Chapter 22

236K 8.8K 2.7K
                                    

Her POV

Sa building ko rin pala matatagpuan ang dorm niya at katulad ko rin ng floor. Sa kaniya pala ang nasa pinakadulong kwarto. A manly room welcomed me. Halos kagaya lang ng features sa 'kin at hitsura. Kahit ang pasikot-sikot ay pareho but the only thing that's different is the color scheme.

Gray and white dominated the room emiting a manly and strong aura. Naamoy ko rin ang amoy niya sa paligid and it feels so good to smell his scent everywhere.

Binitawan niya ako at nakita ko siyang naglakad patungo sa kwarto niya. Paglabas ay may dala siyang bottled juice. Inabot niya iyon sa akin.

"Salamat...." Siya na ang nagbukas para sa akin. When the juice touched my tongue, I realized that it's my favorite flavor. Pineapple juice.

"Ano pong gagawin natin dito?" I asked him. Nakaupo ako sa sofa samantalang siya ay nakatayo sa harap ko.

Ngumuso siya at umiwas ng tingin.

"Wait for me, I'll just take a bath.." He uttered. Tumango ako at pinanood siyang pumasok sa kwarto niya.

I heaved a sigh and look around. Napansin ko sa isang rack ang magkakapatong na frame. With the thought that it's his picture ay nilapitan ko 'yon at dinampot. Dahan-dahan ko iyon na kinuha at nilapag sa center table na nasa harap. It's more than ten.

I gasped when I realized that it's not his pictures. Mga naka-frame na certificates at awards niya iyon. Hindi ko mapigilang mamangha habang binabasa ang mga academic achievements niya. These deserves to be posted on the wall proudly. Mas lalo ko tuloy naisip na masyado siyang maraming katangian na tinataglay para katakutan at respetuhin.

He has the strength, brain and physical appearance to praise. He seems perfect though I know no one is perfect. But he's almost. Hindi ko alam kung ano ang kapintasan niya. Mabait naman siya, matulungin. Well he can be a monster, as far as I remember no'ng halos mapatay niya ang higanteng lalaki na 'yon. But he has a valid reason. But I know that it is still against Lord dahil ayaw niya na nananakit ng kapwa.

Ako rin marami ng kasalanan. Nakahampas na rin ako ng tambo at nakasuntok. May nasapak na rin ako and all of that happened yesterday.

Pinagmasdan ko ang bawat isa at binasa ang mga nakasulat. I'm more amazed to him. He's so admirable. Ang daming katangian na maganda sa kaniya kaya hindi na ako magtatakha kung marami ang nagkakagusto sa kaniya.

"Hey.." Umangat ang tingin ko nang makita siyang lumabas sa kwarto niya.

Nakasuot na siya ng sando at jogging pants. He looks so homey kaya naging komportable ako. May hawak rin siyang tuwalya na isinabit niya sa kaniyang leeg.

"Bakit hindi mo po 'to dinisplay?" I asked him. Sinulyapan niya ang mga frames at dahan-dahang naglakad patungo sa akin. Umupo siya at napapikit ako nang malanghap ang bango niya

"These are not really important," saad niya. Sumulyap ako sa kaniya at nakitang kunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa mga iyon.

Kinukuskos rin niya ang basang buhok. Lumingon siya sa 'kin kaya nagsalubong ang aming mata.

"Can you please dry my hair?" Mapungay ang kaniyang mata at napakalambing ng boses. I felt something on my chest reacted violently. I blinked twice and nodded.

Inabot niya sa 'kin ang towel at inusog niya ang center table na nasa harap ko. Nagtaka ako sa kaniyang ginawa at narealize ang purpose no'n nang umupo siya sa sahig, nakasandal ang kaniyang likod sa aking mga binti. Suminghap ako bago tinuyo ang kaniyang buhok.

His dark midnight hair is so soft na katulad sa mga baby na alagang-alaga ang buhok. Naalala ko ang sariling buhok at pasimpleng pinasadahan. Kinuskos ko gamit ang tuwalya ang kaniyang buhok para matuyo 'yon.

Angst Academy: His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon