Her POV
Dahan-dahan akong umupo saka nilibot ang tingin sa kinaroroonan ko. Puting dingding ang nasa kanan ko at kulay berde na kurtina naman ang tumatabing sa bandang kaliwa ko.
Napunta na ako rito noong nakaraan lang. I'm at the clinic.
"Buti nga 'yon sa kaniya. Pahirap eh."
Biglang nahawi ang kurtina sa tabi ko at tumambad si Elene na kasama ang kaklase kong babae at bakla. Nagliwanag ang mukha niya nang makita ako.
"Thanks God you're now awake!" She giggled at umupo sa tabi ko. Inalog-alog niya ang balikat ko.
"Okay ka lang ba bebe girl? Naaalala mo pa ba ako? Ako ito, yung dyosa mong classmate! May amnesia ka na ba? Oh my gosh! Eirian!" Sunod-sunod niyang sabi. Bigla siyang binatukan ng bakla na nasa likod niya.
"Loka-loka. Paano makakasagot yan, sunod-sunod ka magtanong! And FYI, ako ang dyosa niyang classmate, wag kang assuming."
Napatitig ako sa mukha niya. Ang gwapo niya. Maputi ang kaniyang balat at bilugan ang mata. May maliit rin siyang dimple sa bandang kanan na pisngi. Matangos ang ilong at may pamatay na panga. Sayang siya, he can be a male model from a magazine!
"Wag kang matulaley sa akin. Hindi tayo talo beshy. Ako pala si Clarisse!" he said. Bumeso pa siya sa akin.
"Clarence ang pangalan niyan. Feeling niya may pempem siya kaya Clarisse na lang daw. Ako pala si Sunshine," saad naman ng kasama niyang babae at nilahad ang kamay.
Kulot ang kaniyang itim na buhok at kakulay nito ang kaniyang mata. Matangkad rin siya at payat but she's pretty. Tinanggap ko ang kamay niya.
"Eirian na lang ang itawag niyo sa akin." Saad ko. Tumango sila.
"Ngayon lang kami nagpakilala. Fini-feel ka pa kasi namin kahapon and now, okay naman kaya we approached you," saad ni Sunshine. I smiled and glance on Elene who's frowning.
"Bakit?" I asked her.
"Ako ang unang naka-discover kay Eirian kaya wag niyo siyang agawin sa akin." Inismiran niya ang dalawa at hinarap ako. Hinaplos niya ang buhok ko.
"Kamusta feeling mo girl? Are you okay?" She asked. Tumango ako.
"Okay lang naman ako Elene," sagot ko.
"Kamusta 'yung ulo mo? Masakit pa ba?" Kinapa ko ang bandang likod ng ulo ko. Medyo napangiwi ako nang makaramdam ng sakit.
"Nagdugo iyan nang bumagsak ang ulo mo sa sahig. Grabe nga ang dugo eh! For the first time natakot ako sa dugo!" Saad niya at nilagay ang dalawang palad sa mga pisngi.
"Gaga ang OA mo. Lagi ka ngang nang-aaway kaya usual ka ng nakakakita ng dugo. Plus the fact na may umaagos na dugo from your pempem. Wag kang ano!" saad naman ng bakla. Hindi ko mapigilang matawa sa paraan ng pagsasalita niya.
"Tsaka mas okay na dumugo ang ulo niya kesa namuo lang 'yon sa loob, 'di ba? Wag ka ng mag-inarte."
Umakto si Elene na sasabunutan ang dalawa.
"Hindi kasi kayo ang naroon. Iba si Eirian. She's like an angel and I can't bear to see her hurting in front of me. Gosh! Wala akong pake sa mga demonyong babae o kahit sino, kahit magdugo pa ang buong katawan nila sa harap ko. But what happened to Eirian? It's like seeing a new born baby being killed!" She hysterically said. Halos matawa ako pero napawi rin iyon.
Natahimik ang dalawa pang kasama namin. Ako naman ay napaisip. Maybe Elene see me as a fragile thing. Like a new born baby who can't protect herself. And I am really weak.
BINABASA MO ANG
Angst Academy: His Queen
ActionHighest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except her financial status that can't even beat the lowest rank of the school, her innocence doesn't suit...