Moon POV
Aish! Ang sakit talaga paano ba naman may nagwala kasi sa labas tapos nadaanan ko yung basag na bote ng hindi ko napapansin ang masaklap ba doon naka paa ako ngayon.
" Moon...o-okay ka lang?" Napatingin ako nang biglang bumukas ang pinto kaso padabog at nakita ko naman si Clarisse, alang-ala siya na akala mo mamatay na ako dito.
" Sabihin mo sino gumawa sa'yo nito?"
" Huh? Hindi kita maintindihan. " naguguluhan kong sabi sabi sa kanya.
" Punyemas naman. Sinong bumugbog sayo ha? Sabihin mo saakin tae naman kasi ayaw mong magsabi saakin. Nakakainis ka talaga, ano sabihin mo para mapuntahan kona agad siya sa huling hantungan, ano natatakot kaba? Binalaan kaba nila? Ano!? Sabihin mo na!!" Galit na galit niyang sabi. Napa nganga nalang kami ni Jubya sa sinabi niya.
" Teka..teka nga. Ano bang pinag sasabi mo? Walang nangbugbog sa akin, na bubog ako hindi na bugbog. " paliwanag ko sa kanya, halata naman yung pagkagulat sa mukha niya.
" H-ha...p-p-pero..Sabi ni Jubya na bugbog ka?" Natawa ako sa reaksyon niya dahil ganon pala ang pagkakaintindi niya. Napahawak sa tiyan ko habang tumatawa tapos siya tinignan niya ako ng masama kaya tumahimik nalang ulit ako.
" Ito kasi si Jubya. Haynako, pinapakaba ako bwisit ka eh noh! Bakit mo bang sinabing nabugbog eh bubog lang pala. Leche ka!"
" Nyek! Sabi ko na bubog binge ka noh?" Pagkasabi niya nun inirapan niya si Jubya.
Nakakatawa talaga reaction niya hindi ko makalimutan yung nangyari noong elementary pa lang kami. Grabe siya mag alala. Matagal na akong may gusto kay Clarisse kaya nga lang hindi niya 'yun alam at hindi ko pwedeng sabihin baka masira ang pagkakaibigan naming dalawa at baka layuan niya ako pagnalaman niya, ayoko naman masira pagkakaibigan namin dahil lang doon.
Alam kong mahirap abutin si Clarisse mataas talaga ang standard niya pagdating sa mga lalaki at tsaka since nunh elementary kami marami na ang nagkakagusto sakanya kaso ang ginagawa niya sinasapak ang mga ito. Kaya, hindi ko kayang magtapat sakanya dati at baka masuntok lang din ako tsaka nung araw na iyon, hindi niya ako napansin na kahit isang sulyap hindi niya nagawa kapag tinitignan ko siya nakatingin lang siya sa malayo. Pumasok din sa isip kona yung mga panahon yon, isa akong panget na laging binubully. Hindi lang ako pumapalag dahil tinuruan ako ng tita ko na huwag na huwag akong gaganti dahil masama ang gumanti.
Nagulat nalang ako, isang araw dahil ipagtanggol niya ako sa mga ng bu-bully sa akin kaya nung araw na 'yun wala ng nagtangkang lumapit o tumingin man lang sa akin at yung araw na yun binati niya ako ng 'congratulations, nakita ko ang drawing mo, napakaganda.' Ayun din kasi ang araw na naging champion ako sa drawing contest. Mali pala ako, kahit pala malayo ang tingin niya, nakikinig siya, nakikiramdam siya sa paligid.
Clarisse POV
" Ano ba naman. Mag ingat ka nga, pinagaalala mo ako lagi eh." Sabi ko habang inaalalayan ko si Moon papuntang canteen.
" Opo na madam. " Hindi na lang ako nag salita hanggang sa makarating kami sa canteen.
" Sandali, Bibilhan lang kita ng pagkain." paalam ko sa kanya pero tumango lang siya.
Ang akala ko tatanggi siya pero hindi pala, sayang iniipon ko pa naman itong pera ko pero hayaan mona para naman sakanya eh, mang buburaot na lang ulit ako kila Erza at Taru.
" Tatlong Carbonara nga."
" 45 lahat." Binigay ko yung 50 pesos galing sa wallet ko.
" Keep the change nalang." Sabi ko na parang cool ang dating. Kala mo talaga ang laki eh. Hakhakhak

BINABASA MO ANG
That Troublemaker Is My Butler [Completed]
Roman pour AdolescentsPresident X Troublemaker --------- " Akala mo sexy ka, Mukha ka ngang sardinas eh. " - JC " So? Pinag kukumpara mo 'ko sa walang ulo?" - Clarisse " Siya walang ulo, Eh ikaw? Walang utak!" - JC " Argh! Isa ka talagang KUTO NA BWISIT SA UL...