilid na ang luha niya. Sa muli niyang pagkurap ay umalpas ang luha mula roon. He immediately wiped it away.

"Last, even you broke our bro codes, I'll forgive you. Just stay still, and keep breathing," suminghap siya at at umiling. "We will still fight again on the annual ranking. I'll give you a chance to win, but of course she's still mine."

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ngunit panibago na naman ang pumalit. I ran my fingers through his hair. His eyes are already close. My heart clenched, and it hurts badly. Mababaw na ang kaniyang hininga. He smiled bitterly.

"I'll always the second, Dieu. But it's okay, kahit kailan ay wala akong sama ng loob sa'yo. Pero patawad kung minsan nagselos ako sa'yo dahil kay Eirian. And now that I'll die, please take care of her. Don't let anyone get her from you, sana hindi ako nagpaubaya sa wala," suminghap siya nang hangin at sa huling pagkakataon ay hinalikan niya ang aking kamay. Pakiramdam ko ay nadurog ang kalooban ko sa sakit na nararamdaman. "I'll love you forever, and maybe on the second life, ako naman ang pagbigyan. Sa pangalawang buhay, akin ka naman. M-mahal na mahal kita, Eirian."

Angst Academy: His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon