68

2.5K 69 2
                                    


Clarisse POV

Hindi naman ako nabingi diba may tutuli naman kami sa bahay at ginagamit ko din yun.

" Wala akong Ate mga buang, ginawa mo pangbakla yung kuya ko. STUPID!"

" Clarisse, I'm not dumb. You know what? You're really poor. Alam na alam ko ang mga nangyayari sa buhay mo pero ikaw na may hawak ng buhay mo ay wala ka pa rin ka alam-alam."

" Chismosa ka kasi! "

" Anong sabi mong babae ka!" Sasampalin niya dapat ako ng pinigilan siya nang kasama niya.

" Huwag na natin sayangin ang oras ng dahil sakanya, malapit na rin naman tayo makapag higanti sa lahat nang ginawa niya." - Wendy

" Yeah right, konting oras nalang mawawala kana sa mundo." - Allira

" Bumalik kayo dito, mga duuwaaag!! Patayin niyo na ako kung kaya niyo, dami niyo pang paligoy-ligoy." Pinasok nila ako kasama si Aira sa loob.

" Hooooy! Lumabas nga kayo. DUWAG! DUWAG! DUWAG! PANGET! "

" LABANAN NIYO KO NG PATAS HINDI YUNG KAYO NA AGAD LAMANG KAYO ANG MGA POOR!"

" Manahimik ka nga megaphone!" Sabi nung Mark.

" Kayo, bakit dito niyo ako nilagay kasama ang babae na ito. Ayokong kasama yan isa pang panget na salot sa buhay kong epal!"

" Manahimik ka nga, ate mo yang kausap mo!" -Justine

" Yack! No way gusto mo sayo nalang? Ayoko siya maging ATE! kadiri ah! Sa lahat ng magiging ate bakit yan Pa ha, eh, karibal ko 'yan."

" Hoy kayong dalawang lalaki! Sabihin niyo nga kung sino pa kapatid ko dito! Baka malaman kong buong baranggay na ang kapatid kondito ha. Aba kung ganon nga mangyayari, patayin niyo na agad ako!!"

Hindi nila ako pinansin at lumabas na agad.

Bastos na lalaking 'to!

" Aaaahh! Blah, blah, blah! ho, ho, ho, we, we, we, wiie, woo, wiie, wooo! " Sigaw ko para lalo silang mainis saakin.

" N...napaka...ingay mo naman." Sabi ni Aira na ng hihina.

" Manahimik ka nga palibhasa sugatan ka at hindi ka makasigaw dyan eh. Aaahh! Woooh. Wowoooooowin! "

" Galangin mo nga ako...A-ate mo parin ako." Napatigil ako sa sinabi niya at tinignan siya.

" Hoy! Hindi kita ate noh at lalong hindi kita gagalangin dahil hindi ka kagalang-galang at isa pa hindi kita tutulungan makatakas dito noh! Mabulok ka dito, ayun ang magiging bayad mo sa mga ginawa mo saakin. Tse!"

" Talaga ba, magagawa mo yan sa Ate mo?" Nakangisi niyang sabi.

" Manahimik ka nga! " Sigaw ko sakanya.

" Ok,"

" Isa pang salita mo dyan makakatikim ka saakin! "

" Psst!" Napatingin ako sakanya nung mau narinig akong sumitsit.

" Huwag ka ngang sumitsit dyan!" Tinignan niya naman ako na nagtataka.

Pero habang naka tingin ako sakanya may sumitsit nanaman kaya parehas kaming nagulat.

" Naririnig mo naman yun diba?" Sabi ko at napatango siya.

" Ipis? Is that you Antonio?" medyo kinakabahan kong sabi.

" Ako 'to, si Ethan, ate Clarisse!" Napatingin ako bintana, nakasilip siya at tinaggal yung bakal na nandoon.

" Hoy, anong ginagawa mo dito?"

That Troublemaker Is My Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon