Her POV
Huminga ako nang malalim at sinuot ang jacket. Tinapunan ko ng tingin ang mga maiiwan kong gamit. I sighed and closed my eyes tightly. Bahala na. Meron pa naman akong mga damit na natira sa pangangalaga nila Tita. 'Di bale ng maiwan 'to dito. I can't risk my life, staying here.
Sinulyapan ko ang wall clock. It's already midnight. Magaala-una ng madaling araw. I compose and tried to calm myself. Mabilis ang kabog ng puso ko at nanginginig ako sa kaba. But everytime I remember my reason for escaping lumalakas ang loob ko. Kailangan kong makalabas dito. 'Yon lang at malaya na ako.
Sasabihin ko kila Tita tapos lalayo kami rito. Hindi kami mapapahamak. Tapos na ang lahat.
Sinukbit ko ang bagpack at hinawi ang buhok. I fixed my hair into a tight bun. I need to be comfortable para mabilis akong makakilos.
Dahan-dahan akong lumabas ng dorm ko. Ginamit ko ang hagdan upang hindi malaman ng kahit sino na may bumaba. Napakatahimik ng paligid. Rinig na rinig ko ang napakalakas na tibok ng aking puso. Pinunasan ko ang butil ng pawis sa aking noo. Madaling araw na. Malamig rin ang simoy ng hangin dahil na sa mga mayayabong at nagtataasan na puno sa paligid ng campus. Ngunit marami pa ring butil ng pawis ang lumalabas sa aking katawan dahil sa kaba at takot.
Maiingat ang bawat hakbang na ginawa ko. I almost tiptoed, pinipigilan na gumawa ng ingay. Kung pwede lang na maging hangin na lamang ako para makaalis na ng tuluyan dito.
Nang makalabas sa building ay sinalubong ako ng malamig na hangin. I hugged myself and do a half-run. I gulped hard at mabilis na tumago sa isang fountain nang makita ang lalaking naka-itim na suit. Tatlo sila at naglalakad-lakad sa paligid. Alam kong walang kasiguraduhan ang pagtakas na 'to. Hindi ko kabisado ang paaralan. Ang mga pasikot-sikot. Malaki ang tsansa na maligaw ako at mahuli nila.
Kailangan ko na lamang kumapit sa swerte.
Nakahinga ako nang maluwag nang nakalampas na sila. Tahimik kong tinungo ang pathway. Tumingin-tingin ako sa paligid. Kailangan kong maging alerto at iwasan ang mga men in black. Kapag nakita nila ako siguradong wala na akong kawala. Isususumbong nila ako sa headmaster, ibabalik ako sa dorm ko at maaaring bigyan ng parusa. Mas hihigpit din ang seguridad.
Pilit kong inalala ang dinaanan namin noong galing pa kami sa labas. Mariin kong tinignan ang bawat nadadaanan at kahit papaano ay nagiging pamilyar na ako. I felt the mixture of excitement and nervousness. Alam kong malapit na ako sa may gate.
Pero ang naaalala ko, dalawang gate ang dinaanan namin para makapasok ng tuluyan. At ibig sabihin kailangan kong akyatin 'yon? Hays! Mamaya ko na poproblemahin 'yon.
Madilim na ang paligid. Kakaunti lamang ang maliwanag na parte na binigyan ng ilaw ng mga lampost. Natatakpan rin ng makapal na ulap ang buwan kaya hindi ito nakapagbigay ng gaanong liwanag. Napatigil ako nang makita ang pamilyar na gate.
Dito kami huling pumasok. Nangatog ako sa kaba at sa lamig. Pilit kong pinalakas ang loob at pinagmasdan ang gate. Mataas ito. Ngunit kong pipilitin ko kakayanin ko 'tong akyatin. Lalo na at ang desinyo ng pader ay may mga nakausli na bato na maaari kong gamitin bilang kakapitan at maakyatan.
Sumulyap muna ako sa paligid bago napagpasyahang magsimula na. Kumapit ako sa isng bato at inuga-uga ito. I'm testing it kung matibay ba ito. And thanks God, it is. Kinagat ko ang labi bago tinapak ang paa sa bato. Kumapit ako sa may bato sa bandang ulunan at tuluyang tumapak na. Now, wala na ako sa lupa.
Kinagat ko ang labi at tumapak sa mas mataas pa. Rinig ko ang kabog ng dibdib ko sa kaba. Natatakot ako dahil pataas na ako ng pataas. Pero hindi dapat akong panghinaan. Mas nakaatakot kung manatili ako dito sa akademya.
BINABASA MO ANG
Angst Academy: His Queen
ActionHighest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except her financial status that can't even beat the lowest rank of the school, her innocence doesn't suit...