22 - The Change (1)

3.6K 105 5
                                    

Clarisse POV

Ilang araw na akong hindi pumapasok sa school palagi nalang ako pinapagalitan ni kuya tuwing hindi ako papasok pero hindi naman ako sumasagot sa kanya baka sampalin ako nun at lumipad yun ulo ko papuntang kalawakan. Si Jc naman hindi na nagpakita saakin simula nung sinabi kong huwag niya akong susundan. Baka ayaw niya lang talaga namaging kaaway ko siya.

Ilang araw na din akong nakamulong sa kwarto, si Mama lagi nagdadala ng pagkain ko minsan si Papa. Ilang araw na rin hindi maayos ang tulog ko kakaisip.

Ganito ba epekto ng pagmamahal? Nakatingin pa rin ako sa cellphone ko para akong tanga dito. Gusto kong tumawag siya at makipag ayos sa akin pero wala kahit anong paramdam.

Halos naka 3 years and 5 days with 15 seconds pa kami kaso wala na, ang bilis naman. Napakabilis parang kahapon lang ang lahat. Naiisip ko pa din yung araw na nagtatyga siyang ligawan ako, yung araw na nabugbog ko siya dahil sobrang kulit niya at dinala siya sa hospital pero pagkapunta ko doon nakangti siya at may hawak na bulaklak, siya mismo ang nagbigay nun sakin imbis na dapat may dala ako kahit prutas dahil ako naman ang may kasalanan kung bakit siya napunta doon.

" Clarisse. " Napatingin naman ako sa pumasok sa kwarto ko.

" Bakit ba ang tigas ng ulo mo, sabi ko naman sayo hindi ko siya gusto para sayo eh." ayan na naman siya puro nalang ganyan sinasabi tuwing papasok dito.

" Pero siya ang gusto ko..Bakit ba kasi kuya, bakit nangyayari sakin to?" sabi ko habang umiiyak.

" Hindi mo pa siya kilala, Clarisse."

" Siguro nga, kuya."

" Tumahan kana dyan, nagaalala na sayo sila mama at papa." sabi niya habang tinatapik ang likod ko.

" Sorry, kuya."

" Huwag ka ngang umastang ganyan, hindi bagay!" Sabi niya at napangiti ako.

Aalis na sana siya ng kwarto ng may sinabi siya " Oo nga pala, mas bagay sayo ang pagiging makulit mo atleast doon alam kong masaya ka."

***

Habang naglalakad ako papasok ng school para akong lantang hulay na wala sa mood. " Nagiba ata ihip ng hangin." biglang sumulpot sa harap ko si Carlo na nakasuot ng helmet na pang baseball sabay humalakhak ng tawa.

Gusto ko siyang sapakin nakahanda na 'yung kamay ko pero napigilan ko naman sarili ko. Tinignan ko muna siya bago ko lagpasan.

J.C POV

" Ano bayan, akala ko sasapakin ako nun" sabi ni Carlo habang nagmamaktol.

" Paano ka sasapakin, eh may suot kang bakal na helmet " turo ko dun sa ulo niya.

Tinanggal niya yung helmet " Oo nga noh, gusto ko pa naman magpasapak sa kanya. Mukhang naalog kasi yung utak ko kanina sa ginawa ni Cyril."

"Anong pinagsasabi mo? Eh, wala ka naman talagang utak."

" Nagagawa mo lang sabihin dahil matalino ka, hayaan mo sa susunod ako naman ang magsasabi niyan sayo."

" Geh." sabi at napatingin ako kay Clarisse na halos pinag sakluban ng langit at lupa, yung shoulder bag niya nasa sahig na habang hinihila na parang stroller bag. Hay nako.

Jubya POV

" Waaah! Clarisse." niyakap ko siya ng mahigpit ng nakasalubong ko siya sa daan.

" Hello" walang gana niyang sabi. Anyare dun?

" Clarisse, okay kalang ba?" Nagaalala kong sabi sakanya.

" Uhm."

Hindi siya okay, anong nangyari? Anoooong nangyari!?

That Troublemaker Is My Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon