Her POVHinigpitan ko ang paghawak sa strap ng bag ko. Yumuko ako at umiwas sa tingin ng mga estudyante na dumadaan. I'm at the outside of the gymnasium. Dito kasi sinabi na magtitipon ang mga baguhan, sa loob para maihatid sa kaniya-kaniyang classroom.
But I can't enter. Nasilip ko kanina, and I feel so out-of-place. Kitang-kita ang kapangyarihan at yaman sa aura ng mga estudyante na nasa loob. And it makes me wonder, am I the only scholar here? Ang lahat ng baguhan na nasa loob, lahat sila ay may bakas na galing sa mayaman na pamilya. I can't see anyone who's like me, just an ordinary student. At lalo akong kinakabog ng kaba.
Me, a girl like me alone in this Acadeny full of monsters and beasts. Para akong kuting kasama ang mga lion at tigre. Napalunok ako at nilagay ang mga takas na buhok sa likod ng tenga. Bumaba ang tingin ko sa tuhod. Natakpan ng mataas na medyas na umabot sa itaas na tuhod ang haba nito. And it's enough to cover my dry wounds na nakuha ko kagabi.
Napatuwid ako ng tayo nang lumapit sa akin ang isang babae na nakablack suit. Naka-low pony tail ang kaniyang buhok, and the way she walk remind me of the robots. Stiff and so prim and proper. There's no unnecessary gestures or action. Just straight and still. She stopped in front of me at bahagyang yumuko.
"Lady Agape, let me lead you to your room," malamig ang boses niya. Nilibot ko ang tingin sa paligid at nakita ang pagngisi ng iba habang nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin bago tumango.
Sumunod lamang ako sa kaniya nang magsimula na siyang maglakad. Nadaanan na namin ang ilang nagtataasang building ngunit hindi pa rin kami tumitigil sa paglalakad. Napakunot ang noo ko ngunit hindi na lamang umimik. Tumigil kami sa harap ng isang building na first floor lamang. Nilusot niya ang kamay sa tila gate na gawa sa grills at binuksan ito. Nalukot ang mukha ko nang lumikha ng nakangingilong tunog ang pagbukas ng makalawang na gate.
At pagtapak ko, may napansin ako. Sa lahat ng building sa loob ng academy, itong building na 'to ang may pinakaluma na hitsura. Tila hindi pinagbigyan ng pansin. Natulos ako nang makarinig ng kung anu-anong lagabog. Nanlamig ang pakiramdam ko at humigpit ang hawak sa strap ng bag. Iminuwestra sa akin ng babae na naka-suit ang pinto.
Gawa sa plywood at kahoy ang pinto. Ang pintura naman ng pader ay may mga bakbak na ngunit kung maayos lamang iyon ay malinaw na kulay puti ang kulay. But as I'd said, may kalumaan ang building na 'to, at ganoon rin ang kulay ng pintura na halos kulay kape na. Napa-lunok ako at tumapak papasok sa bukas na pinto.
Nanlaki ang mata ko at mabilis na yumuko nang makita ang paparating na dart. Nanginig ang tuhod ko at malakas ang kabog ng puso.
"Ooops, sorry miss," narinig kong saad ng isang babae. Nakarinig ako ng tikhim sa gilid ko. Unti-unti akong tumayo at napatingin sa babaeng naka-suit.
"Hindi pa rin kayo nagtatanda... madadagdagan ang parusa mo diyan Elene," malamig nitong saad. Napatingin ako sa babaeng pinagmulan noong dart. She's sitting on the top of the table. Pixie cut ang buhok niya at ngumunguya ng bubble gum. She just made a face. Umiling ang babae na nasa tabi ko bago tumango at bahagyang yumuko. Umatras ito at tuluyan ng umalis.
Napatindig ako nang maayos at nilibot ang tingin sa loob ng classroom. Malawak iyon, parang dodoblehin ang laki ng kwarto sa mga paaralan na napasukan ko. Kapansin-pansin ang mga nakatambak na mga sirang upuan sa may bandang likod. At doon ko lang napansin na halos sampo kaming nasa loob.
May kaniya-kaniyang ginagawa. But the girl named Elene is staring at me with her brow arched. Tumikhim ako at umiwas sa mala-pusa niyang tingin. Naglakad ako papunta sa upuan, bandang harap lamang malapit sa whiteboard na nasa harap. Sumunod sa akin si Elene at umupo sa lamesa ko.
BINABASA MO ANG
Angst Academy: His Queen
ActionHighest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except her financial status that can't even beat the lowest rank of the school, her innocence doesn't suit...