Ethan POV" Ano iisa kapa!?" Tanong ko sakanya.
" Hoy bata, girl abused ka gusto mo kitang ipakulong. Kabisado mo ba ang Article No. 09922586."
" Ano ba, hindi ka ba titigil?!" Inis kong sabi sa kanya.
Napansin ko si Seiji na naka-sandal sa kanya yung babae mukhang pinapatulog niya, naghanap pa ng karamay matulog.
" HOOOOY! IBABA MO NA AKO DITO, MAY FLIGHT TO KOREA PA AKO!"
" Manahimik ka!" Tutok ko sa kanya ng baril, kaso parang hindi siya natatakot sa baril na hawak ko.
" Tingin mo takot ako dyan ha? Eh wala naman yang bala eh, water gun lang ata yan eh!" Teka pano niya nalaman? Akala ko di niya mahahalata.
" Manahimik ka gusto mong iputok ko 'to sayo?!"
" Sige nga!"
" Mamaya." Tinago ko yung baril sa gilid, inirapan niya naman ako.
" Hi, pogi " Kausap niya dun kay jade na nag dri-drive ng kotse. Talagang bang hindi titigil 'tong kakasalita?
" Ah, hello ganda " Bati niya pabalik sa babae.
" Bawal mag usap dito!" Saway ko sa kanila.
" Edi waaag!" Pumunta siya sa likod ng kotse at nakitulog din. Alam ko dapat pag hino-hostage natatakot eh, pero bakit 'tong babae na'to parang wala lang sakanya nakuha pang makitulog doon sa likod.
" Gisingin mo ako pag nandiyan na!" Inis niyang sabi at kinuha yung kumot mula kay Seiji.
Mabuti narin 'yan para hindi na maingay dito, wala pang ilang minuto nakarating na kami sa maliit na kubo.
" Hoy, gising na nandito na tayo!" Gising ko sa dalawang babae.
" Mamaya na kana mang kidnap inaantok pa ako oh" walang gana niyang sagot.
" Oo nga, ka-katulog ko nga lang dito oh, sila muna noh!" Sabi ni daldal
" Anak ng! Magsigising nga kayo!" sigaw ko sa kanilang tatlo, bwisit 'tong si Seiji sana hindi ko na siya sinama napaka antukin talaga nanda-damay pa.
Tatayo na sana sila kaso bigla ulit silang nakatulog. Anak ng!
" Dalin natin to papunta dun." Utos ko kay Jade tumango naman siya agad.
" Ang bigat naman nito. " Binuhat ko yung babaeng maingay yung bibig, itinali ko siya sa may kahoy at nilagay ni Jade yung isang babae sa likod nito.
" Ikaw na bahala dyan. "
J.C POV
" Ayan na malapit na, mananalo na ako." Sabi ko sa sarili ko habang naglalaro ng Car race.
Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog.
Unknown is caling ...
" GAME OVER " Napatingin naman ako sa nilalaro kung ano nakalagay, tsk, bwisit malapit na'ko manalo eh. Sino ba 'to!?
" Kamusta?"
" Eto buhay pa naman. "
"Mabuti naman dahil dito ka namin papatayin kasama ang pinaka mamahal mong dalawang girlfriend"
" Ha? wala akong alam sa sinasbi mo, sampu kasi girlfriend ko eh." Pinatay ko agad yung phone siguro na babaliw na yung tumawag o baka may sira na talaga yung ulo.
I re-restart kona sana ng laro ng tumawag ulit yung unknown na 'to,
" Ano ba 'yun! "
" Hawak ko mga girldriend mo, gusto mong patayin ko sila ha!"
" Edi sige."
" Ano, girlfriend mo yung nandito hoy! Ayaw mo bang marinig boses nila ha!?"
" Oh sige, parinig nga ng boses "
" Jooojoo, tulungan mo nga ko dito!" Teka si Clarisse ba'yun o nagka mali lang ako ng rinig.
" Ikaw ba yan Clarisse? Kung ikaw yan. Sige, kaya mo na sarili mo sanay kana dyan, bye."
" Anooo!!! Tulungan mo na'ko dito noooh! Kasama ko si Aira dito dalian mo nga."
" What?! Mas lalong hindi ako pupunta dyan."
" Nandito kami sa kubo malapit sa pangatlong kanto niyo"
"HUWAG KANA MAG PA POGI HOY! HINDI KAILANGAN NG MAGANDANG DAMIT DITO! BILISAN MO NGA ANG BANTOT KAYA DI—" hindi kona tinapos ang sinasabi dahil pinatay kona kaagad at alam ko naman si Clarisse yung nagsasalita na iyon.
Clarisse POV
" Ang tagal naman." Inip na sabi nung lalaki.
" Anong oras na ba?" Tanong niya saakin.
" Orasan ba ako? Mang kikidnap kayo tapos kulang kulang gamit niyo!tignan mo naman 'tong pantali niyo oh, parang kumot na pinag lumaan lang."
" Clarisse, aira tara na. " Napatingin ako sa nagsalita si Jojo lang pala, una niyang tinanggal yung tali saakin bago kay aira.
" Bakit ka nakahubad?"
" Sabi mo huwag na akong mag damit, tara na nga!"
" Teka bawal mo sila kuhain, mag papatayan pa tayo!" Sabi nung lalaki at tinutok yung baril kay Jojo.
" Pwede ba tan-tan hindi nakakatuwa, tara na sumabay kana saamin kanina ka pa inaantay doon. "Tinaggal niya yung maskara nung lalaki, mag kahawig sila sheemaay!
" Teka, magkakilala kayo?" sabay naming sabi ni Aira.
" Oo, kapatid ko siya " sagot ni Jojo na walang gana.
" KAPATID?! " Sabay ulit naming sabi.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
That Troublemaker Is My Butler [Completed]
Novela JuvenilPresident X Troublemaker --------- " Akala mo sexy ka, Mukha ka ngang sardinas eh. " - JC " So? Pinag kukumpara mo 'ko sa walang ulo?" - Clarisse " Siya walang ulo, Eh ikaw? Walang utak!" - JC " Argh! Isa ka talagang KUTO NA BWISIT SA UL...