Clarisse POV
" Huhuhuhu. " kanina pa ako iyak ng iyak dito ang sakit kaya, kinagat na nga ako ng aso tapos hinagis pa ako ni Jojo. Ang resulta asong ulol na lumpo na ako.
" Aray, huhuhu. Ang sakit "
" Clarisse, pano ka gagaling kung 'di mo pinapagamot saakin" seryosong sabi ni moon.
" Dahan-dahan lang ah.."
Oo nga pala, nasa sasakyan na kami ngayon. Si Jojo yung na da-drive tapos si Jubya nasa harap at kami naman dalawa ni Moon nasa likod, si Carlo sumabay kila Erza kasama yung dambuhalang aso mabuti na yun dahil kung hindi gigilitan ko siya nang ulo kahit aso siya.
" Clarisse, may sasabihin sana ako sayo. " napatingin naman ako sa kanya, at mukhang seryoso siya ngayon.
" A...ano yun?"
•dub dub • dub dub •
Luh, luh, luh, yung puso ko nag wawala may kaaway ata sa loob, Silipin ko kaya?
" Pwede ba kitang—"
BEEEEEEEEEEEP
Napatakip ako sa tainga ko ng bumusina ng malakas si Jojo. " Hoy! ano bang problema mo?" Sigaw ko sakanya pero hindi niya ko hinarap.
" May pusa. " walang gana niyang sabi, Inirapan ko nalang siya.
" Ehem. " Napatingin naman ako kay Jubya na kunwari umuubo ubo pa -_-
" Ano ba pala yung sasabihin mo. "
" Tatanong ko sana kung pwede—" halos lumipad kami sa talsik ng biglang mag preno si Jojo na to.
" Okay ka lang?" Tumango nalang ako sa tanong ni Moon.
" Ano bang problema mo? Kanina ka pa ha! " Hindi niya ako sinagot nag drive nalang ulit siya.
" Bwisit. " Bulong ko, napatawa naman si Moon.
" Sa susunod ko nalang sasabihin yung—" Tinakpan ko yung bibig niya at tumingin kay Jojo. Tumingin din siya saakin na parang sinasabi na
'Tingin-tingin mo dyan?'
" Ano ulit yun?"
" Pwe—"
"Nagsimula sa patikim tikim
Pinilit kong gustuhinBishoy nagsimulang lumalem
Kaya ngayon ang hirap tanggalen
Kabilin bilinan ng lolaWag nang uminom ng serbesa
Itoy hindi inuming pambataMag softdringks ka nalang muna
Pero ngyon akoy matanda na
Lola pahingi ng pantoma"Bwisit nayan kailangan buksan yung radio na ganyan kalakas. Iniinis niya ba talaga ako!
" Bakit mo binuksan yung radio?!"
" Ako ba nag bukas? "
" Alangan naman si Jubya may ka text yan oh!" Napatingin saakin si jubya
" Ha? Bakit? "
" Wala, bwisit ka talaga, Ikaw nag bukas nung radio!"
" Hindi nga ako ang kulet, baka ikaw?"
" Hoy, baliw kana talaga noh? Nag uusap kami ni Moon dito tapos ako sisihin mo!"
" Hindi nga kasi ako yun kulit mo, napindot mo kasi yung nasa likod mo yung button dyan sa radio kasi yan. Tsk!" Napatingin ako sa kamay ko. Oo nga yung kamay ko nadun sa parang button. -_-
![](https://img.wattpad.com/cover/100843812-288-k932561.jpg)
BINABASA MO ANG
That Troublemaker Is My Butler [Completed]
Teen FictionPresident X Troublemaker --------- " Akala mo sexy ka, Mukha ka ngang sardinas eh. " - JC " So? Pinag kukumpara mo 'ko sa walang ulo?" - Clarisse " Siya walang ulo, Eh ikaw? Walang utak!" - JC " Argh! Isa ka talagang KUTO NA BWISIT SA UL...