63 - Confession

2.4K 71 3
                                    

Clarisse POV

" Ahhh! Ang sakit ng puson ko. "  para akong kuba na naglalakad dito sa kalsada, mabuti nalang hindi pa masyadong maliwanag.

" Hoy! Sandali." Napatigil ako at na patingin doon sa lolong papalapit dito na may hawak na itak.

Teka? Itak? What the fudge!

Papatayin nya ba ako?

" Ineeeng!!" Nang makalapit na siya tumakbo ako, tiniis ko nalang yung sakit buti nalang lolo na siya at medyo mabagal takbo niya. Huehue!

" Ineeeeng bumalik ka dito!" Nang makalayo na ako na paupo ako at napasandal sa pader.

Bwisit na tanda na yun, pinahirapan ako lalo. Teka nagflash ulit yung mukha niya saakin. Siya yung dahilan kung bakit ako nagkaroon ng sungat sa pisngi ko. Tama! Siya nga.

Flash Back

Wow! Ang ganda naman ng bulaklak na'to kulay purple pa.

*Q*

Nang hawakan ko yung paso biglang nabasag iyon

" Bakit mo sinira, lagot ka saakin!" Napatingin ako doon sa lalaking matanda.

" Hindi ko sinira noh. Bulok ata yung paso niyo! Hahaha!"

" Pasaway na bata!"

" Waaah!!" Pinag papalo ako ng walis ni lolo. Huhuhu mashaaket!

Nangmapagod na siya tinulak ko na siya para makatakas ako. Ang lakas nung lolo nayun ah! Kainis.

" Hulihin nyo mag nanakaw yun!"
Aba! Ako mag nanakaw? siraulo yun ah. Nabasag lang yung paso mag nanakaw na!

Habang naglalakad ako papuntang school nakatingin ako sa sasalamin na dala ko yung maliit, may  pasa kasi ako sa pisngi. Bwisit yung tindero na matanda pinagkamalan ako na mag nanakaw -_- eh napadaan lang naman ako dun e.

Dire-diretso lang ako papasok ng school. " Bakit late ka?" Hindi ko pinansin yung nag salita baka hindi ako yung kausap eh

Biglang may humila ng laylayan ng damit ko kaya napatingin ako kung sino yun. Oh si Jojo binay lang pala ano ba kasing problema nito pag late ako.

" Bakit late ka nanaman "

" Bakit? miss mo na ako " Pang asar ko sa kanya, pero naka poker face lang siya.

END FLASH BACK

Ayun nga pala ang dahilan kung bakit late ako dati. Tsk! Tatayo na sana ako ng makita ko si Jojo, nakumakain ng lollipop.

Tinuro ko yung lollipop nag taka naman yung mukha niya.

" What?"

" Yung lollipop, bakit ka kumakain niyan?"

" Bakit ikaw lang bang pwede kumain nito?" Sungit naman neto.

Tatayo na dapat ako ng ma out off balance ako dahil masakit pa puson ko kaya ang resulta nauntog ako sa pader.

" Tsk! Sakay."

" Saan? wala ka namang motor ah. " nainis naman siya sasinabi ko.

" Sumakay ka sa likod ko! "

Hanudaw? Ako sasakay sa likod niya?
"Dali." Dahil gusto kong sumakay sa likod niya este no choice. Tumalon ako sa likod niya at muntik na kaming matumba pero na balance niya.

That Troublemaker Is My Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon