9 - Girlfriend "DAW"

4.5K 124 6
                                    

Clarisse POV

" Anak!" Sigaw ni mama sa labas ng bahay. Ano bayan ang ingay na naman ni mama nanonood ako ng spongebob eh.

" Bakit po ma?"

" Mag grocery ka muna nak. Madami akong ginagawa eh, mamaya kana manood pagkauwi mo."

" Pero mama maganda na yung sunod na—" Napatigil ako dahil nanlisik ang mga mata ni Mama. " Ito na nga po bibili na." Napakamot nalang ako ng ulo at kinuha ko yung pera at bag.

Kainis naman ih, dahil sa inis ko naalala ko yung ginawa sa akin kahapon nung Jojo nayun. Grr! Sarap niya tirisin pasalamat siya at mabilis siya tumakbo kung hindi nag aagaw buhay na 'yun sa hospital.

Halos magkanda pilay pilay yung paa ko ngayon dahil naglalakad lang ako papuntang mall. Ayoko sumakay sayang pera double pa sinisingil sakin. Duh!

Pagpasok ko sa mall bumili muna ako ng pasalubong kay Bea, siya nga pala yung batang lagi kong dinadalaw, nakatira siya sa bahay ampunan. Napakabait niyang bata ang totoo 7 years old palang siya. Mag kasundo kasi kami sa mga bagay eh. Mag papaturo pa siya sakin mamaya ng mga da moves ko Wahaha! May isa na akong fans. Yes!

" Magkano dito miss?"

" Pag magkasama 450 pesos mam pero pag isa 225 lang po. "

" Yung isa nalang. Itong lalaki"

" Sige po, mam."

Pagkatapos ko bilin yung panda na bear diretso agad ako sa grocery. Woah! Lawak ah. Kumuha na ako ng lalagyan na istroller. Ano ba 'to ayaw pa matanggal may glue ata to eh. Nainis ako kaya sinipa ko 'yun at bigla naman siyang humiwalay kaya kinuha ko nalang, kailangan pala sinisipa eh. Aba, ibang klaseng market to ah.

Ang daming tao kaya pa gewang-gewang ako dito naba-bangga ko yung mga paninda dito, di ko talaga mabalance eh. Ang hirap. Jusme sira ata gulong nito.

Tinignan ko yung listahan na iniligay dito ni mama.

•Gatas
•Snacks
•Basta de lata
•Tide
•Downy
•Noodles
•PancitCanton
•Perfume

P.S Kung kaya mo pa 5 kilong bigas pa.

Nahihilo ako kakaikot dito tatlo palang nabibili ko kanina pa 'ko umiikot. Hay nako!

" Clarisse. " Napatingin ako sa nag salita. Teka kilala ko ba 'to? Sasagot na sana ako ng mag salita yung katabi ko.

" Uy, na miss kita. " Lapit ng babae dun sa lalaki.

Okay, pahiya ako dun ah.

Hanggang sa mabili ko na lahat ng nakalista. Grabe naka ahon narin sa hirap. Woah!

Habang palabas ako napatingin ako sa gilid ko ng makita ko si Jojo mukhang may kasama siyang babae at mukhang nag aaway pa. Maagaw eksena nga 'tong dalawa.

" Hoy! Akala mo ba hindi ko nakalimutan ko 'yung ginawa mo sa akin kahapon ah. "

" Sino siya?" Tanong nung babae tinaasan pa 'ko ng kilay kaya tinaasan ko rin siya ng kilay.

Inakbayan naman ako nitong Jojo binay na 'to at sinabing "Siya na yung bago kong girlfriend. So, please umalis kana. Nagsasayang ka lang ng oras." Teka hanudaw? Girlfriend?

" Teka ano yung si—" Naputol yung sasabihin ko ng takpan niya yung bibig ko.

Kumakawala ako sa hawak niya sa bibig ko kaya lang malakas yung pag kakatakip niya dito. Nang medyo makalayo na kami naiinis na 'ko kaya kinagat ko kamay niya.

" Aray!"

" Ano bang problema mo ha! " sigaw ko sa kanya.

" Sorry, ayaw kasi ako tigilan ng Ex-girlfriend ko. Eh sakto umarangkada na naman yang bibig mo buti nga may pagka madaldal ka, ayun may tulong ka din sa buhay ko "

" Kahit na! Sinabi mo pang GIRLFRIEND MO 'KO, Yuck!"

" Akala mo naman gusto ko? Nagkataon lang 'yon."

" Ewan ko sayo. Hindi kita Boyfriend! " Umalis na 'ko sa harap niya.

Ang panget niya. Bahala siya Napahinto ako ng may humawak sa braso ko " Teka. Pasabay ako nandyan pa siya eh."

" Kung sasabay hawakan mo 'to!" Hinagis ko sa kanya yung mga pinamili ko.

" Tsk. " Dahil siya yung nag bitbit ng dala ko susulitin ko na hahaha! Pumunta kami sa puro mga damit, titingin ako ng mga damit na pwede kong suotin.

Ang ganda nung violet na dress kaya lang mukhang mas maganda yung blue. Ano kaya dito? " Ano mas maganda?" Tanong ko dito kay Jojo. Mukhang wala siya sa sarili niya.

Hinampas ko siya ng damit at napatingim naman siya. " Anonh maganda dito sabi ko!"

" Bakit ka ba naninigaw? Mas maganda ka."

" Bakit ka namumula?"

" M-mainit kasi!" Punyeta kelan pa 'ko nautal?

" Tara na nga, hindi na ako bibili. Nakakainis ka" Nauna ako maglakad sa kanya at siya naman hirap na hirap sa pagbubuhat.

Nang makalabas kami gabi na pala parang kanina lang ang tirik-tirik ng araw ah.

" Hatid na kita sa inyo. "

" Ayoko nga! " sabi ko at kinuha yung  mga pinamili ko.

" Edi wag. Bahala ka dyan madami panaman ditong mga siraulo."

" Sino tinakot mo!?"

" Hindi ako nananakot sinabi ko lang yung totoo."

" Ah, Oo nga pala nasa tabi ko na yung sira ulo!" Pang asar ko sa kanya. Naka poker face lang siya.

" Aalis na ako." Sasakay na siya ng motor ng hawakan ko laylayan ng damit niya " Ito na nga sasabay na nga eh."

" Magpapahatid din naman pala dami pang sinasabi" Nilagay niya yung pinamili ko sa likod ng motor may maliit na lalagyan dun na sinususian.

Binigay niya sakin yung sumbrero. Ano naman gagawin ko dito " Suot mo wala pa akong extra helmet eh,"

" Taghirap kaba ngayon ha—" Naputol yung sasabihin ko ng bigla nyang pinaharurot yung sasakyan. Takte ang bilis akala mo na pangangarera to eh, Pagkahinto niya nauntog ako sa likod niya.

" Ano bayan, kumapit ka kasi sa'kin."

" Ang bilis-bilis ko kaya mag pa-andar akala mo may ka—" Bigla na naman niya pinaharurot kaya napakapit nalang ako bewang niya. Nakakaadik yung pabango niya ang sarap amoy amuyin >.<

J.C POV

Naramdaman kong nakahiga yung ulo ni Clarisse sa likod ko may nararamdaman din ako na parang basa at tsaka yung kapit niya hindi na mahigpit. Dahan-dahan akong bumaba noong makarating kami sa bahay ampunanm

" Tsk, nakatulog ka talaga? " sabi ko kahit tulog siya, inayos ko yung pwesto niya para hindi siya mahulog kaso nagising siya.

" Sandali lang, may puluntahan lang ako. Hintayin mo 'ko dito ah." Tumango lang siya at halatang antok. Kinuha ko yung panda na teadybear sa likod ng motor ko, ang sabi kasi sakin nabili na daw kasi yung isa.

" Hello po, nasaan po si Bea?"

" Nasa likod ng bahay. Mukhang inaantay ka. "

" Ah, sige po. Salamat" Pumunta ako sa likod ng bahay at nakita ko si Bea nakaupo sa mahabang upuan habang sinisiso ang mga paa niya.

Tumabi ako sa kanya napatingin naman siya saakin. " KUYA!!" Sabi niya at kap niya ako

" Akala ko hindi ka makakapunta eh." Kumalas siya sa pag kayakap at tinignan ako.

" Ito na yung bear na gusto mo." inabot ko sa kanya niyakap niya naman agad yun. " Salamat kuya!"masayang sabi niya pero bigla siya sumimangot.

" Oh, bakit?"

" Kasi may inaantay din ako kuya. Ang galing niya nga eh, parang katulad mo siya kuya, yung mga galaw niya kakaiba. Magpapaturo sana ako sa kanya kaya lang hindi siya pumunta"

" Ganun ba? Gusto mo ako nalang mag turo sayo?"

" Sige po, pero next time na lang kuya gabi na kasi eh. Medyo inaantok na din ako." Nakita ko nanaman yung ngiti niya simula ng wala pa siya sa bahay. Sino kaya yung tinutukoy niya? Mukhang napapasaya niya yung kapatid ko ah.

Itutuloy....

That Troublemaker Is My Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon