66

2.3K 70 2
                                    


Natsu POV

" T-tara...Hanapin natin!"

" Natsu, maiwan ka dito samahan mo nanay mo medyo masama pakiramdam niya kami na bahala kay Clarise." Sabi ni papa at umalis agad.

" Aish!"

Umakyat agad ako sa kwarto niya baka nagtatago lang yun.

Tinignan ko lahat nang sulok kaso wala. Sa ilalim nalang ng kama

Ano to?

Hinila ko ang tatlong box pagkabukas ko ng isa nagulat ako sa laman nito

B-bungo?

Kinuha ko yung sulat sa gilid.

'Mamamatay ka'

Sino 'to? Dahil nataranta ako binuksan ko yung box na dalawa yung isa puro dugo halos sariwa pa na may nakasulat na.

Papatayin kita, Clarisse.

Yung isa naman daliri na ewan hindi ko alam kung may basura ba'to? pero isa lang ang sigurado ko na nasa panganib si Clarise.

" Mama! " Binuksan ko yung pintuan sa kwarto niya.

" Bakit anak?" Napabangon siya sa higaan niya.

" Sino nagpadala nitong kahon kay Clarisse."

" Aira daw yung pangalan, nung araw kasi noon wala si Clarisse kaya nilagay ko nalang sa ilalim ng higaan niya.

***

" Nasaan si Aira! " Hinawakan ko yung kwelo ni Jc at nilapit yun saakin.

" Hindi ko alam. " Mas lalo akong ng gigil sa sagot niya.

" Pagsabihan mo yang girlfriend mo! Pag may nangyring masama sa kapatid ko. Malilintikan kayo asking dalawa!" Tinulak ko siya sa pader pagkasabi ko nun.

" B...bakit? Anong nangyari sakanya?" Nagaalalang sabi niya.

" Utol! Anong bang nangyayari sayo?" Sabi ni Cyril at inalalayan si Jc.

" Anong ginagawa ko ha? Itanong mo dyan!" Turo ko kay jc.

" Siya at ang magaling niyang girlfriend, ano? Pinag planuhan niyo ba'to ha?!" Susuntukin ko na siya ng pinigilan ako si Carlo.

" Tama na, ano bang nangyayari sainyo!" Napatigil ako sa sinabi niya.

" Kayong tatlo, diba lagi kayong mag kakasama palagi. Baka kasama rin kayo. Anong balak niyo sa kapatid ko ha!? Ano sumagot kayo!" Sigaw ko sakanilang tatlo.

" Utol tama na." Awat sa akin ni Moon.

" Ayaw mo naman kaming kasama diba? " sabi ni Jc.

" Ano? Anong sinasabi mo?"

" Palagi kang wala."

" Anong palaging wala? Baka ikaw ang palaginh wala dahil busy ka sa pagiging President mo!"

" Ikaw din naman busy ka kay Oreo!"

" Tarantado ka pala eh, bakit mo dinadamay si Oreo dito!?"

" Dinamay mo rin pagiging President ko sa school na to."

" Oo nga noh." Sabi ko at napaisip ulit." Tandaan niyo to, malaman ko lang na may kinalaman kayo kung bakit nawala si Clarisse...kakalimutan kong naging kaibigan ko kayo."

" Natsu naman." Sabi ni Carlo.

" Wala naman ganyanan magkakaibigam tayo dito, hindi nga namin alam kung anong kinakagalit mo at kung anong nangyari kay Clarisse."

That Troublemaker Is My Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon