48 - Inaanak

2.7K 72 4
                                    


Clarisse POV

" Soulmate mo mukha mo! Anong ginagawa mo dito ha? Bakit ka nakapasok dito? " Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

" Whoa, easy "

Nagulat ako ng batukan ako ni kuya.
" Baliw! Hindi mo ba siya natatandaan at ganyan ka umasta?"

" Mukhang hindi na nga ako nakikilala nat-nat, Ilang taon narin ang lumipas. Hindi ba, sisa?" WTF!

OMG! Totoo ba'to,

" Anak, anong ingay an— Hulyo! Nandiyan kana pala hindi ka nag sasabi ah, umupo ka muna diyan kukuha kita ng juice. Sandali lang ha" Agad tumakbo si mama papuntang kusina.

" Huls, Bihis lang ako baka pag nasaan mo pa ako sa suot ko eh."

" Gago ka talaga. " Nagtawanan silang dalawa pero agad na umakyat din si kuya sa taas. Saktong dumating naman si mama.

" Hulyo, Ito oh. Uminom ka muna" Abot niya ng juice at tumabi saakin.

" Kamusta kana nga pala. " Tanong ni mama kay hulyo.

Sige kayo lang mag usap.

Hindi parin ako maka get over na siya si Hulyo, kung anu-ano pa naman ang sinabi ko sakanya nung masa mall. Nyemas!

Actually siya yung inaanak ni papa, kababata ko rin siya dito kasi sila tumira nung bata pa kami. Magkatabi nga kami lagi matutulog niyan eh, tapos pag magkasama kami ni hulyo umeekstra naman yung isa kong kababatang lalaki. Siya yung crush ko noon pero hindi kona siya nakikita, si wafu yung kinuwento ko sainyo dati pa, kaya nga kinikilig ako nun sakanya dahil ayaw niya daw na may kasama akong lalaki. Oo nga pala parehas sila ng tawag sa akin.

Gusto niya kami DAW forever eh, bata kami ang dami niya ng alam, katulad nung ako daw papakasalan niya. HAHAHA! tignan mo ngayon ni hindi ko nga alam kung nasaan na yung bugok na yun. Siya pa naman ang first crush ko.

FLASH BACK

" Hulyo, kuha tayong paputok dun sa mga damo tapos lagay natin sa tubig."

" Sige, tara. " Halos marami rami din yung nakuha ko kesa sa kanya
kumuha ako ng bote at nilagay yun dun lahat.

" Aray, tumatalsik saakin oh. Hahaha" Sabi ko kay hulyo.

" Saakin nga din eh."

" Anong ginagawa niyo? " Napatingin ako sa nag salita.

" Huy, ikaw pala. Kam—" Bigla niya ako hinila paalis dun kay hulyo kaya tinignan ko na lang si hulyo hanggang sa makalayo kami.

" Bakit mo ginawa yun, baka magalit saakin si Hulyom"

" Sino ba yun? Nagseselos na ako sakanya lagi mo nalang siyang kasama, pinagpalit mona ba ko dun sa hulyo na yun."

" Naglalaro lang naman kami hindi naman kita pinagpalit, diba mga bestfriend forever tayo. Huwag kang mag alala dahil inaanak siya ni papa. "

" Basta dapat pagkasama mo siya kasama din ako ha! Magagalit talaga ako sayo."

END FLASHBACK

Alam niyo naman nung bata ako medyo malandi na'to, Hahahaha! Sila  naman lumapit eh, Iiwasan ko pa ba?

Napatingin ako kay hulyo, nagulat ako ng nakatingin siya saakin at kumindat.

" Kamusta kana, Sisa." Tanong niya saakin bigla naman umalis si mama dahil tinawag siya ni papa.

" O-okay lang naman hehe." 

" Naalala mo paba yung bata pa tayo. Dito mismo ako naka upo tapos ikaw yung nasa CR?"

" Bwisit ka talaga, pinaalala mo pa!" Tawa lang siya ng tawa sa sinabi ko.

Psh -.-

FLASH BACK

" Hulyo natatae na ko." Sabi ko kay hulyo habang naglalaro kami ng PSP

" Kaya pala kanina pa mabaho, tumae kana kaya."

" Sige, lalabas na kasi eh." Pumunta ako sa tapat ng banyo at hinubad ko sa labas yung panty ko at umupo sa inidoro.

" Hulyyoo!"

" Baket?"

" Check mo nga yung panty kung may tae."

" Sandali, malapit na ako manalo dito."

" HUUUULYOOO!"

" Eto na titignan na nga eh. Bakit ba kasi pinapa check pa."

" Makikita ni mama papagalitan ako nun sasabihin na naman nagpipigil ako ng tae ko."

" Bat ka kasi nag pipigil."

" Malapit din ako manalo sa laro eh."

END FLASHBACK

" Nga pala, nakapunta kana ba ulit dun sa bundok? " Tanong niya saakin.

" Hindi pa nga eh. Ikaw ba? "

" Oo, kahapon pumunta ako dun nakita ko nga yung bestfriend mong seloso hahaha. Hindi parin nag babago kaso mukhang broken hearted ata." Nagulat ako sa sinabi niya, doon na kaya ulit siya nakatira hindi kasi ako nakapag paalam na lilipat na kami eh, mas na una siya umalis samain eh.

Bumalik kaya siya?

" T-talaga, hinanap niya ba ako?"

" Oo naman, miss na miss kana nga daw niya nagkaron pa kami ng konting conversation tungkol doon sa babaeng na gugustuhan niya." May gusto na pala siya na iba? Ang sakit ah tagos sa brain ko.

" S-sino daw? " Kahit masakit gusto ko malaman kung sino siya.

" Hindi niya sinabi pero classmate niya. Ang totoo hindi daw niya yun type kaso habang tumatagal hindi niya alam na nagka gusto na pala siya dun. Tapos umekstra pa yung kaibigan niya na may gusto din pala dun sa babae. Ayun edi pinaubaya niya na daw kasi mag kaibigan sila at ayaw nilang nag aaway sa i-isang babae." Nakahinga naman ako ng maluwag, buti naman at pinaubaya niya may pag asa pa ata kami. Hahhaa chour! Hohoho! magandang decision  yun.

" May sinabi ba siya na panagalan niya?" Tanong ko sakanya, kahit kasi ang tagal na naming magkaibigan nun hindi niya pa sinasabi yung pangalan niya syempre hindi ko rin sinabi pangalan ko para patas
yan tuloy nag tapos sa walang kwentang usapan.

" Oo, buti nga naalala ko eh. Sabi niya nga tawagin ko siyang Jo—" Naputol yung sasabihin niya nang umakbay sa kanya si papa.

Anak nang teteng!

" Ang pogi talaga ni hulyo, manang mana saakin oh, kamusta kana? " Hoy papa umalis ka nga kita mong kausap ko si hulyo eh! Huuuuy~ ಥ⌣ಥ

" Tara huls, basketball tayo sama natin si papa." Hindi kasama si hulyo ano ba! Kayo nalang umalis. Hoy! naririnig niyo ba ako? Syempre hindi.

" Game. Saan ba tayo?" Arggh!

" Doon sa may taas kila Aling Pasing, Tara na!" Hinila ni kuya si hulyo palabas ng bahay at sumunod si kuya. Bwisit kitang nag uusap kami tapos yaya-yain niya.

" Nak, dito muna titira si hulyo ah. Wala kasi yung mama niya nasa ibang bansa na kasama yung papa niya para asikasuhin yung trabaho nila dun. "

" Eh, mama seryoso? " Gulat na gulat kong sabi.

" Huwag kang mag alala hindi naman kayo magkatabi, doon siya makiki tulog sa kwarto ng kuya mo." Nang asar pa talaga. -_-

Pero na miss kona talaga si Hulyo, nag ka crush ako sakanya pero slight lang. Huehue nung nalaman kong may pagkabakla siya parang gumuho yung mundo ko. Letche! Na turn off ako.

" Oh siya, siya, tulungan mo muna ako magluto panigurado pagod yung mga yun pagka uwi. " Sumunod nalang ako kay mama sa kusina. Ano pa bang magagawa ko? Hmp.

Itutuloy...

       

That Troublemaker Is My Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon