20 - Cellphone

3.6K 103 8
                                    

Carlo POV

Nandito ako ngayon sa mall habang tinitignan ang mga stuff toys na nakalagay dito. Grabe ang dami naman na magaganda dito.

Napatalsik nalang ako sa sahig dahil dun sa babaeng bumangga saakin.

" Tumingin ka nama-" napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang mukha niya. " A-ashlen..." Anong ginagawa ng nerd na panget na 'to. Anong ginagawa niya dito sa mall?

" Alam ko hindi pinapasok ang mga pulubi dito ah.

" C..ca-carlo."

" Oh, ano bakit parang nakakita ka ng multo dyan ha?"

" H-hindi...kasi-" Naputol yung sasabihin niya ng may nagsalita na mga lalaki sa likod niya.

" Ayun siya!"

" Dali hulihin nyo!"

Nagtago siya sa likod agad siya sa likuran ko at sinabing." Tu...tulungan mo ako.."

" Sino ba sila?"

" Hindi ko alam."

" Teka nga..." Inalis ko siya sa likod ko pero pumupunta pa rin siya dun sa likod ko pero dahil mas malakas ako sa kanya nanalo ako. Napatingin sa kanya yung mga lalaki kaya lalo siyang na takot.

" Ayun siya!"

" Hulihin nyo na, dali! "

Nakita kong napakapit siya sa braso ko at napapikit hanggang sa palapit sila ng palapit pero nagulat ako ng nilagpasan nila itong nerd na 'to.

" Wala na sila." napadilat naman siya nung nagsalita ako.

" Tignan mo 'yun. " Napatingin naman siya sa mga lalaki kaninang hinahabol siya dahil nakawala lang yung aso niyang dala. Mahal pa naman yun Pomeranian ba naman eh.

" Ano ba akala mo, ikaw ang hinahabol?"

" O-oo...kasi.."

" Alam mo..." Inalayo ko siya konti saakin.

" Kung magpapanggap ka yung hindi ko dapat halata, napaghahalataan ka kasi..." Pang-asar ko sa kanya.

" Ha? Wa-wala naman...akong gusto sayo noh."

" Wala naman akong sinabi." Nilapit ko yung mukha ko sa kanya at namula naman agad siya.

Tinulak niya ko nung ginawa ko yun at sinabing" L-lumayo ka nga!"

" HAHAHAHA!" Tinawanan ko siya ng malakas dahil sa itsura niya.

Aalis na sana siya ng hinawakan ko yung kamay niya. " Dahil binangga mo ako kanina may kapalit yun sumama ka sa akin." wala na siyang nagawa kundi sumunod nalang kinuha ang stuff toy na hello kitty.

Habang papunta ako sa counter napatingin ako kay Ashlen dahil tinitignan niya ang phone sa may gilid at nilabas niya yung cellphone niya na pinipindot lang.

" Hoy, nerd bayaran mo nga ito doon sa counter." Nagulat naman siya pero kinuha niya din ang pera na inabot ko.

Nang napansin kong nawala na siya kinuha ko yung phone na tinitignan niya kanina at inantay ko munang makalabas siya bago pimunta sa counter.

Ashlen POV

" Tara na." Napatingin lang ako sakanya.

" Tara na sabi." Natauhan naman ako kaya sumunod na lang ako kanya.

Habang naglalakad kami napadaan kami sa Mcdo. " Gusto mong kumain?"

" Huwag na." Pero hindi siya nakinig sa akin at hinala ako papasok sa loob.

" Ano bang gusto mong kainin?" tanong niya sa akin.

" Chicken fillet nalang, yung may drinks"

" Nasaan pera mo?"

" Biro lang, humanap kana ng mauupuan natin ako na magbabayad sa kakainin mo."

Habang naghahanap ako ng mauupuan medyo nahihiya ako dahil napakaraming tao na nandito at pinagbubulungan nila ako na bakit may kasama akong gwapo na lalaki pero pangit naman ang kasama niya.

Umupo ako ng makakita ako ng bakanteng table at sakto naman dumating si Carlo. " Oh. " Lagay ni Carlo sa lamesa nung order naming dalawa.

" Bakit may problema ba?" Tanong niya sa akin.

" W..wala naman." Habang kumakain kami naiilang ako dahil nakatingin siya sakin habang kumakain. Burger lang yun order niya pero chicken fillet ang palaman nun.

" Ang cute mo pala." Nabilaukan ako sa sinabi niya kaya ininom ko yung tubig.

Tuloy parin siya sa pang aasar sakin habang kumain ako naman tahimik lamg dahil nahihiya ako sakanya at nahihiya rin ako sa mga taong nandito, hindi nagtaggal natapos na din kaming kumain.

" Tara na, sumabay kana saakin, mag gagabo na" tumango naman ako sakanya.

" Bakit hindi ka nagsasalita? "

" Nakakahiya kasi."

" Ano naman ang nakakahiya?"

" Kanina pa kasi tayo pinagbubulungan. "

" Eh, ano naman. ".

" Mahiyain a..ako." Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa parking lot.

" Sakay na." Sumakay naman agad ako sa kotse niya pagkasabi niya nun.

" Tanggapin mo ito." Abot niya saakin ng isang supot.

" A-ano naman ito?"

" Edi, buksan mo para makita mo." Pagkasabi niya nun binuksan ko ang supot. " C-cellphone?" Natutuwa ko itong kinuha at pagbukas ko nandoon ang picture niya na naka peace sign, at itong picture na to kanina lang ito doon sa store.

" Gwapo diba?"

" Utang ba ito?"

" Regalo ko... ka-kabirthday mo lang noong nakaraan diba?

" Paano mo nalaman?"

Itutuloy....

That Troublemaker Is My Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon