Chapter 46

165K 5.7K 2.1K
                                    

15 months later...

Her POV

Hindi mawala ang kaba sa 'kin habang naglalakad kami palabas ng airport. My hands are shaking a bit at nanlalamig ako. Sinulyapan ko si Lyndon na nakasimangot and when our eyes met, mas lalo lamang siyang sumimangot.

"Ano? Hindi ka pa rin maka-move on?" I arched my brow while staring at him. Kinuha ng isa sa mga tauhan ang dala kong maleta.

"Tss. Ewan ko sa'yo. Alanganin ang uwi natin. Alanganin ang pag transfer natin. You're really stupid!" Mariin niyang saad. Uminit ang pisngi ko sa lakas ng boses niya at agad siyang binatukan.

"Tigilan mo ako. Okay lang 'yon! Ulit-ulit na lang, naririndi na ako sa'yo." Pinanlakihan ko siya ng mata bago pumasok sa kotse. Umikot naman siya at umupo sa tabi ko.

"Paanong hindi ako ulit-ulit. Imagine, we will back at the academy, at this month of January? Damn you stupid. Nangangalahati na sa second sem!" Gigil niyang saad. Kasunod ay ang paghampas sa likod ng ulo ko.

Nanlaki ang mata ko at sinuntok siya sa mukha. Sinapo niya iyon at matalim ang mata na tumitig sa akin.

"Damn you! Damn you!" He murmured. I stick out my tongue and rolled my eyes.

"Nye nye. Hindi makaganti." He just made a face.

Tumahimik na siya kaya natahimik na rin ako. Tumingin ako sa bintana para panoorin ang mga dinaraanan namin. Suminghap ako ng hangin at sinandal ang ulo sa salamin.

"Paano kung galit pa rin siya?" I murmured. Naramdaman ko ang pagkilos ni Lyndon sa tabi ko.

"Tss. He's immature then," tipid niyang sagot. Napanguso ako at gumuhit ng kung anu-ano sa salamin.

"He didn't know my reason," mahina kong saad.

"Because he didn't let you explain! Nandoon kaya ako noong nagdramahan kayo," aniya. Sinulyapan ko siya sandali. Nakatitig siya sa akin at agad umiwas ng tingin nang magsalubong ang paningin namin.

"Kung mahal ka niya, maiintindihan ka niya. Kahit saang anggulo, tama ang ginawa mo. Your Dad needs you that time. Alam mong stubborn si Tito Eros at ayaw niyang wala ka sa tabi niya. Ano, uunahin niyo kalandian niyo kesa sa ama mo?" Inis niyang saad.

Malungkot akong umayos ng upo.

"Kung mahal niya ako..." turan ko. He sighed and messed my hair.

"Huwag ka na magdrama d'yan. Pabalik na nga tayo 'di ba? True love waits, true love isn't selfish at kung hindi ka niya hinintay, that's not love. Halos isang taon ka lang nawala."

"Ang dami mong alam, ah? Nainlove ka na ba?" Tinitigan ko siya. Sa tagal namin na magkasama, kahit kailan ay wala siyang nabanggit tungkol sa babae, kung may nagugustuhan na ba siya o minamahal. He's a big mystery for me. He is secretive.

"Wala kang pake." He rudely answered. Napailing ako at muling tumingin sa bintana. At sa isang taon namin na magkasama, nasanay na rin ako sa ugali niyang ganiyan.

Pinikit ko ang mata at naalala ang mga nangyari sa loob ng isang taon.

Transferring to other country is tough. New environment and new cultures. I arrived with broken heart because of the painful goodbye. It is hard because I was already heartless. Dahil naiwan sa Pilipinas ang puso ko.

Pagdating namin doon ay hindi kami nakapagpahinga. Agad kaming pumunta sa hospital kung saan naghihintay si Papa. Before I was discharged from the Academy's hospital ay may dumating na sulat saying that he needs me. And he wants me to be there on his operation.

Angst Academy: His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon