PROLOGUE

16.1K 294 11
                                    

Tuloy-tuloy lang akong maglakad sa loob ng paaralan, at lahat ng taong nakakasalubong ko ay umiiwas. Takot na lang kung subukan nilang sumablay at sumalpok sa akin.

"Clarisse, para sa'yo," abot sa akin ng isang lalaki ng bulaklak, ngunit tinignan ko lang siya.

"Pwede na ba tayo magsama?"

"Excuse me, walang 'tayo'."

Ganito talaga kapag pumapasok ako, alam niyo kung bakit? Pinagpupustahan nila kung kanino ako mai-inlove.

"Cla-" hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya at kinuha ko ang bulaklak sabay itinapon pataas. "Hala...sorry, hindi ko sinasadya."

"I-ikaw..." Galit na galit ang mukha niya.

"Wala pang gumagawa sa akin ng ganyan."

"Meron, at ako 'yun." Nakataas ang kilay ko habang sinasabi iyon.

Lalapit na sana siya, ngunit inilagay ko ang kamay ko sa harap niya. "Ops! Lumayo ka dahil mabantot ka."

Oo nga pala, siya 'yung lalaking pinagkakaguluhan dito sa paaralan na ito. Hindi ko alam kung ano ang nakita nila sa lalaking 'yan, pero hindi naman siya pasok sa mga pamantayan ko sa kagwapuhan. Para sa akin, parang isang kaawa-awang lalaki lang siya.

"CLARISSE!" Uh-oh.

Lumingon ako sa likod, at ang bulaklak na itinapon ko kanina ay napunta sa katawan ng principal namin. Madalas na akong gumawa ng kalokohan dito kaya hindi na ako magtataka kung matatanggal ako sa paaralang ito. Wala naman talagang paaralang tumatagal sa akin.

"Alam ko na 'yan," sabi ko habang papalapit na sana ako, ngunit tinanggal ko muna ang tali sa aking buhok para makita nila ang haba nito.

"Kaya kong paalisin ang sarili ko."

Bago ako makalabas ng gate, humarap ako sa kanila.

"Ako si Clarisse Diaz, isang troublemaker!" Pagkasabi ko niyon, biglang nagliparan ang mga papel. Alam ko na mangyayari ito, kaya matagal ko nang inihanda ang mga basurang papel na naglalaman ng mga sinasabi nila tungkol sa akin.

Troublemaker? Oo, ako nga 'yun.

Ngayon, ang tanong ko sa iyo. Handa ka na bang pasukin ang buhay ko na puno ng kalokohan at kaguluhan?

A/N: Hello sa mga nagbabasa dyan! Wiee~ First story ko po ito. Sana po suportahan niyo yung storyang 'to, hindi na po ako maglalagay ng mga korean na aktres dito dahil konti lang kilala ko.

PAALALA: yung mga picture po ng anime keme-keme lang yun mas bet ko kasi ang anime. Don't expect too much po kasi I know naman na hindi ako perfect para makagawa ng sobrang gandang istorya pati ginawa ko ito nung bata pa ako kaya madaming typo. Suri paintindi nalang po kung may mali hihihi!

That Troublemaker Is My Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon