Her POV
Hinatid ako nila Nathalie, Ynette at Crisafaith sa cafeteria. Pinaninindigan na talaga nila ang pagiging alipin ko. But I don't see them as my esclave, but maybe... friends. Mabait naman sila ngunit kagaya ni Elene ay may pagkamaldita sila. But it's bearable lalo na ngayong pinipigilan nila ang sarili.
Iniwan rin nila ako dahil may maaga silang activity kaya dapat na silang maghanda. Bumili ako ng breakfast at nilibot ang tingin sa loob. I saw Clarence alone kaya agad akong lumapit sa kaniya. Sarado na ang mga bintana, sabi naman rin nila bullet proof iyon kaya lang binuksan noong nakaraang araw kaya may pumasok na pana.
I'm still scared actually. Malaki rin ang posibilidad na para sa akin 'yon, at kung akin nga, bakit naman? What's their motives?
"Hi Clarence!" Tulala siya kaya nang tinawag ko siya ay nagitla siya.
"Ay putapetes ka inday! Binigla mo ako ateng!" Tili niya. I chuckled and put my tray on the table. Ibinaba ko rin ang bag at tuluyan ng umupo.
Nasa harap ko siya at nakatingin sa akon. Hinila niya ang aking kamay at hinawakan. He even squeezed it.
"Musta na, ateng? Nagsisisi talaga ako na binuksan ko 'yang window! Nakapasok tuloy iyong arrow. And I know I'm one of the suspects na pinaghihinalaan nila... I'm sorry. Sana pala tiniis ko na 'yong hotness since immune ko na 'yon dahil hot ang sexy body ko!" Tuloy-tuloy niyang saad. But something caught my attention.
"Isa ka sa suspects?" Sumimangot siya at tumango.
"Yes! Kasi nga ako ang nagbukas ng lokang window na 'yan, then nag dugtong-dugtong, baka kasabwat daw ako! Nakakaimbyerna!" aniya at ginulo ang may kahabaang buhok.
"I'm sorry.. Napagbintangan ka pa..." I murmured.
"Ay ano ka ba! Ikaw na nga ang nasaktan, nag-sorry ka pa. Sobra mong bait baka makapasa ka bilang living saint, a. Natural lang na mapagbintangan ako and I'm confidently beautiful and innocent with a heart!" aniya. Napangiti naman ako sa mga sinasabi niya.
Nagsimula na kaming kumain. But something is unusual to him. Tahimik siya unlike noong mga nakaraan na tuloy-tuloy ang bibig niya sa pagsasalita.
"Okay ka lang ba? You look so sad," I uttered.
He sighed at binitawan ang kutsara at tinidor. Sandali siyang natulala.
"Magka-away kami noong bruhang Sunshine. Nasigaw-sigawan ko kasi. Eh bad mood talaga ako kahapon because I have a period! Alam mo naman na mainitin ang ulo kapag meron 'di ba?" Nanlaki ang mata ko at napatawa.
"Ehh! Wag mo akong tawanan! And except sa dalaw ko, dahil nga rin doon sa suspect thingy. 'Yon, napikon sa 'kin. War kami ngayon," malungkot siyang tumitig sa pagkain.
"Pagbabatiin ko kayo." I said. Hindi ako sanay na magkaaway sila. Madalas pa naman sila na magkasama and they look so close to each other.
"No! I already said sorry! Pero pabebe siya, hindi ko na uulitin. Bahala siya. End of the story!"
Hindi ako nakaimik nang magsimula na siyang kumain. I sighed. Marami na ang nasira dahil sa pride, at kung magtagal pa 'to, baka matapos na ang friendship nila. Pero ayaw naman niya na makialam ko. I sighed and continue eating.
Tahimik na kami sa pagkain hanggang sa maramdaman ko ang isang tao sa tabi ko.
"Ele— Greg!" My eyes widened when I saw him. Inasahan ko na si Elene ang tumabi.
Napatitig ako sa kaniyang mukha. Mariin na magkalapat ang kaniyang labi at malamig ang tingin sa akin. Napalunok ako at umiwas ng tingin. Nagkasalubong ang mata namin ni Clarence. He winked at me at umaktong tumirik ang mata. I suppressed my laugh. Kinabahan na naman ako ng pabagsak niyang inilagay ang tray sa lamesa.
BINABASA MO ANG
Angst Academy: His Queen
ActionHighest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except her financial status that can't even beat the lowest rank of the school, her innocence doesn't suit...