36 - Magic kiss

3K 86 0
                                    


Clarisse POV

" Eto na, sandali lang. " Pagkalabas niya sumunod ako sakanya at ni-lock ko yung gate.

" Tara na," medyo nahirapan ako sumakay dahil medyo masakit pa yung puson ko.

" Helmet? "

" Sumbrelo lang. " Lagi naman eh, psh -,-

***

" Hoy, baba na. " Sabi ni jojo, hindi ko kasi na malayan na nandito na pala kami. Lagi nalang akong lutang.

" Eto na po! " Pagkababa ko bumaba narin siya, mag lalakad na sana ako kaso natapilok ako buti nalang nasa likod si Jojo nahawakan niya agad ako.

" Mag ingat ka nga, tanga ka pa naman. "

" Salamat ha!" Inis kong sabi sakanya.

" Welcome." Inirapan ko siya.

Habang naglalakad kami sa loob ng mall daming nag bubulungan. Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda?

" Nakakaingit naman sila"

" Gwapo nung guy oh! "

" Kuhaan mo ng picture dali!"

" Bagay sila pero mas bagay kami"

Napatingin ako sa babaeng nag salita at nilakihan ko siya ng mata kaya umalis agad, kung anu-ano kasing mga pinagsasabi akala siguro bingi ako.

Narinig kong tumawa naman itong isa pero mahina lang. Kumuha naman agad siya nung lalagyan na stroller. 

" Tingin mo ano masarap?" Tanong niya.

" Ako " Bulong ko.

" Anong sabi mo?"

" H-ha? wala."

" Hindi mo pa sinasagot tanong ko."

" Ano ba yun?"

" Tingin mo anong masarap na noodles dito?" ulit niya ng tanong.

" Hmm..siguro tikman nalang natin lahat. " kumuha ako ng iba't-ibang klaseng noodles, bawat isang klase dalawa kinukuha ko.

" Gusto mo ba akong mamulubi sa ginagawa mo?"

" Okay lang mamulubi, kaysa naman ako mawala diba? Paano kung magutom ako, wala na yung mga magaganda kong curve! Tapos yung tiyan ko sasakit sobra tapos ano nalang mangyayri saakin? Magiging kalansay nalang ako, tapos..tapos.." Ano pabang pwedeng idagdag.

Isip, Isip, Isip.

" Tapos kana?" Tanong niya habang naka poker face.

" Meron pa! Paano ka iiwasan ni Aira kung wala na ako? Kaya bilan mo lahat to."

" Dami mong sinabi,  kumuha kana dyan. " yey!

" Sir, ano pong hinahanap niyo baka matulungan ko po kayo~" napatingin ako dun sa babaeng kumakausap sakanya.

" Ahh, saan ba dito yung napkin?"

" Para kanino ba sir?"

" Dito " Turo niya saakin.

" Tanong-tanong ka pa, may lalaki bang nag nanapkin ha? utak nga! Doonate ko sayo brain ni sir Wapan."

" Clarisse." Saway niya saakin, tinignan ako ng masama nung babae. Tusukin ko yan ng karayom eh, papansin kay Jojo. Tse!

" This way po sir, sa-samahan ko na po kayo" tinuro na nga sasama pa. Ayasos!

Bago ako sumunod ginaya ko yung action niya kanina.

That Troublemaker Is My Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon