Chapter 2.

4.3K 81 0
                                    

Date Published: March 29, 2017
Date Re-Published: October 14, 2021

KIANA

"Aray!" daing ko nang napa-upo ako sa sahig dahil sa pagkakabangga. Napatingin ako do'n sa nakabangga ko at nakita kong masama siyang nakatingin sa 'kin. Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo at tumingin sa kaniya.

Mayro'n siyang itim na buhok, itim na mga mata, medyo pogi din siya, mayro'n siyang mapulang labi, at may kaputian ang balat niya.

Nakasuot din siya ng checkered na polo at kulay asul 'yon. May suot siyang itim na pants at naka-rubber shoes na hindi ko alam ang brand.

"Sorry. Hindi ko sinasadya," sabi ko sa kaniya at naglakad na siya palayo. Napatingin ako sa kaniya nang wala na siyang sinabi na kung ano. Ang sunget naman n'on.

'Hayy... Sa bagay, kasalanan ko naman kasi eh,' komento ko naman sa isip ko.

Tumingin na lang ulit ako do'n sa may classroom at may nakita na kong isang babaeng naka-upo doon. Pumasok na ako sa loob ng classroom at napatingin siya sa direksyon ko. Ngumiti ako sa kaniya at nag-iwas naman siya ng tingin sa 'kin.

Umupo ako sa tabi niya at tumingin siya sa 'kin. Nginitian ko ulit siya at inilahad ang kamay ko.

"Hello. Ako nga pala si Kiana. Gusto ko sanang makipagkaibigan sa 'yo kung ayos lang," sabi ko sa kaniya. Dahan-dahan naman niyang hinawakan 'yung kamay at ngumiti siya ng onti.

"Skylene Ivy Mijares. Nice to meet you," mahina niyang sabi sa 'kin. Napatingin ako sa paligid dahil wala pa 'yung ibang mga estudyante dito.

"Hindi ko talaga gustong makipag-kaibigan sa mga tao dito," sabi niya sa 'kin. Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.

"Bakit naman?" takang tanong ko naman. Hindi ba lahat ng mga mayayaman ay magka-kaibigan?

"Mayayaman nga sila, wala rin naman kwenta. Mukha silang walang pinagaralan dahil sa mga ugali nilang patapon," sagot niya sa 'kin.

"Gano'n naman talaga 'pag mayaman eh. Kala mo kung sino kung umasta dahil sa mga pera nila," sagot ko naman sa kaniya. Ngumiti siya sa 'kin.

"Scholar ka?" tanong niya sa 'kin. Tumango ako bilang sagot sa kaniya.

"Galing ako sa mayamang pamilya pero parang gusto ko na ring maging mahirap," sabi niya sa 'kin. Nagtaka naman ako dahil sa sinabi niya.

"Bakit naman? Nakukuha mo naman lahat dahil mayaman ang pamilya mo," sabi ko naman sa kaniya. Napatawa naman siya ng mahina.

"You can't buy everything using money, Kiana. You can't buy love and happiness using money," sagot niya sa 'kin at sinara na niya 'yung librong binabasa niya.

"To be honest, I envy you. Kasi kahit na kakakilala pa lang natin ay alam kong busog ka sa pagmamahal ng mga magulang mo," dugtong niya pa sa 'kin.

"Wag mo kong kainggitan. Ako nga naiinggit ako sa 'yo kasi mayaman kayo, maayos buhay niyo at hindi kayo palipat-lipat ng tinitrhan," sabi ko naman sa kaniya.

"Bakit palitapat-lipat kayo ng tirahan?" tanong niya sa 'kin.

"Sa bawat kuha kasi ng trabaho ni papa ay kailangan namin lumipat para malapit doon sa lugar ng pagta-trabahuhan niya ang titirahan namin," sagot ko.

"Masyado kasing mahal ang pamasahe kung hindi namin gagawin 'yon. Kaya pati rin ako ay kailangang mag-adjust para dito," dugtong ko pa.

"Gano'n pala 'yon. Ang hirap naman pero hula ko ay sanay ka na din naman, 'no?" Tumango ako sa kaniya at napangiti.

Stubbornly Possessive (Stubbornly Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon