4 - What the Heck

5.7K 142 10
                                    

J.C. POV

"Ano na naman bang ginawa mo!?" Inis na sabi ko kay Clarisse.

Panibagong araw pero panibagong kalokohan na naman ang ginagawa ng babaeng 'to.

"Wala akong ginagawa noh. Hindi ako 'yun."

"Sumunod ka sa'kin." sabi ko at hinila siya.

"Wait lang naman. Paniwalaan mo naman ako." Naiirita niyang sabi.

Hindi ko siya pinansin pero tuloy lang siya sa pagsasalita. Bahala ka d'yan, sumakit sana 'yang lalamunan mo kakasigaw. Malas mo nalang dahil mas malakas ako sa'yo kaya hindi ka makakawala sa hawak ko.

Napatigil ako nang kagatin niya kamay ko. "Araaay! Aso ka ba!?" inis na sabi ko sa kanya.

"Pusa ako. Miaw!" Dumila siya at nilagay niya 'yung dalawa niyang kamay sa gilid ng noo niya.

Isip-bata talaga, grabe ang sakit ng kagat niya. Bakat pa ngipin, kaasar. Nakakailan na sa'kin 'yun ha, kung ano-anong ginagawa niya sa'kin at talagang hindi siya nahihiya sa ginagawa niya.

Hahabulin ko na sana siya kaso may babaeng lumapit sa'kin. "Mr. President, pinapatawag po kayo ng Principal."

Clarisse POV

Tumakbo ako paalis, bahala siya d'yan maghanap sa akin. Bakit ba kasi napakapake-elamero niya? Akala mo kung sinong gwapings! Duuh. Pero gwapo naman siya, pero hindi ko siya type nooh duuh! Pakielamero eh. Sayang lang talaga.

"Ouch," napatigil ako dahil nauntog ako dito sa taong nabangga ko.

"Ano ba, tumingin ka na—" Napatigil ako sa pagsasalita nung makita ko siya.

"M-moon?"

"Clarisse," sabi niya at halatang gulat na gulat.

"Mooondiidsh! I miss you so much." Bumitaw din naman agad ako sa kanya at tinignan siya.

"Bakit hindi mo 'ko ininform na dito ka nag-aaral? Grabe, sobrang gwapo mo." Sabay hampas sa kanya at bigla naman siyang tumalsik papuntang kalawakan. Hahaha, joke lang.

"Hehe. Siya nga pala, bakit nakilala mo agad ako?" Haller, ako pa ba? Dati kasi si Moon nerd na maraming tigyawat at laging binubully, pero ang puso ko, hinding-hindi makakalimot dahil siya ang first crush ko noon. Ang laki ng pagkakaiba niya ngayon oh. Ang hot sheems.

"Ako pa ba? Tagal-tagal ko nang may... tagal na nating magkaibigan, hindi ba?"

"Buti at nagkita ulit tayo, Clarisse. Simula kasi nung mawala ka sa school natin dati, hindi ka na nawala sa isip ko." Nakangiti niyang sabi.

"Nagalala ako sa'yo na baka hindi ka na matanggap ng ibang school, pero nagpapasalamat ako dahil dito ka napunta." Dagdag niya.

Napatulala lang ako sa sinabi niya. S-siya, nag-alala sa akin? Teka, bakit parang kinikilig ako? Hindi, hindi bawal 'to.

KRING KRIIING

"Mauna na ako, Clarisse. May dadaanan pa kasi ako." Hindi na ako nakaimik sa sinabi niya, pero natauhan na lang ako nung makita ko si Kuya na galit na galit na nakatingin sa'kin.

"Clarisse!" Uh-oh.

Hindi na ako nagdalawang-isip na tumakbo papuntang Canteen. Lord, ikaw na ang bahala sa akin. AMEN

J.C. POV

Lumabas ako ng Principal's Office na may dala-dalang mga papel, pero hindi nagtagal, tumunog ang bell kaya nag-decide muna akong pumunta sa canteen. Habang naghahanap ako ng bakanteng upuan, napansin ko 'yung babaeng tumatakbo papalapit dito. Teka, si Clarisse ba 'yun? Siya nga, at bakit siya tumatakbo dito? Hindi niya ba alam na delikado? Paano kung madulas siya? Nagulat ako nang magtago siya sa likod ko.

That Troublemaker Is My Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon