47 - Uspang Magkaibigan

2.5K 72 0
                                    


J.C POV

Kahit anong gawin ko hindi ako makatulog halos nakatingin lang ako sa kisame. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko siguro kailangan ko munang iwasan si Clarisse, panandalian lang tong nararamdaman ko sakanya. Hindi ko naman talaga ata siya gusto.

" Bwisit naman." Sabi ko at hinagis ko ang flower vase.

" Hindi na muna siguro ako papasok bukas." Bulong ko sa sarili ko.

Bakit pa kasi si Clarisse pa.

FLASHBACK

" Tungkol saan ba paguusapan natin?"

" Huwag ka sanang magagalit saakin, yung kinukwento ko sayo naalala mo yung babaeng gusto ko?"

" Oo, bakit?"

" Nahanap kona siya" nakangiti niyang sabi sa akin. " At si Clarisse yun."

" Hindi naman ako galit sayo, sinabi din sa akin ni Clarisse na hindi naman totoong kayong. Nagpapanggap lang kayo dahil kay Aira. Tama ba?"

" Oo, tama ka." hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon.

" Utol..."

" Pasensya na kung gagawin ko to, Gusto ko sana siyang ligawan."

" A-ano?"

" Liligawan ko siya, okay lang ba?"

" Ha? "

" Okay lang ba, utol?" hindi ko alam kung anong nangyayari saakin. Parang nabibingi ako sa sinasabi niya.

" Oo naman...bakit mo naman saakin sinasabi yan?" 

" Wala lang, ang akala ko kasi gusto mo siya."

" H...hindi ko siya gusto"

" Salamat, utol. "

" Buti naman at wala kang gusto sakanya, alam ko kasing wala akong laban sayo kung pipili si Clarisse, sigurado ako ikaw ang pipiliin niya."

END FLASHBACK

Clarisse POV

" Gising na kaya siya?" Tanong ko sasarili ko.

Napatingin ako kay mama sa labas na nagsasampay.

" Ma, nakita mong lumabas si Jojo?"

" Sinong jojo? "

" Ah...Wala! Jc pala." Napakamot ako sa ulo ko, hindi niya pala alam ni mama na Jojo tawag ko dun huehue!

" Hindi, bakit?"

" Wala lang. " Lumabas ako ng bahay at pumunta sa sa harap ng pinto niya.

* Tok tok *

Nagintay ako ng ilang segundo kaso walang nag bubukas.

* Bzzt Bzzt *

From : Jojo

Hindi ako papasok, huwag kanang kumatok walang tao jan.

Pano niya nalaman na kumakatok ako? Napatingin ako sa bintana niya na nakabukas siguro nakalimutan niya lang isara.

Hindi siya papasok? Hindi na rin ako papasok.

" Clarisse? Ang aga mo ha
Papasok ka ba?" Tanong ni Kuya saakin habang nag huhugas nang kamay sa labas.

" Hindi."

" Ah, Gan—teka, anong hindi! Pumasok ka! "

" Ihh~ Ayoko!" Kinuha niya yung hanger sa sampayan para takutin ako.

Dali-dali akong pumasok sa banyo at humarap sa salamin. Kainis si kuya ang epal. Binuksan ko nalang yung shower at naligo.

" Nak? Tapos kana ba?" Tanong ni mama saakin

" Malapit na po, sandali nalang 'to," sabi ko habang sinasabon yung katawan ko.

Pagkatapos ko lumabas agad ako ng banyo, sira din kasi yung gripo dun sa banyo ko kaya dito nalang ako naligo sa baba.

" Aray!" Natapilok ako ng may matapakan akong kung ano.

" Papa? Pati ba naman sa tapat ng banyo natutulog ka! " Sigaw ko sakanya pero mukhang ang himbing ng tulog eh.

" Nak, ang aga mo maligo ah, saan lakad mo?" Sabi ni mama habang nag wawalis.

" Ma? Hindi naman sabado ngayon diba?"

" Hindi nga. "

" Hindi rin linggo?"

" Oo, bakit mo natanong? "

" Ayun naman pala eh, malamang papasok ako."

" Papasok? Hindi ba sinabi ng kuya mona hindi ka muna papasok ngayon?" Nag tatakang sabi ni mama saakin habang pumamewang.

" Sabi ko nga hindi ako papasok tapos pinagalitan ako nag labas pa ng hanger, bwisit talaga yun!" Umakyat akong padabog sa kwarto, baliw talaga si kuya teka ano naman kayang meron at hindi ako pinapasok ni mama?

Nag T-shirt nalang ako yung spongebob at nag short na hanggang taas ng tuhod, nag lagay ako ng clip sa gilid ng buhok ko.

Pagkababa ko nakita ko si kuya na naka poker face habang nililipat yung Tv wala atang makitang magandang palabas.

Mukhang hindi niya ako na pansin kaya tumalon ako sakanya.

" A-aray! Ano ba." Mas lalo pa kong nag papabigat para hindi siya makatayo.

" Nakakainis ka, sabi ni mama hindi ako papasok tapos pinapapasok mo 'ko kahit alam mo, ayan ang dapat sayo! "

" A-ang baho mo kasi kaya pinaligo na kita. A-aray!" Pinag hahapas ko siya.

" Mabaho mo mukha mo! " sigaw ko.

" Ano tara suntukan tayo! " Yaya ko sakanya kaya lang napatigil ako ng may lalaking nasa harap namin, bigla akong tinulak ni kuya kaya hulog ako sa sofa.

" Hindi parin kayo nag babago." Napahawak ako sa ulo na tumama sa lamesita. Sakit nun ah.

Tumingin ako dun sa lalaki na parang familiar yung mukba niya saakin. Tumayo ako at tinignan ko siya ng malapitan, mukhang namumukaan ko siya. Hindi ko nalang maalala kung saan.

" Hoy! Anong ginagawa mo?" Naka poker face na sabi ni kuya saakin.

" Parang na mumukhaan kita." Sabi ko sakanya, ngumiti naman siya saakin.

" Tama ka ako nga, nag kita ulit tayo Soulmate." Bigla niya kong niyakap.

Itutuloy....

             

That Troublemaker Is My Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon