7 - Questions

4.6K 138 2
                                    

Clarisse POV

Pagkabukas ko ng pintuan sa bahay, nagulat ako dahil nandun si Kuya at halatang inaantay ako. Nung makita niya ako, nanlilisik ang mga mata niya.

"Ano na naman bang problema mo!" sigaw ko sa kanya.

"Halika, dali may gagawin tayo," sabi niya habang hinihila ako at dinala sa sofa. Pwede bang magpalit muna ng damit? Basta makahila lang tong kuya ko, ehm.

"Ano nanaman bang walang kwenta ang gagawin natin?"

"Huwag ka ngang maarte. Ganito ang gagawin natin, tatanungin kita tapos sasagutin mo ako ng matino!"

"Anong pangalan mo?" Ano bang klaseng tanong 'to! Walang kwenta talaga.

"Ano? Seryoso? Pangalan ko hindi mo alam. Kuya ba---" Napatigil ako nung tinignan niya akong masama.

"Clarisse Diaz, the most beautiful in the world."

"Tsk. Age?" Punyemas. Pati ba naman 'yun.

"Ano? Pati age ko hindi mo alam? Anong---- 17 po!" Punyemas, nakakatakot tingin ni Kuya. Parang nasa taas ka ng tore na kailangan mong talunin pero dapat buhay ka pa.

"Ok, hobbies." Hmmm, ano nga ba?

"Pagbored ba o pag walang magawa?"

"Dalian mo naman, dami pang ka-ek-ekan." Wow! Nagtanong na nga ako ng maayos, baka siko-sikohin ko ulo nito.

"Oo na, mag-ano, alam mo na, hahahaha!" Tinignan niya nanaman ako ng masama. Hunyeta talaga!

"Mangbugbog 'yan na masaya ka na?"

"Ano bang klaseng hobbies 'yan, walang kwenta?" Aba! Walang kwenta pala ah. Eh ikaw nga 'tong walang kwenta na mga tanong diyan eh.

"Ano pangarap mo?" Wala naman ata eh.

"Uhmm? Pumatay?" Nag-aalangan ako sa pagkakasabi.

"Umayos ka, Risa, baka ikaw patayin ko."

"Wala akong pangarap eh. Hindi ko pa alam, okay?"

"Jusko, kayong bata kayo. Ang ingay-ingay niyo, hindi ako makatulog sa inyo," sabi ni Papa habang tumayo sa kinahihigaan niya sa sahig. Haynako, hilig sa sahig matulog, kala mo walang kwarto eh.

"Haynako. Sweetie, hindi ka na nasanay diyan sa magkapatid na 'yan. Oh siya, siya, kumain na muna tayo, mamaya na 'yan," sabi ni Mama habang nilalagay yung kutsara at tinidor sa lamesa.

"Palit lang muna ako," paalam ko sa kanila.

"Mamaya na, tapusin muna natin 'to, project ko 'to eh."

"Pwede naman dayain 'yan!"

"Sira ulo ka ba? Nakikita mo ba 'yun?" Takte, naka-video pala kanina pa, letse! Jusmiyo.

"Ihh~ Mama, oh si Kuya!" Binatukan niya ako. "Dalian mo na kasi para matapos, hindi 'yung nag-iinarte ka diyan."

"Oo na, eto na."

"May crush ka?" Oo, meron pero secret.

"Wala!" Denay, denay muna ako, mwehehe. Baka ipagkalat nitong kuya kong magaling.

"Wala kang crush? Tao ka ba?" Aba! Bastos 'to ah. Sabihan ba naman ako nun.

"Tao. Malamang!"

"Sino crush mo?"

"WALA NGA!" Kulit neto, isa pa.

"Anong pangalan?" Kinuha ko yung notebook niya at tinignan yung mga tanong. Aba, iba naman nakalagay doon. Kaya pala hindi sinusulat ang WAHLAH!

That Troublemaker Is My Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon