25 - Back to normal

3.5K 98 4
                                    


Clarisse POV

Pagkabukas ko ng pinto galing sa school nakita si mama at papa na umiiyak habang may hawak na panyo, si kuya naman vini-videohan silang dalawa.

" Wala na ang ating anak swetie." Iyak ni mama kay papa, mukhang hindi pa nila ako napapansin na nakauwi na ako.

" Anong gagawin natin switiepie ko. " ano naman bang kalokahan ang pinag sasabi nila (-_-)

" Mama, Papa " Tawag ko sa kanila at agad napatingin dito na akala mo nakakita ng multo.

" Na miss ko kayo!" Sabi ko at tumalon ako papunta sa kanila at dahil dun tumaob ang sofa kaya pare-parehas namin nadaganan ang isa't-isa.

" Ang bigat niyo." Sabi ni papa, pano ba naman siya yung nasa pinakailalim.

Tinayo ako ni kuya at akmang yayakapin kona sana siya kaso hinawalan niya yung noo ko at tinulak palayo. " Oh,oh."

" Hmp!" pagkasabi ko nun lahat kami nagtawanan. Iba talaga pag may pamilya kang abnormal (^.^)

***

Pagkalabas na pagkalabas ko ng pintuan namin, nakita ko ang kapit bahay namin na inaaway si mama kaya agad akong lumapit doon.

" Hoooy, ano nanaman bang ginagawa mo sa nanay ko ha?" Sabi ko sa kapit bahay namin habang nakataas kilay.

" Pagsabihan mo 'yang nanay mo ha, Tignan mo ito oh, nakikita mo ba 'yang dumi na yan ha?" Turo niya dun sa mga sinampay niya na bagong laba pero ang babantot naman.

" Oh, ano? gusto mo bang dagdagan ko pa yan? Eh halata naman hindi mo kinuskos 'yan noh! Ang babantot pa kaya ng sampayin mo. "

" Alam mo mag-ina talaga kayo!" Sigaw niya at tuluyang pumasok sa loob ng bahay niya.

" Talaga, anak niya ko eh!" Sigaw ko sa tapat ng bahay niya.

" Anak, hayaan mona siya."

J.C POV

Teka nasaan ako? Bakit parang nasa ibang mundo ata ako, napakadilim dito wala akong makita pero biglang nagliwanag ng maynakita akong babaeng umiiyak sa tabi ng puno.

Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakaharang ang mga buhok niya. Lumapit ako ng dahan-dahan at habang patuloy ko iyong ginagawa naririnig ko yung iyak niya. Humarap naman saakin kaya napahinto ako.

" T...tulungan mo ako."

" Sino ka? " Tanong ko sa kanya.

Pagkasabi ko nun bigla siyang ngumisi kaya napaatras ako. Habang umaatras ako palapit siya ng palapit hanggang sa hindi ko namalayan na mahuhulog na pala ako dahil nasa dulo na pala ako ng bangin.

" Hoooy, ano nanaman bang ginagawa mo sa nanay ko ha?" sigaw niya saakin, nagulat nalang ako ng lumabas yung mukha ni Clarisse sa mukha nung babae.

" Hoooy, ano nanaman bang ginagawa mo sa nanay ko ha?" sigaw niya saakin, nagulat nalang ako ng lumabas yung mukha ni Clarisse sa mukha nung babae

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
That Troublemaker Is My Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon